Harrice
"Elle and I are married."
Tumingin lang sandali sa akin yung lahat ng nasa sala bago parang walang narinig na nagpatuloy lang sa pagkukwentuhan at pagpaplano ng kasal nila Carrie at Rainey.
It is our traditional family dinner in Tita Grant's family island. Lahat ng Silva, kasama si Ate Rainey at Cray ay nandito. Tinuturing na din kasing parte ng pamilya namin si Ate Rainey dahil nga nagsasama na naman sila ni Carrie at tanging naghihintay na lang ng araw ng kasal nila.
"Hey, I'm serious." Ulit ko pa sa mas mataas na boses para seryosohin naman nila ako. "Kasal na ako. Bakit ayaw nyo maniwala?"
Pero gaya kanina, wala pa din pumapansin sa sinasabi ko.
Mukha ba akong nagbibiro?
"Tell them we're married." I nudged Elle beside me who is surely enjoying my predicament.
"Bakit ako? Pamilya mo yan." Natatawang sagot pa nito na nginitian lang ako ng matamis.
I took a deep sigh. Can't she see that no one is really paying attention to what I am saying?
Heck! Hindi ba dapat tinatanong na nila ako kung bakit sinama ko na si Elle dito sa Isla?
Our family dinner is only exclusive for the Silvas. Kung hindi pa kami kasal ni Elle, hindi naman ako maglalakas loob na isama ito dito.
So why they aren't believing me?
"Hey, Elle. Have fun here. " inangat lang ni Tita Grant yung brandy glass nito sa direksyon ni Elle. "Feel free to roam around the island. There's food in the dining. Kung may kailangan ka, please let us know. Your sister is safe here with us. Yung Mommy mo lang talaga ayaw maniwala na alaga naman namin dito yang ate mo."
"Thanks Tita Grant." Ngumiti pa ng matamis si Elle dito.
"Nah. Don't mention it." Ikinumpas ni Tita Grant yung kamay nito sa ere. "You can even stay here for as long as you want. I know Louella can be a bit tiring and bossy at work."
"I'll just stay for the weekend po. I'll go with Harrice pagbabalik na sya sa Manila." magiliw na sagot pa ni Elle.
I groaned inwardly. So all along, ayon ang naiisip na rason ng buong pamilya namin kung bakit kasama ngayon si Elle dito? Para bantayan yung Ate Cray nito?
Lumapit pa si Tita Jen kay Elle. "You really look like your mother. Tell Alliston to drop us a visit too. That woman! Hindi na naman naalala na bumisita."
"I'll tell Mom. She's busy lang po sa pag-aasikaso kay Momma. Nagiging mainitin na kasi yung ulo lately." Mabining tumawa pa si Elle. Mukhang close na close naman ito sa pamilya nila Tita Grant which reminds me that her mother is Tita Jen's cousin. "Pero baka mamaya sumunod na sila ni Momma dito."
Baka sumugod kamo. Anong susunod? Susugurin kami dito dahil nagmagaling na naman si Elle na isahan yung Momma nito. Kaya pala madaling madali na makasal kami dahil baka may plano na naman daw na paghiwalayin kami.
Syempre, mas pabor na sakin yung gusto ni Elle. Kaso tiyak na magagalit na naman ng husto sakin yung Momma at Ate Cray nito. Iisipin na naman na hindi ko na naman sila nirespeto.
Umaasa na lang ako na baka magbago naman yung takeaway ng mga ito dahil may basbas naman kami ng Mommy ni Elle. Sabi naman ni Elle ay kaya na ng Mommy nito si Tita Louella. Si Cray naman daw ay baka hindi naman magalit tutal ay gusto naman na din ako niyon para sa kanya.
Well, sana.
Pero ang pinakaproblema ko talaga ay yung pagtatapon sakin sa dagat ni Carrie pag nalaman nito na inunahan ko ito. Tiyak na magwawala ito panigurado. Lalo pa at ang tagal tagal nilang pinplano ni Ate Rainey yung pagpapakasal.

BINABASA MO ANG
Forelsket
Chick-Lit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."