Chapter 16

10.1K 664 275
                                        

Harrice

Matapos ang mahabang oras para mag-asikaso ng mga dadalahin namin ay sabay sabay na kaming lahat pumunta sa main hall ng isla kung saan nandoon yung game facilities.

May isang oras pa kami dahil hanggang ngayon ay hindi pa din pala nadedecode ni Tris yung location ng map namin. Pero mukha talagang may kulang sa clues dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan yung mga nakuha naming clues.

Parang may kulang talaga. Hindi ko lang maintindihan kung ano.

"Can you check the clues, Elle?" Inilapag ni Tris yung bag nito at ni Dree sa ibabaw ng mahabang mesa na may mga bakante pang upuan.

"Sure." Inilapag din ni Elle yung bag nito sa mesa at saka tinulungan ako na maibaba din yung bag ko. "Pwede naman sabay-sabay natin gawin kung wala na kayong aasikasuhin pa bago magstart yung game."

"Pwede naman." sagot ni Tris.

Tris and Elle seem to be getting along well too. Civil naman ang mga ito talaga. Kung hindi ko nga lang alam na naging sila, hindi ako magdududa na close ang mga ito.

Pero nakakailang kasi yung panay na pagnakaw samin ng tingin ni Tris na marahil ay nagtataka kung bakit nakadikit sakin yung isa. Pakiramdam ko nga ay sinasadya lang nito na kunin yung atensyon ni Elle kaya nito binanggit yung tungkol sa game.

"Ate Tris, pwede ba tayong pumunta muna sa washroom?"

Kung hindi pa nga ito kinalabit ni Dree ay hindi pa nito aalisin yung tingin nito sa kamay ni Elle na nakakapit sa braso ko.

"Do you want me to go with you, Dree? Tara, ako na lang." akmang tatalima na sana ako nang hatakin ako ni Elle.

Nagtatakang napalingon ako dito.

"Si Tris ka ba?" masungit na tinaasan ako nito ng kilay.

"Hindi?" alanganin akong napangiwi.

Tumiim kasi yung tingin samin ni Tris. Nagpabalik-balik yung tingin nito sakin at kay Elle. Hindi ko tuloy malaman kung anong magiging reaksyon ko.

"Hindi naman pala. Bakit nagbibida-bida ka dyan? Hindi naman ikaw ang niyaya. Hayaan mo na sila doon." itinuro ni Elle yung bakanteng upuan. "Maupo ka na dyan. Magdedecode tayo."

"Yeah. Ako na." Tumayo si Tris. Parang nanliit pa nga ako nang kinailangan ko pang tumingala dito dahil huminto ito sa mismong harapan ko.

"Pero pwede naman ak-"

"I told you to sit beside me."

"Just take that empty seat."

Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang halos sabay pa na nagsalita si Tris at Elle.

Nagkatinginan ang mga ito pero si Tris din ang unang nag-iwas ng tingin at yumuko.

"Maupo ka na lang dyan. Tara, Dree." utos ni Tris.

Inosenteng kumapit sa kamay nito si Dree. "Ate Tris, pwede kuha mo din ako ng ice cream?"

Hindi ko na narinig yung sinagot ni Tris dahil malalaki yung hakbang nito na para bang nagmamadali makalayo samin.

Naaawang napailing na lang ako. Is she really into Elle?

Hindi ko maintindihan. Wala naman kasing maganda kay Elle.

Yung mukha lang nito na masyadong perpekto. Saka yung height na masyadong pinagpala. Saka yung kulay at kutis nito na kulay pink na cotton candies. Yung tipong pati yata pimples at alikabok mahihiyang dumikit dito.

Saka hindi naman ito mabango. Amoy pinaghalong vanilla at marshmallows lang naman yung amoy ng pawis nito. Saka hindi naman exceptional yung kulay tinunaw na tsokolate nitong mga mata. Hindi din naman kaakit akit yung ngiti at tawa nito. Para kayang pinaghehele ka para mapasunod ka. Ano bang maganda dito?

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon