Chapter 17

9.4K 607 272
                                        

Elle

I was trying not to get distracted as I am staring at Harrice's face.

Nakakaaliw tingnan yung mukha nito habang nagsasalubong yung mga kilay nito na natural na makapal at may linya. Yung pilit na pagkunot ng noo nito na para bang malalim yung iniisip. O di kaya naman ay yung nag-iisang linya na bibig nito habang nakatuon ang buong atensyon sa pinag-aaralan nitong clues.

I am starting to notice her mannerism too. The way her index finger and middle finger would scratch her forehead as she's into deep thinking.

That's cute. She's really an eye-catcher.

I wonder why Harrice ain't as popular as her sister. O siguro dahil hindi kasi namin ito kabatch kaya wala din akong ideya kung gaya din ba ito ni Ember o ni Cariette na mga literal na child prodigy.

Ang alam ko lang kasi ay sikat ito noong grade school ito bago ito nasapawan ni Cariette. Ayun na din kasi yong panahon na nawala na din yung braces at glasses ni Cariette. Lalo pa at nangibang-bansa na din yung ate nito at naexpose na sa mga tao.

Harrice was left alone. Overshadowed.

Truth is, I can't feel anything special about Harrice.

Hindi kasi ito gaya ng mga natural na Silva na may angst agad kahit tingnan ka lang. Yung tipong pag dumako sayo yung tingin, mapapaisip ka agad kung anong himala ang meron para pagtuunan ka nila ng pansin. Natural kasing snob ang mga ito.

Siguro namana ni Harrice yung soft features nito sa Mommy Candice nito. Yung palangiti at warm na aura na malayo sa mga pinsan at kapatid niya. Kasi si Tita Hariette naman ay hindi din ganoon. Mukhang masungit nga yung Mama nito. Pero sabi naman ni Mommy ay mabait si Tita Rie.

"I think there's really something missing here." Harrice blurted out while still staring at the postcards as she's tickling her tongue.

Nang bumaling sakin yung tingin nito ay awtomatiko akong nag-iwas ng tingin bago pa ako nito mahuli na nagnanakaw ng sulyap dito.

"Woy, di ka ba nakikinig?" Kinalabit ako ni Harrice para kunin yung atensyon ko. "Elle, pansinin mo ko."

"What?" I feigned surprised.

Itinuro nito yung postcards. "May kulang dito."

Kinuha ko iyon. Tatlong postcards iyon na puro mga irregular shapes. Kahit anong ayos talaga namin ay hindi naman iyon madecode.

"Let's wait for the annoucement." I motioned the other teams that are already settled in the main hall.

Para naman kasing kami lang ang namomroblema. Yung iba naman ay normal na nag-uusap usap pa at nagkwekwentuhan. Alangan naman na kami lang yung hindi nakaintindi di ba?

"Wait." Tumayo si Harrice at tinangay lahat ng postcards.

Hindi ko alam kung anong naiisip nito. Basta na lang ito naglakad patungo sa grupo ng Green team. Particularly at Eris who has her head bowed down on the long wooden table.

Is she actually sleeping? At this hour?

Pupungas pungas na umangat yung ulo nito mula sa mesa nang kalabitin ito ni Harrice. She yawned. Halatang inaantok. Umupo sa tabi nito si Harrice at pinakita yung mga postcards namin.

Eris motioned the lights hanging from the ceiling. Pagkatapos ay ibinagsak na ulit nito yung mukha nito sa mesa at bumalik sa pagtulog.

Itinaas naman ni Harrice yung postcards namin patapat sa ilaw. Tila may binabasa doon.

Once done, she gently taps Eris' shoulder which the latter returned with a gentle tap on her hand too. Ganon ba sila magbatian?

Nang maglakad na pabalik dito sa direksyon ko si Harrice ay nakasimangot na ito.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon