Chapter 33

8.7K 634 62
                                        

Elle

Crap! Where'd they went?

"Elle?" I felt Rainey tugging my arm. "You okay?"

Sumulyap lang ako dito bago marahang umiling. Pagkatapos ay pinagpatuloy yung pagsuyod sa paligid kung saan dinala ni Momma si Harrice. Kanina kasi ay nasulyapan ko ang mga ito na nag-uusap sa area ng mga pagkain. Pero ngayon, pareho na silang hindi ko makita.

At saan naman dadalahin ni Momma si Harrice? I know that she doesn't like Harrice but I just hope that she's not playing tricks against her. May pagkauto uto pa naman iyong babaeng iyon minsan.

"Excuse me, Rain. I need to find Harrice."

Pati tuloy si Rainey ay mukhang nastress na din dahil sa pagkataranta ko.

"Hindi ba kasama ni Carrie?"

Umiling ako ulit. "I saw her kausap si Momma kanina."

"Baka nagpapahangin lang."

Sana nga ganoon lang. Pero paano kung tinakot iyon ni Momma? Tapos bigla na lang umalis iyon ng walang paalam?

"I'll check the garden." mabilis na paalam ko dito na hindi na hinintay yung sagot nito. I need to find Harrice the soonest.

May mga mangilan-ngilang bisita yung bumabati sakin nang mapadaan ako sa gawi ng mga ito. Pilit na ngumiti lang ako at saka nagmamadaling nilampasan ang mga ito.

I've had enough of my duties right now. I just want to see where Harrice went at kung sino yung kasama nito. Kasi kung si Momma pa din ay talagang kinakabahan ako. Takot pa naman si Harrice doon.

I've passed by the garden, pero wala doon si Harrice. Kahit sa pool area ay wala din ito. Chineck ko na din yung likod ng bahay kung nasaan yung mga magulang namin pero wala ito doon. Kahit si Momma ay hindi ko din makita. Lalo lang tuloy akong nagdududa na magkasama ang mga ito ngayon. At tiyak na may hindi magandang resulta.

If I were Momma, where would I bring Harrice if I want to talk to her without other's noticing?

I am lightly biting my finger as I am thinking deeply. Mom's safe place here is the library. Pero sigurado ako na hindi nito doon dadalhin si Harrice. That place is too personal for her to let a stranger in.

Halos naikot ko na yung buong bahay pero hindi ko talaga makita ang mga ito. Kung hindi pa nga ako nakatanggap ng text message kay Rainey saying that she saw Harrice sitting outside our main porch, ay matetempt na talaga akong tawagin si Momma para usigin sa ginagawa nito.

At paano naman napunta si Harrice sa porch? Dumaan na ako doon kanina pero wala naman ito doon.

Nagmamadali yung mga hakbang na halos lakad-takbo yung ginawa ko para lang maabutan doon si Harrice. Baka kasi pag dumating ako ay wala na naman ito doon.

Luckily, Harrice is not into hide and seek play this time. Gaya ng sabi ni Rainey, nakaupo nga lang doon si Harrice sa gilid. Nakayuko na para bang nahihilo o di kaya ay inaantok.

Hindi din daw ito maasikaso ni Rainey dahil susuyuin pa daw nito si Carrie na galit dito.

Carrie should be looking after her sister. What the eff is she doing? Mas uunahin nya pa yung galit nya kesa sa kapatid nya? Paano na lang kung napahamak si Harrice o kung sino man na herodes yung lumapit dito at basta na lang ito iuwi? Hindi ba nya naisip yon?

On a second thought, Harrice's family is being convinced that she's no longer just an immature teenager that's acting based on her impulses and hormones. So dapat lang ipakita ni Harrice na responsable ito at mapagkakatiwalaan kahit walang nakabantay dito.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon