Extras

10.7K 721 344
                                        

The night before the game.

"No. They'll just hurt each other." Kontra agad ni Aria nang malaman yung susunod na game.

Everyone from the troupe just stared at her na para bang sya lang ang kumokontra.

"What?" kaswal na tanong nya bago tila nanghihingi ng tulong kay Alliston para segundahan yung pagtutol nya sa susunod na laro ng mga bata.

Who would want to push a paintball game? Masakit iyon. Tapos may mga itinanim pa palang mild-shock paralyzing bombs ang mga ito? Goodness. Masyadong brutal.

"I think that will be cool. The kids need to let out their frustration and personal grudges towards each other." Sabi pa ni Alliston habang busy sa pakikipaglaro ng billiards kina Grant. "The paintball game wouldn't hurt their butts. Di ba Leigh?"

"As long as they'll be safe, I got no problems with that." Leigh answered. "But that's right. Letting the kids to vent out is kind of okay with me. Wag lang may mababalian ng buto or masasaktan ng husto."

"That's exactly my point. May mga medics naman na nakaready kung sakali. Saka may emergency shots naman tayo should they went out of control." Tumango tango pa si Grant habang sumisimsim sa hawak nitong baso ng brandy. Si Alliston ay busy sa pagsipat ng ititirang bola.

"Jen?"

Tahimik lang na nagkibit-balikat si Jen. Mukhang wala din itong pagtutol sa laro na sinasabi ni Grant.

"So, what? Ako lang ba yung ayaw ng larong 'to?" Aria ran her fingers exasperatedly on her hair.

"Yeah." Tumango pa si Hariette. "Everyone agreed with the game prior the set up. Okay lang naman siguro na hayaan natin sila. Tutal uso naman sa kanila ang magsakitan. Pag inaawat mo, lalong ayaw magpaawat e. Edi ibigay ang gusto. Tingnan natin kung hindi magsisukuan ang mga yan."

"Three on three naman yan." Hindi nakatiis na sabat na ni Sammie. Ibinaba nito yung binabasa nitong libro at hinarap si Aria. "Your twins won't be playing. Of course, bawal yung kids."

"Pati si Lee, wag nyo pasalihin." Suhestyon ni Vanilla. Katabi nito si Terry. Busy sila pareho sa pagtingin sa mga cameras na inilagay sa lahat ng sulok ng isla. "Kawawa naman yung anak natin, Leigh. Walang kumakausap. Bakit ba sila sila ang magkakateam?"

Lahat tuloy napatingin sa monitor ng CCTV. Sa kwarto nga ng Green team ay parang mga hangin lang na naglalampas lampasan ng tingin yung magkakagrupo.

Well, given na aloof talaga sa tao si Eris. Si Cray naman ay dakilang snob. Samantalang si Priam ay nakahiwalay naman ng kwarto dahil nga lalaki ito. Si Kaylee tuloy ay tahimik lang na nagbabasa na lang ng libro. Magkakasama nga sila pero tila may kanya-kanyang mundo.

That reminds everyone of what they were when they all first met. Bago yung kidnapping incident nilang lahat.

"What the hell are those kids doing?" itinuro din ni Louella yung grupo ng mga natalo sa unang game. Yung red team kung nasaan yung anak nito.

"Grant, pindutin mo yung emergency watch. Baka magkasakitan yung mga bata!" utos pa ni Louella na halatang natataranta lalo pa at kitang kita ng lahat kung paano ibinalya ni Harrice yung anak nitong si Elle pasandal sa puno. "Damn it, magkagasgas lang talaga yung anak ko, ibibitin ko patiwarik yang Harrice na yan."

Napatayo na din yung kanina lang na nananahimik na si Candice. Nakatuon na din yung atensyon sa monitor. Itinaas nito yung kamay nito na para bang naghihintay lang ng susunod na mangyayari bago sabihan si Grant na pindutin yung emergency watch.

Lahat kasi ng mga kasali sa summer camp ay binigyan ng emergency watch na may tracker. Pag pinindot ng facilitator yung emergency call ng specific player, automatic na magsesend ng notice iyon sa mga staff ng isla na lahat ay mga tauhan ni Grant. Saka lang aawat ang mga ito.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon