Epilogue

30.9K 1K 351
                                        

Elle

"Harrice, phone!"

Nang hindi ito tuminag sa pagkakadapa sa kama ay gigil na siniko ko na sya.

Damn! I don't care if whatever time it is right now. All I want is to sleep some more.

"Harrice!"

Patuloy kasi sa pagtunog yung phone nito na hindi ko alam kung bakit hindi nito in-off bago kami natulog. I clearly told her that I'll throw her phone once it interrupts my sleep in the morning.

"Answer it, Elle. I'm still sleepy." she mumbles, eyes still close.

Para syang bumubulong-bulong pa nga pero hindi ko na masyadong maintindihan. Kahit ako kasi ay antok na antok pa din.

This is the first day that we are living together. Kahapon lang kasi kami nakalipat dito sa bahay na binigay ni Mommy. She gave this house to us as our wedding gift. Although may mga areas lang si Harrice na gusto ipabago. Pero hindi pa namin iyon napag-uusapan ng maayos. Nabanggit lang nito kahapon.

Apparently, matagal na daw itong nakahanda dahil napagkasunduan nito at ng Mama ni Harrice noon na kung sakali man na kaming dalawa ang magkatuluyan ni Harrice, sa parte namin manggagaling yung bahay na titirahan namin ni Harrice.

Kaya din siguro hindi na ito nagulat nung kinausap ko ito na gusto na naming magpakasal ni Harrice bago pa kami mapaghiwalay ulit ni Momma. Kasi inaasahan na nga nito iyon, dati pa.

Napasimangot lang ako nang tumunog na naman yung phone ni Harrice.

Sino ba naman yang istorbo na iyan? Can't they give us the privacy to be together in peace right now? We're entitled to have it.

"Damn, Harrice!" iritableng hinatak ko dito yung kumot para lamigin ito at mapilitang bumangon.

Bakit ba tulog mantika ito? Hindi ba ito naririndi sa ingay ng phone nya? Ako kasi kanina pa nabubwisit.

I heard her loud groan. Halatang galit at masama ang loob. Kasabay niyon ay yung pagdadabog na pag-upo nito sa kama.

Bahagya tuloy akong napamulat para silipin ito.

Is she mad at me?

She looks like a wreck. Magulo yung buhok na tumatabing sa kalahati ng mukha nito. Nakapikit pa din ang mga mata na halatang antok na antok pa. Nagsasalubong ang kilay at nag-iisang linya yung bibig.

Kusang bumaba pa yung tingin ko sa leeg at balikat nito na hindi natatakpan ng unan na yakap yakap nito. Namumula iyon at may mga parte pa na nag-iiba na yung kulay.

Nang hindi ito kumilos para damputin yung phone nito ay ako na yung kusang nagstretch ng kamay ko para abutin iyon sa ibabaw ng bedside table. Kanina pa ako nangangati na ibato na lang sa pader iyon at hayaang masira.

"Answer it and tell that person to go to hell." Inilagay ko yung phone nito sa kamay nito.

Ayoko din kasing sagutin iyon dahil hindi ko naman kilala kung sino yung tumatawag dito. Unregistered number kasi iyon. At kahit naman kasal na kami, I still respect her privacy though. Mamaya importanteng tawag pala iyon.

She tapped the answer button. "H-Hello?"

Heck, why does her bedroom voice sounds so sexy when she answered that call?

Naaaliw na lalo lang tuloy akong naadik na pagmasdan ito. Unti-unti nang nawawala yung natitira ko pang antok.

"Crappy cakes, Eris! You called me at this wee hour just to tell me that you need money?"

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon