Chapter 40

13.7K 718 356
                                        

Elle

"What about our business in Cebu? Someone has to go there to check the production. We're behind the schedule. Can you go there, Elle?"

"I'm sorry, Mom?" Napaangat yung tingin ko kay Momma mula sa patagong pagchecheck ng phone ko sa ilalim ng mesa.

Kanina pa kasi panay yung vibrate ng phone ko dahil sa kakulitan ni Harrice. Wala yata kasi itong ginagawa kaya halos oras-oras nagsesend ng mga nakikita nitong pagkain sa net. Tapos tatanungin ako kung masarap daw ba iyon. Aba, malay ko ba. Gusto lang yata nito na bilihan ko ito niyon.

At dahil marupok ako sa mga paglalambing nitong ganon ay napapacheck din ako sa website niyon para magpadeliver sa unit ni Rainey na pinagstay-an nito ngayon.

Baka nagugutom na kasi ito at hindi makalabas. Hindi pa naman ito marunong magdrive at baka natatakot din magcommute. Hindi ko din naman sure kung marunong ito magpadeliver ng food nito. That's why I am taking the initiative to do it.

"May schedule ka ba next weekend? Di ba nakahold yung expansion project mo ngayon?"

"Yes, Mom." Napangiti ako nang may isend na voice recording si Harrice kasunod ng mga nakakatuwang emojis. Mamaya ko na lang ichecheck iyong recording after ng meeting.

"Yes for what?"

Dinig ko pang nagsasalita si Momma pero hindi ko iyon masyadong naintindihan kaya nangingiting tumango na lang ako ulit.

"Yes."

This time, dinig ko na yung iritasyon sa boses nito nang tawagin nito yung pangalan ko. "Elle!"

"Yes, Momma?" napilitan akong tumingin tuloy dito.

Ano bang problema?

Umangat yung kilay nito habang nakahalukipkip na. Tiim ang bibig at halatang hindi na natutuwa.

"Are you using your phone in the middle of our meeting?"

Natatarantang inangat ko yung phone ko pataob sa mesa. Sa sobrang pagkataranta ko ay napindot ko pa yata iyon kaya kusang nagplay yung voice recording na sinend ni Harrice kanina.

"Bakit ang daming food, Elle? I was just asking you so I would know what food you want for lunch. The doorbell's not stopping buzzing. Heck! I'm taking a bath so I could pick you up for lunch. I can't always open the door while wrapped in a bathrobe. Please stop delivering food here."

Damn! What? Lumalabas sya ng ganoon lang ang itsura nya?

Gigil na dinampot ko ulit yung phone ko at nagtype ng reply dito. I told her to just put a note on her door na mababasa ng delivery guy saying to just leave the food deliveries right outside her door.

Masyado namang maswerte yung mga nagdedeliver ng food doon para harapin nya na ganon ang ayos nya. Saka hindi safe.

Minsan talaga yung babaeng iyon hindi nag-iisip.

"Oh, so while we're busy here discussing the company's problem, you are also busy ordering food?" Eksaheradong tumingin pa si Momma sa orasan nito. "It's only ten in the morning, Elle. Kararating mo lang halos ng opisina. Wala ka pang nagagawang trabaho. Ayan pa yung uunahin mo?"

Inangat ko lang yung kamay ko para patigilin si Momma. Importante itong inaayos ko ngayon kesa sa lintik na problema ng opisina. Kung gusto nya si Elise na lang ang pag-asikasuhin nya. Tutal bida-bida naman yung isang iyon. Gusto yatang gawing charity yung negosyo ng pamilya namin.

Lalong tumiim yung tingin nito sakin pero tumahimik din naman at hinayaan ako sa ginagawa ko.

Nang matapos ay saka ko ito hinarap. "Sorry for the interruption, ano nga ulit iyong sinasabi mo, Momma?"

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon