Chapter 1

261 15 2
                                    

Isang tawag ang narinig ko mula sa sekretarya ko.

[Madam, may mga nag re-reklamo na po na ibang trabahante natin dito tungkol sa pagkaltas nyo ng mga sweldo nila..]

"Ano! Boba ka ba? Edi sabihin mo magtiis sila kasi tatanga-tanga sila!"

[Pero mada-]

"Ano! Gusto mo bang pati ikaw kaltasan ko ng wala kang ipakain sa mga pamilya mong patay gutom!"

[Ok po, got it.] Ibinababa na niya ang tawag kaya nag simula na akong mag-asikaso sa pag ligo ko mula sa magaganda at mamahalin na damit hanggang sa magandang sandals. Talaga nga naman oh, kapag mahirap ang mga kausap mo at usapang pera nagkakagulo.

Habang bumababa ng hagdanan papunta sa kusina upang kumain iniikot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay, mahirap na kasi baka may nawawala nanaman na ninakaw ng katulong.

Pag-upo ko sa upuan kaharap ng mesa nakahanda na ang lahat ng pagkain. Ngunit ang lasa ng putahe ay hindi ko nagustuhan. Ano ito? Karneng baka?

Pumikit ako at tumingin sa pitong katulong na naka harila sa aking gilid. Lahat sila ay naka yuko at ang ilan pa'y magkahawak ang mga kamay. Mga inutil! simpleng instruksyon lamang ay hindi maintindihan?

"Sino ang nagluto nito at naghain!? isa-isa ko silang tinitigan at ni isa'y walang nagsasalita maliban sa pinakabagong katulong na umiiyak.

Tumayo ako at lumapit dito. "Ikas ba?" dahan-dahan itong tumingin sa'kin bago muling yumuko. "Ikaw ba!?"

"Pa-pasenya na po ma-"

Hindi ko sit pinatapos at nagsalita muli. "Alam mo? Kung tatanga-tanga ka dito, mabuti pang lumayas kana dito!"

"Madam, hindi nyapa po alam.." tumingin ako sa nagsalita na pinaka matandang katulong dito sa bahay.

"Eh bakit hindi mo sinabi? Eh di ba ikaw ang mayordoma dito? Dapat sinabi mo!"

Tumalikod ako sakanila at kinuha ang kape sa mesa. "Alam ninyong kada lunes hindi ako kumakain ng kahit anong uri ng karne! Kaya huwag kayong magtataka kung bakit galit ako! Sayang lang ang binabayad ni daddy sainyo! Mga walang kuwenta!"

Ibinigay ko ang kape sa pinakabagong katulong bago nagsalita muli. " Iyan ang pag welcome ko saiyo! Sa susunod matuto kang magtanong! Letse!"

Agaran akong tumalikod at kinuha ang susi ng kotse bago tuluyang umalis sa kabahayan. Mga bwisit! Lahat nalang ng mga tao sa paligid ko mga bobo!.

Ibinigay ko ang susi ng sasakyan sa driver ko bago tuluyang pumasok sa green na kotse ko at padabog kong isinara iyon.

Habang nasa byahe napansin kong may kakaibang amoy ang sasakyan kaya hinanap ko iyon, ang walang hiyang driver na ito! Amoy paa na nga amoy putok pa!

"Hoy Kaloy, wala ka bang pambili ng deodorant diyan?"

Tumikhim ito bago sumagot at nag kamot ng ulo. "Ma'am, nakalimutan ko po mag lagay."

Umikot ang mata ko at hinampas ang braso niya. " Letse ka! Umalis ka na diyan at hindi ko na kaya ang amoy mo! Tabi!"

Itinigil naman niya ang sasakyan bago bumaba at bumungad sa bintana ng kotse ko. " Ma'am, paano ako uuwi?"

Natawa ako bago humarap sakanya. "Kaloy, ang trabaho mo driver, kapag may trabaho, may sweldo, kaya nasaan ang sweldo mo?"

"na-naiwan ko po sa kwarto ko."

"Oh? Problema ko?" iyon lamang ang sinabi ko bago tuluyang ipina takbo ang sasakyan, tignan mo nga naman oh ang saya kapag mag-isa kalang.

Binilisan ko ang takbo ng sasakyan at sumisigaw pa at natatawa. "Hooo..." kasabay ng pag sigaw ay ang pag pikit ko ng mata upang damahin ang saya. Ngunit nang pagmulat ko ng mata'y isang grey na kotse ang bumungad sa'kin kaya nagmadali akong nagpreno. Ngunit dahil sa lakas ng takbo ko, ang preno ay hindi umabot, isang malakas na tunog ang aking narinig mula sa nasisiguro kong tunog ng kotse ko at ng isa pang kotse.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon