Chapter 14

10.8K 668 177
                                        

Elle

"Try this, Elle." Napaangat yung tingin ko nang inabutan ako ng cheese sticks ni Harrice. "Masarap 'to."

Napatingin ako sa mga kamay ko bago marahang umiling dito. Pakiramdam ko kasi madumi yung kamay ko dahil nga nakaupo ako dito sa buhanginan.

Mukhang naintindihan naman nito iyon dahil kusang inilapit na lang nito yung inaabot nito sa bibig ko para matikman ko yung sinasabi nitong masarap.

"Masarap di ba?"

"Uh-hmm." I nod my head before taking another bite. "It's really good."

"Akala ko ayaw mo kasi di mo pinansin kanina."

Pasalampak na naupo ito sa buhanginan katabi ko habang may hawak hawak na plato na may laman na madaming ganon.

Inubos ko muna yung nginunguya ko bago sumagot dito. "Hindi naman sa ayaw. Nabusog na kasi ako sa meat kanina."

"Nabusog ka don?" Maang na kumpirma nito na hindi makapaniwala. "E ang konti-konti nga lang ng kinakain mo. Paano ka nabusog don?"

"Maybe I have a tight-space stomach." pagsisinungaling ko dito.

Ang totoo, mahina kasi yung panunaw ko. Pag kumakain ako ng madami o nabibigla yung sikmura ko ay namimilipit ako sa sakit. Kaya iniiwasan ko talaga na kumain ng madami kahit gusto ko pa.

"Ikaw ba hindi nabusog kanina? E ang dami mo na nga kinain."

"Fave ko lahat ng may cheese and potatoes. Hindi pwedeng hindi ko lahat tikman. Baka magtampo yung pagkain at iwan ako ulit." Sabi pa nito na sige pa din sa pagkain.

Parang hindi nga ito nabubusog gayung kakakain lang namin ng hapunan kanina. Saka nakailang puno pa yata yung plato nito.

"Paborito mo naman talaga lahat basta pagkain. Takaw mo. Rarason ka pa." pang-aasar ko dito.

Kusang sumilay yung ngiti sa labi ko nang sumimangot na naman si Harrice pagkarinig sa sinabi ko. Na-offend na naman yata gayung nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"At least kung mamamatay man ako mamaya o bukas, busog na ko. Saka nakain ko lahat ng gusto ko."

"Oh? Hindi ka natatakot tumaba?"

Umiling lang si Harrice. "Is that important? As long as I know that I'm still healthy and fit, wala namang masama siguro sa pagkain ng madami."

"Gluttony is one of the seven deadly sins, should you need to be reminded."

Bahagya akong napapikit nang umihip ng malakas yung panggabing hangin kasabay ng malakas na hampas ng alon ng dagat sa dalampasigan.

Dahil nanalo kami kanina, yung tent na tinulugan namin kagabi ay nag-evolve na sa mas malaking tent. Hindi na kami magsisiksikan pagtulog. Saka, yung supplies kasi ng pagkain yung pinili ng grupo namin iprioritize na makuha kesa ang makakuha ng villa. Kawawa naman kasi si Harrice kung magugutom na naman.

Saka, masaya din kaya ang matulog sa loob ng tent. Sakto pa yung pwesto na napili namin na pagtayuan niyon dahil konting lakad lang ay nasa dalampasigan na kami. Nakakarelax.

"Sabagay, you were making fun of Carrie because she was fat before."

Nilingon ko ulit si Harrice. Mataman lang itong nakatingin sa langit na nalalatagan ng libo-libong bituin.

"Being healthy is important." I pointed out. "Saka, I am not making fun of Carrie because she was fat before. I only loathe her because even though she was that ugly back then, she was able to get Rainey to notice her."

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon