Chapter 12

8.6K 598 153
                                        

Elle

"That cunning lying bitch!"

Bago pa ako mahablot ni Essex ay napadapa na ito sa semento habang hawak ni Ember yung kanang kamay nito na pinipilipit sa likuran. Nakadiin yung tuhod nito sa likod ni Essex habang yung kaliwang kamay naman ay nakadiin sa likod ng ulo nito.

"Accept your defeat, X." kalmanteng sabi nito sa bunsong kapatid nito na panay ang piglas.

"No. She tricked us!"

"It is not Elle's fault that you're gullible enough to leave the game and drop your flag for their convenience."

Nakaramdam ako nang panlalamig nang dumako yung nanlilisik na mata ni Essex sakin. Literal na kinilabutan ako. Para kasing nagbabanta yung tingin nito.

"Hurt Elle and you'll be terribly sorry, X. That's my wife's sister. Don't forget that."

Nang marinig iyon ay saka lang kumalma si Essex. Marahil ay nakaramdam din ng takot sa banta ng panganay na kapatid nito. Nang makasiguro na kalmado na si Essex ay saka lang ito pinakawalan ni Ember. Bagamat at masama pa din ang tingin sakin nung isa.

"I'm sorry, Essex. Bawi ka na lang next game." Nginitian ko pa ito para lalong asarin. "Oopps, pikon ka nga pala. So baka talo ka ulit."

Kumuyom lang ang kamao nito at patuloy na tiningnan ako ng masama.

I check my surroundings, looking for my team. But I saw no one.

Nasaan kaya sila?

Lumapit sakin si Ate Cray para abutan ako ng tubig.

"Where are my team members?" Pakiramdam ko tuyong tuyo yung lalamunan ko.

Kahit si Dree kasi hindi ko makita. Hindi ba dapat ay naghihintay na sila dito?

"Si Harrice nasa infirmary. Ginagamot yung mga welts na nakuha nya kanina. Si Dree tulog yata kasama nung kakambal nya." Sinenyasan ni Ate Cray si Ate Ember na aasikasuhin muna ako. Tumango lang naman yung asawa nito. Busy pa din kasi itong sermunan yung kapatid nito.

Matapos kong maibigay yung mga flag na hawak ko sa facilitator ay sinilip ko yung secured rankings ng game. Nakalagay kasi na nangunguna kami. Kasunod ko si Ate Cray.

"Wala pa si Eris at Tris. Hindi pa sila bumabalik." Imporma ni Ate Cray. "We actually tried looking for them. Napagod na lang kami ni Priam pero hindi pa namin sila nakikita kaya nagpasya na kaming bumalik na lang dito."

Napakunot yung noo ko. "Wala pa si Tris?"

Natatarantang sinulyapan ko yung wristwatch na suot ko. Thirty minutes na lang tapos na yung game. Kanina naman na naghabulan ang mga ito ay madami pang oras. Dalawang oras at kalahati pa yata iyon. Ibig sabihin dalawang oras na silang nagtataguan at naghahanapan sa gubat?

I grab an unused mask. Sinuot ko iyon.

"Where are you going?" Nagtatakang hinabol ako ni Ate Cray.

Pansin ko na lahat ay napatingin na din sakin nang ituro ko yung gubat na pinanggalingan namin kanina.

Kumuha ako ulit ng baril at mga paintballs. Ubos na kasi yung paintballs ko kanina. Pero bago ko pa iyon mailagay sa suot kong vest ay pinigilan na ako ni Ate Cray.

"May oras pa sila para makabalik. Ano bang naiisip mo? Magpahinga ka na lang. Pagod na pagod ka na din, Elle."

Bahagya ko itong tinabig. "I need to find Tris, Ate Cray. She's my member. I can't let her out there on her own."

"Let them. Pag pumasok ka pa at nakigulo doon, we couldn't let that. Priam will go back there and will hunt you down. At least kung si Tris at Eris lang, that's a fair fight. One member from us against your team's one member."

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon