Harrice
Damn it! What the fuck is she doing?
I cursed mentally multiple times while still thinking about Elle and the scene she've left me with.
Nakakahiya! Anong mukha na lang yung ihaharap ko sa school?
Dating a woman? Tas yung ganoon pa kaganda at ka-glamoroso? Damn it talaga!
Hindi lang kasi maganda si Elle. Saksakan ng ganda. Classy, may finesse, yung tayo pa lang nga maiintimidate ka na lumapit. At kahit ilang dipa pa ang layo, naaamoy ko na agad yung gamit nitong perfume.
Why wouldn't I? Isa iyon sa mga signature scent ng perfumery namin. Kaya naman nung naamoy ko iyon ay talagang nataranta ako kakahanap kung saan yung pinanggalingan niyon.
At hayun nga si Elle, nasa loob ng auditorium ng school namin at dito naghahasik ng kagandahan nya. Hindi ba sya naiilang na lahat ng atensyon ng mga estudyante dito nasa kanya? Is she really enjoying being the center of their attention and adoration?
"Ang ganda nung friend ng ate mo, Harrie." parang nangangarap pang sambit ng isa sa mga kagrupo ko sa Science Club. "Ang bango bango pa."
Hindi ako umimik. Tahimik lang na nagpapanggap akong nanonood ng competition para suportahan kuno yung college namin. Pero ang totoo, lumilipad yung isip ko doon sa babaeng iyon.
Ano kayang naisipan nito at pumunta ito dito sa school? Is she trying to check if I am really telling the truth na busy talaga ako sa acads at extra-curricular activities? Hindi ba ito naniniwala sa mga sinasabi ko?
"Ang bango no? Halatang mayaman. Sabagay, mayaman naman pala yang si Harrie. Lahat ng gamit at damit branded e. Sa sunod dyan na tayo sa kanila naman pumunta." sabi pa nung isa.
"Oo nga, Harrie. Bakit di mo pa kami dinadala sa bahay nyo? Hindi ba pwede doon magbrain storming yung buong grupo sa sabado? Lagi na lang sa bahay namin." reklamo pa ng isa na isa sa matatagal ng miyembro ng club pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nadadala sa amin.
Everyone at the school knows that I'm a simple middle-class student. Scholar nga lang ako ng school namin at sumasali sa mga pipitsugin na Science Fair. Hindi yung kagaya nung kay Carrie na ipinapadala pa sa iba't ibang bansa para makipagcompete. Yung akin kasi, panlaban lang sa ibang college sa university din namin.
No one knows that I am one of the Elites. Kahit pa sikat si Carrie, hindi ko iyon ginamit para magpasikat at magpabida sa iba.
I've got used to it. Si Carrie nga noong gradeschool at highschool kami ay never na ginamit yung pangalan ko para lang matigil yung pambubully dito. Kaya marapat lang na ganoon din ang gawin ko dito.
It's true. Everyone back then adores me because I am Harrice Oliviar. Sikat dahil sa pangalan ko. Matalino, maganda, nanggaling sa prominenteng pamilya. Hinahabol lang din dahil alam ng mga tao na may koneksyon at pangalan ako.
But at this school, no one's acknowledging me. Although Oliviar ang gamit kong apelyido, wala naman akong natatanggap na kahit anong special treatment. Siguro hindi nila kilala yung pamilya namin.
I started opting being weird too. Gaya ni Carrie noon, makapal na eyeglasses na black ang rim, out-fashioned na damit, simpleng sapatos, walang kolorete sa mukha. Ginaya ko lahat para hindi na ito maikumpara at mabully nang dahil lang sa pagkakaiba naming dalawa.
I can't ask my sister to be someone she's not because that's too insensitive and inconsiderate. Since I can't control her, I am controlling my action and reflection towards other people that's surrounding us. That way, mas madaling tanggapin yung mga gaya ni Carrie.

BINABASA MO ANG
Forelsket
Chick-Lit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."