Chapter 22

10.3K 648 307
                                        

Harrice

"I'll take the space beside you."

Bago pa ako makakontra ay nailagay na ni Elle yung unan nya sa kanang bahagi ng kama na ookupahin ko sana. Hindi ko tuloy malaman kung paano ko sasabihin dito na si Eris ang katabi ko ngayon.

Dahil binago na yung team groupings at iba na din yung mechanics ng game sa food distribution, nagkaroon na din ng changes sa quarters naming lahat.

Kung dati ay kada grupo ang inookupang kwarto, ngayon naman ay isang malaking kwarto na lang na sama sama kaming lahat. Hiwa-hiwalay na lang ng kama.

Pero dahil limited lang iyon, yung iba siguro ay magtatabi tabi na lang. Masyado namang malaki yung kama kung para sa pang-isang tao lang.

Siguro kaya nagkaroon ng changes sa room assignment ay dahil kay Tita Grant. Nalaman siguro nito na tanging si Eris at Tris lang ang magkagrupo. Baka kasi magpatayan yung dalawang iyon pag nagsolo. Kaya hayan, sama sama na lang lahat para walang gulo.

"Hey, that's my space."

Hindi ko pa nasasabi kay Elle yung pinproblema ko nang tumigil din sa harap ng kama ko si Eris at idemand yung pwesto nito sa tabi ko.

Elle prepped up using her elbows. "This is my space."

"No." Eris yawns. "That's my space, Elle. Wala nang bakanteng kama."

I scanned the room. Searching for a vacant bed. Meron pa namang isang bed na walang umookupa.

Bree and Dree sharing one bed. Tapos si Cray at Ember. Si Rainey at Carrie sa isa pa.

Yung isang kama naman ay tila ba nagpapakiramdaman pa yung tatlo kung sino sino ang magkakatabi. Nagtititigan lang kasi sina Elise, Tris, at Lee.

Tapos ayun nga yung nag-iisang bakanteng kama.

"May bakante pang isa." Itinuro ni Elle yung kama na nasa left side namin. "Doon ka na lang."

Humikab ulit si Eris. "Nah. I don't wanna." Umiling pa ito. "I hate sharing my bed unless it is with Harrice."

I shyly touch my nape. Totally embarrassed to choose Elle over Eris. Tiyak na magagalit kasi ang kahit sino sa kanila pag hindi napili.

"Magulo matulog si Harrice." Tumayo na din si Elle at humalukipkip sa harap ni Eris. Umangat pa nga yung kilay nito na tila anumang oras ay handa na magsungit.

"I know." Eris gave Elle a blank stare. "That's why I am being nice to take that space beside her so you'll not end up sleeping on the floor in the middle of the night."

"That's so sweet of you, Eris. But there really is nothing to worry about." Tumingin pa sakin si Elle at ngumiti ng matamis. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapapaypay sa mukha kong nag-init yata bigla. "Harrice won't push me off our bed. That, I assure you."

Our bed.

Crappy cakes. May sarili na pala kaming kama dito. Hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok sa isipin na magkatabi kami ulit matutulog ni Elle.

Nagkibit-balikat lang si Eris nang makita yung reaksyon ko. "You're not an option, Harrice. I will always be choosing you first. But if you're happy with a portion, I won't stop you. I'm just your cousin anyway."

Just an option. Am I?

If I was clouded by my dreamy eyes staring at Elle awhile ago, now I can clearly see the way she is stealing glances at Rainey and Carrie. Kukunot yung noo nito bago ngingiti sa direksyon ko na para bang wala lang iyon dito.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon