Elle
"Elle, sige na. Please?"
Yung please nito nagiging Pluheez na yung pronunciation habang nagpapacute pa. Nakakapit yung braso nito sa braso ko na kanina nya pa nga hinahatak.
"Ayoko. Ang pangit kaya. Please lang tigil-tigilan mo nga yan, Harrice. Nakakainis." pinilit ko na deadmahin yung nakakaawang itsura nito. Para na itong bata na naglupasay na sa kama. Nagpapadyak padyak pa.
Paano ba naman kasi, pinipilit ako nito na suotin yung damit na bitbit nito para daw pareho kami ng suot.
Pero heck, mamamatay muna ako sa kahihiyan bago ko suotin yung inaabot nya.
Ang pangit talaga kasi niyon. I am not wearing tees. It's too plain and boring. Not my typical kind of clothes.
Pinasadahan ko pa iyon ng tingin. Kulay white na T-shirt na may patrick the starfish print pa sa harap.
Yikes. No way. No way.
Literal na kinilabutan ako sa ideya na isusuot ko iyon kahit pa nga pag-aari naman iyon ni Harrice.
Gusto ko tuloy itong hambalusin nang magpout pa ito sa harapan ko na akala mo inaapi ko ng husto. Akala nya yata nakakatuwa yang pinagagagawa nya.
"You don't like me." Nagtatampong sabi nito na sumubsob na sa unan na yakap yakap nito habang nakaupo sa ibabaw ng kama.
"Yeah." I agreed.
I don't just like you.
"I knew it! I knew it!" tili pa nito.
"Hoy Harrice, tigilan mo yan." naiiritang sita ko na dito. "Nakakapikon yang ganyan."
Ayun na lang ba talaga ang sukatan nito? Ang dami dami ko namang ginagawa para iparamdam dito na gusto ko ito. Tapos isang beses lang sya natanggihan ganyan na sya umakto.
Aba naman. Umayos ayos ito kung ayaw nitong makatikim sakin.
"Ngayon lang naman ako humiling sayo tapos tatanggihan mo pa."
"Ask for something else." I waved my hand to dismiss the issue. "Iba na lang. Wag mo lang ako pagsuotin ng ganyang klaseng damit. Ang corny kaya. It's sooooo..." Napangiwi ako. "Ang pangit talaga. Sorry."
"E pares nga tayo ng damit o!" itinaas pa nito yung damit na sabi nito ay susuotin din nito sa bonfire. Puting damit din iyon na may print naman ng spongebob sa harap.
Is she really wearing that? Kadiri aa.
Maganda naman ito. Pero yung taste nito sa damit, ayoko na lang talaga magsalita ng hindi maganda.
"Damit ko na lang isuot mo, hmm? Pareho pa din naman tayo ng susuotin." umupo ako sa tabi nito at saka naglalambing na yumakap na dito.
In-straight ko pa yung kilay nito na nagsasalubong na at saka masuyong hinalikan yung tip ng ilong nito.
"Anong damit?" nakasimangot na tanong nito.
Binuksan ko yung bag ko at naghanap doon ng pwede naming suotin ni Harrice. Yung malayo doon sa pangit na Tshirt na gusto niyang ipasuot sakin. Siguro puting damit na lang din. Napansin ko kasi na puro white yung madalas isuot nito.
Gosh! Anong oras na. Tiyak na kumpleto na lahat doon sa main hall. Kami na nga lang yung naiwan dito sa kwarto dahil sa sobrang bagal nitong kumilos. Dinaig pa ako sa kaartehan.
I pulled out a pair of white button down shirt.
"Ito na lang. Pareho tayo." inabot ko dito yung damit ko.
BINABASA MO ANG
Forelsket
أدب نسائي"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."