Elle
"Oo na! Oo na!" Naiiritang napatingin ako sa wristwatch ko. Minamadali kasi ako ni Rainey dahil wala na daw itong oras. "Fine, I'll bring it. Bakit ba kasi iniwan mo sa unit mo? Alam mo naman palang kailangan mo di mo pa dinala dyan sa bahay ng pangit na girlfriend mo."
Halos lakad-takbo na yung ginawa ko nang makapasok ng lobby ng unit nito. Buti na lang talaga may duplicate ako ng susi ng unit nito. Kung hindi iiyak ito dahil yung engagement ring daw nito at ni Carrie ay iniwan nito sa jewelry box nito dito sa unit nito. Kung hindi ba naman saksakan ng tanga. Bakit nya kasi hinuhubad pa? E proud na proud nga sya na kalive-in yung babae nya.
"Nandito na ko. Kukunin ko na lang at ihahatid dyan. Will you please stop acting up? Naririndi na ko sa iyak-iyakan mo. E tinatamad ka lang naman yata umalis dyan sa bahay nyo."
Sinenyasan ko yung mga guard at attendant na huwag nang lumapit sakin. Sa private elevator naman ako dadaan.
Narinig ko pa yung mahinang pagtawa ni Rainey sa kabilang linya at yung pag I love you nito bago ko tuluyang pinutol yung tawag.
That woman!
Sinasabi na nga ba na sinasadya nito iyon. Paano naman kasi accessible lang sa opisina namin yung unit nya. Tapos madadaanan ko pa mamaya pauwi yung bahay ng girlfriend nito dahil malapit lang iyon sa dating school namin. O kung sakali man na hindi ako umabot ay ayos lang dahil magkapit bahay naman kami. Sa bahay kasi nila gaganapin yung formal wedding plans nila.
"Get out." I flick my hand when there are already people who rushed inside the private elevator. "I hate squeezing in."
Yung iba naman ay kusang tumalima nang makilala kung sino ako. Samantalang may ilan naman na makapal talaga ang mukha na tinitigan lang ako.
I raised my hand to get the attention of the guards. Dali-dali naman na lumapit ang mga ito. Pati yung ibang nasa reception na walang ginagawa ay lumapit din.
"See them out." Itinuro ko yung mga nanatili sa elevator. "I don't want any of their faces stepping inside this building again."
Hindi lang yung mga nakasakay sa elevator yung nagulat. Pati yung mga empleyado na nakarinig niyon.
"Po?" tanong ng isang taga-reception.
I gave the receptionist a sly grin. "Join them. You're fired. There's no space for stupid people here who can't even get a simple instruction done."
"Who do you think you are to say that?" Mataray na tanong nung isang babae na mukhang kabit ng kung sinong poncio pilotong politiko. Kapal ng make up at kumikinang pa yung mga alahas. Akala mo naman kinaganda nya. E mukha naman syang pulubi kahit bihisan.
"I have three units here. Baka gusto mong ipatawag ko yung operations manager dito para ikaw yung escort-an palabas?" sabat pa ng isang mukhang matrona. Ang pangit ng hindi pantay nitong kilay. And damn, is she wearing a glittery dress? Kadiri talaga.
Umangat lang yung kilay ko sa mga ito bago binalingan yung mga tao ng condominium.
"Talk to my lawyers for the settlement. And please sanitize the whole building. I wasn't informed that our building is now keeping thrash. Hindi lang masakit sa mata. Nangangamoy na din. Gosh!"
Agad na nagsiyukuan yung mga empleyado samantalang halos kaladkarin naman ng mga gwardya palabas yung mga natitira sa loob ng elevator.
Nang makaalis ang mga ito ay saka lang ako pumasok sa elevator. How dare those stupid fools to delay me. Ilang minuto din ang nasayang ko doon.
"Kasalanan talaga 'to lahat ni Rainey e." bubulong-bulong na sabi ko habang hinahanap yung keycard ng unit nang makababa ako ng palapag nito.
Hindi ko kasi alam kung nagpalit ba ito ng passcode dahil nag-eerror yung passcode. Buti na lang at may duplicate ako ng master keycard nito. Madalas din kasi nitong makalimutan yung passcode nito kaya naman pinagawan ko na lang sya ng ganito para wala kaming problema.

BINABASA MO ANG
Forelsket
Romanzi rosa / ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."