Chapter 20

10.3K 677 261
                                        

Elle

"You don't have to drink, Elle."

Pilit na inaagaw ni Ate Cray yung baso ng alak na inabot sakin ni Kaylee. Itinaas ko yung kamay ko para awatin ito. Ayoko masabihan na hindi marunong makisama sa grupo nito.

"I'll just take this one." after saying that, I drink straight from the cup. Napaubo pa ako nang maramdaman yung mainit na likido na dumaloy sa lalamunan ko.

"I told you that you don't have to." kumuha ng tissue si Ate Cray at inabot iyon sakin para mapunasan ko yung gilid ng labi ko na natapunan ng iniinom kong alak.

"It's okay, Cray. She's twenty one. At some point, she needs to explore what she wants and what she doesn't." Ngumiti pa ng malapad si Ember na katabi ni Ate Cray.

Itinaas pa nito yung hawak nitong cup na para bang nakikipagcheers sakin bago nito inisang lagukan lang yung laman niyon.

But unlike me, Ember isn't coughing after drinking the half full glass. Mukhang gaya ni Ate Cray ay sanay din itong uminom.

"Hindi umiinom si Elle, Ember."

"A sip won't kill her, Cray. Loosen up." Itinuro ni Ember yung direksyon ni Harrice at Eris na nandoon sa gilid. "I won't even mind if Eris would want to take a bottle. I'd happily drink with her if she wants to. Kesa naman na sa iba pa matuto yan uminom. Tapos di pa nya alam yung limit nya di ba?"

Gaya ko kanina, ay umuubo din si Harrice matapos nitong inumin yung basong inabot dito ng pinsan nito.

Don't tell me that she's drinking too? She's only seventeen, for Pete's sake.

"They're minors!" hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkainis habang nakatitig sa itsura ni Harrice na namumula yung pisngi at tila ba maiiyak. "Pinapayagan na sila uminom!?"

Napasubsob pa nga yung mukha nito sa mesa habang tinatawanan ni Eris.

What are they talking about? What's so funny? Why Eris is laughing that hard? Why Harrice seems devastated over something?

Lalong napakunot yung noo ko nang sumandal sa sandalan ng upuan nito si Harrice at tumingin doon sa table ng mga lalaki.

And I really hate the way that the sight of those people made her smile so carefree. Yung ngiti na para bang nagnanakaw ng tingin sa taong gusto nito. Don't tell me may crush sya sa isa sa mga lalaking andoon? Hindi naman kagwapuhan yung mga iyon.

Napadiin yung pagkakahawak ko sa baso ko na wala ng laman. Kasabay ng mariing pagkagat ko ng ibabang-labi ko para mapigilan ang malakas na mapamura.

That sight. I hate that.

Damn you, Harrice. You can't look at another person that way. Stop smiling like that. No one has the rights to make you smile like that. I won't let you.

Was it Priam?

No, probably not. Kahit pa matalik na magkaibigan yung mga magulang nito at yung mga magulang ni Rainey, hindi din naman naging ganoon kaclose si Priam at Rainey sa mga Oliviars. Kaya imposible.

Bago ko pa maisip yung pumasok na ideya sa utak ko ay may kumumpirma na niyon.

"Look at Harrice. She's still obviously smitten to my brother." Komento ni Kaylee na nakaagaw ng pansin ko.

"Leo?"

Tumango si Kaylee. "I won't mind if Kuya will start dating her. She's pretty and incredibly charming for her age."

"Nanliligaw si Leo kay Cariette di ba?" kontra agad ni Elise na katabi ni Lee. "I don't think it's appropriate."

"Nah." Umiling si Kaylee. "Hindi naman din tinuloy ni Kuya dahil binasted agad sya ni Carrie. And mind you, everytime that he is visiting Carrie, si Harrice yung humaharap sa kanya. Binibiro pa nga sya ni Harrice na ito na lang yung ligawan para di na mabasted. Ang sweet nga nila nung launching nang products ni Kuya. They really look like a romantic couple."

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon