Elle
I rolled my eyes for an umpteenth time seeing Harrice fighting her urge to bite her nails. Panay pa ang marahang pagpadyak ng paa nito sa sahig na halatang kinakabahan.
"What should we do?" Natatarantang napalakad lakad ito habang sinasabunutan yung sarili.
What is she doing? Natuluyan na yata syang mabaliw.
"Kumalma ka nga, Harrice. Para kang tanga dyan. Maupo ka na lang dito." Tinapik ko yung bakanteng upuan sa tabi ko.
"How can I, Elle? You don't have any idea how my family thinks. Tiyak na pahihirapan ka non ni Carrie at ni Mama. Sigurado yon."
"You're making it sound that you weren't part of them. You're charming and all. For sure they're nice too. So, please calm down and relax." Kampante lang na dumampot ako ng magazines sa center table, nag crossed legs, at doon itinuon yung atensyon ko. Bagamat at panaka-naka pa din na sumusulyap ako dito.
"Nice?" napatapik sa noo nito si Harrice. "Carriete is only nice to people that she deeply care about. Pero sayo, mainit ang dugo non. Maalala nya pa lang yung pinaggagagawa mo kay Ate Rainey, gusto ka na nun lasunin. Tapos sa amin ka pa sasabay magdidinner ngayon. Paano na lang kung lagyan non ng laxatives o lason yung pagkain m-"
"Edi ikaw muna kumain ng pagkain ko. Para kapag nilason nila ako, ikaw unang mamamatay."
Marahas na napalingon sa direksyon ko si Harrice. Namimilog yung mata bago tuluyang naningkit at gigil na hinampas ako ng nadampot na throw pillow.
"Gusto mo akong mamatay!? Sinasabi na nga ba, peke ka. Inuuto mo lang talaga ako no? Hindi mo naman talaga ako gusto!" naiinis na hinampas ako nito sa mukha. Natatawang iniiwasan ko lang iyon.
"You're stupid kasi, Harrice. Ano ba yang mga naiisip mo kasi." awat ko dito na natatawa pa din. "Stop hurting me physically. It's not a good habit."
"Tumatawa ka pa!" Asik nito. "Siguro gusto mo akong mamatay agad para makalaya ka sakin agad agad."
Lalo lang akong natawa sa trail of thoughts nito. Tumigil na din naman ito sa kakahampas sakin.
Makasabi naman kasi ito ng ganoon, para namang kasal kami at napakalaki ng obligasyon at responsibilidad ko dito. The last time I checked, hindi pa naman married yung status namin.
"Harrice, we aren't married. Di naman ako nakatali sayo. Pag ayaw ko na sayo, I can just say it right away. Why would I still wait until you lay dead? Baka matagal pa yon." natatawang pang-aasar ko dito.
Naiinis yung itsura nito. Para pa nga itong bata na iiyak na lang anytime.
Kelan pa ito naging ganito ka sensitive?
"So you're really thinking about it?" Harrice looks like a child that's about to throw tantrums. Nanginginig yung mga labi nito, matalim yung tingin sakin pero halatang nangingilid naman yung luha.
Hindi ko tuloy malaman kung tissue na ba yung iaabot ko dito o panyo pa din. Baka kasi singahan nito yung panyo ko. Kadiri.
"Do you really want that, Elle? Ayaw mo na? Natatakot ka na sa family ko? Gusto mo na ko iwan?"
I gaped at her.
I never said that. I wasn't even thinking that way. Ako nga itong kalmante at hindi kinakabahan kahit nahuli pa kaming dalawa ng mga magulang namin na naghahalikan doon sa pathway.
Awkward to be caught red-handed, Oo. But embarrassed? Definitely, No.
Surprisingly, Harrice isn't one of those people that I'll be ashamed to be caught with. Why not? Matalas lang yung bibig ni Harrice pag nagsasalita. Pero mabait ito. Sweet din naman ng onti. Hindi nga lang maasikaso pero masarap naman asikasuhin. Lahat kasi ng binibigay ko dito, inuubos nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/284520033-288-k122509.jpg)
BINABASA MO ANG
Forelsket
أدب نسائي"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."