Chapter 41

23 3 0
                                    

KINABUKASAN ay namumutla akong tignan nang humarap ako sa salamin. Dahil siguro sa matinding puyat kakaiyak at kakaisip sa punyetang Ariel na yun eh parang naging uling ang ibaba ng eyeballs ko. Lintik na!

Wala akong choice kung di ang mag ayus. Ginawan ko nalang ng paraan ang mukha ko para naman umayon sa sinasabi ng mga tao ang tingin nila sakin. Maganda ang buhay. Sus! Dami nilang alam, purket may pera akala nila wala ng problema. kung alam lang nila ang nakaraan ko, naku, jusko! Baka mag agawan ang Magpakailanman at ang Mmk sa ganda ng kwento ko.

Di ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko at ang bawat parte ng katawan ko na may sariling utak. Ang mata ko ay naka dungaw sa bintana sa may gate. Ang kamay ko naman ay may hawak ng cellphone at may balak tumawag kay Aron. Ang mga paa ko naman ay walang tigil sa paglalakad sa loob ng kwarto.

“Hm!” Hinawi ko ang buhok ko dahil sa inis na narardaman. Wala na akong maisip na gagawin. Si Aron naman kasi eh.Pasensya talaga asawa ko.

Sa huli, nanalo ang kakulitan ng mata ko. Sumunod ang mga paa ko sa tinitignan ng mga mata ko. Yes! Lumabas ako ng gate dala dala ang isang bag na ang tanging laman ay credit card at si Cloud. Pupunta ako sa lugar na hindi ako masyadong makikilala ng mga tao.

Effort ako sa suot kong jeans na pantalon at puting T-shirt samahan narin natin ng tsenelas na pang bahau lang. Tinangal ko rin ang mga kalimitan kong sinusuot. Yun ay ang alahas.

Saan nga ba ako pupunta? Edi sa ukay-ukay!

Tanging eyebags ko lang ang inayus ko at simpleng liptint lang ang ginawa ko. Nag suot narin ako ng subrero na pula para siguradong tago ako sa mga tao at di ako makikilala ng sino man. Pero kung sabagay, sini naman makakilala sakin? eh tinatago nga ako ng Congressman ng bayan!

Naglakad ako ng kaunti malayo sa malaking bahay bago pumara ng tricycle. At laking saya ko ng walang alin langan itong huminto at pinasakay ako na parang normal na tao. Oo, noal naman ako. pero what I mean is.. socsyal ako noh! Mayaman!

nang huminto ang tricycle doon ko lamang naalala na wala nga pala akong barya. Kabobohan!

Mabuti nalamang at parang binata pa ang driver na iyon. Akalain mo yun? may karisma pa ako sa bata?

“Iba talaga ang ganda ko!” Wala ako sa sariling napa sigaw kaya naman awkward akong tinignan ng mga bata sa gilid ng kalsada. Ang dudungis nila

Hindi ba sila tinuruan pomorma? anong klaseng porma yun? pink na sapatos tapos red na dress na may stripes sa kwelyo? Yuck!

Bago ako ma stress ay pumasok na ako sa isang store ng ukay-ukay. Anak ng putakte! ang ingay ng tindera at ang lakas ng gamot ng mga paninda!

Muli akong nag punta sa isang store at mas lalo akong na cheapan sa mga presyo. Bente pesos isang panty? 

Sigurado kauang wala pang gumagamit nyan? kadiri amputa!

Ano sa inyo madam?” napatigil ako sa pagtingin sa mga panty nang marining ko ang boses na iyon mula sa likod ko. Kinakabahan akong unti- unting humarap sa nag salita at napatakip ng mukha nang makita ko na king sino iyon.

“OMG!Ali?” Napa nganga ako at halos mapatili ng makita ko ang kaibigan ko sa kulungan noon na si Ali.  Sa sobrang galak ay agad ko siyang niyakap. Muli ko nanamang naalala ang mga katapangan na naipon ko sa kulungan nang dahil sa mga kagaya niya.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon