Elle
Contrary to what we are thinking,this kind of treasure hunting game doesn't require much of our physical stamina. It's more of a group synergy and cooperation. Something that my current team has now.
Kung yung mga naunang game ay hirap ang lahat na makipaglaro kasama yung grupo ng mga ito, ngayon naman ay kapansin-pansin na mas mabilis kaming lahat makamove sa sequencing ng game.
And I am enjoying the camp better than before. Siguro dahil kagrupo ko na ngayon si Rainey. Mas panatag kasi ako na kasama ko na sya ngayon.
"Sa beach yung sunod na clue."
Pagtingin ko kay Harrice ay ganoon pa din ito mula nung magsimula yung game. Seryoso.
Nakakapanibago tuloy. Kahit naman noon na civil ito ay hindi ganyan yung itsura nya. Madalas nang-aasar at nang-iinis kasi ito. Pero ngayon, daig pa estatwa sa sobrang kawalan ng ekspresyon yung mukha.
Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa yung nag-aaway kami o nagtatalo noon. At least noon, may pagkakataon at rason ako para kausap ito.
"Let's go, Kids." Yaya ni Rainey kina Dree at Bree. "Paunahan tayong tatlo sa beach."
Nang marinig iyon ay nagtakbuhan agad ang mga ito na para bang hindi pa din napapagod. Kanina pa kasi kami palipat-lipat pero ang taas pa din ng energy ng tatlong iyon.
Maybe that's one of our advantage against the other team. The energy that's not depleting.
Bree and Dree are quite an addition in our team. Simple lang kasi mag-isip ang mga ito. Yung mga bagay na naoverlook na namin dahil masyado na kaming kumplikado mag-isip, those two kids would remind us the simplicity of it. And most of the times, their innocence and simplicity is truly helpful.
"Hey, gutom ka na ba?" Tanong ko kay Harrice habang pilit na umaagapay sa laki ng hakbang nito patungo sa dalampasigan. "I have energy bar dito sa bag." alok ko pa.
Siguradong hindi nito tatanggihan iyon.
Kaya naman nagulat ako nang hindi lumilingon na dire-diretso lang ito maglakad. "Busog ako."
"Well, that's a first." Nang-iinis na ngumiti ako dito. Kahit ang totoo ay napapaisip ako na baka nga galit ito sakin. "Nabubusog ka din pala?"
"Sa mga paasa mo?" lumingon ito sandali sakin bago umingos. "Oo. Busog na busog na. Hindi nga ako natunawan. Kaya wag kang humarang-harang dyan sa harapan ko."
Wait, what?
Galit ba ito?
Kumapit ako sa braso niya pero mainit ang ulo na tinabig lang nito yung kamay ko.
"Galit ako sayo. Huwag mo ko hawakan."
Imbes na ma-offend dahil sa pagtabig nito ay napangiti lang ako lalo. Para kasi itong bata na nagmamaktol dahil hindi nakuha yung gusto.
Siguro nagtatampo ito na hindi ito yung una kong kinuha kanina. Na mas pinili ko na unang piliin si Rainey kesa dito.
"Harrice naman." hinatak ko yung laylayan ng damit nito para mapahinto ito.
Salubong ang kilay na tumigil nga ito sa paglalakad at tiningnan ako ng masama.
I raised my hands in mid-air. Motioning my intent that I have no plans to argue with her nor to annoy her even more than what she is actually feeling right now.
"Are you mad at me that I didn't pick you first?" sumilay yung ngiti sa labi ko bago naglalambing na kumapit sa braso nito. "Wala namang kukuha talaga sayo kaya sakin talaga ang bagsak mo. Kaya kahit di kita piliin agad, ayos lang naman di ba? Magkateam pa din naman tayo."

BINABASA MO ANG
Forelsket
Chick-Lit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."