Chapter 17

27 4 0
                                    

Lahat sila'y seryoso sa ginawa. Lahat ay may tuka at may mga sariling mundo. Ang isa'y kinakausap ang mga bagay na pinupunasan, gaya nalamang ng walang buhay na bintana. Habang ang isa nama'y kinukuhaan ng litrato ang ibat-ibang putahe na niluto niya. Nakakainip! Ganito ba talaga ang mga tao sa bahay na'to? Mga praning at dugyot?

"No. 8! Ikaw daw ang mag dilig ng mga halaman, sabi ni Sir Ariel!" umakto akong nananakit ang tiyan bago umupo sa huling tungtungan ng hagdanan sa baba nito. " Naku! Masama yata ang lagay ng tiyan ko!" ani ko habang hawak-hawak ang tiyan at umaaktong nasasaktan.

Mukang umepekto naman ang trabaho ko, umalis ang katulong na iyon. Nakangiti akong sinisilip kung saan iyon pupunta at naninigurado na hindi na ito babalik. "Ha! Kala mo ha."

"No. 8! Bawal ang hindi nagagawa ng trabaho dito." ngumuso ako bago humarap sa isang pusit este, isang katulong na nag salita.

"Sorry.. but I'm not maid here darling." inilabas ko ang dila bago pababa na irap ang ibinigay ko sakanya.

"Marimar! Mercedes! Aww!" natatawang wari ko habang naglalakad palabas ng bahay.

Napapikit ako at may ngiti na pinakikiramdaman ang hangin na na halik sa aking balat. Kay sarap nang hangin na iyon! Presko at walang halong kahit na anong amoy. Kung mayroon man, nasisiguro kong mga bulaklak iyon ng home of Atlanta

Parang kailan lang. Parang kailan lang ang araw na kasama ko si daddy noon sa isang tree house na pinagawa niya sa isla ng Merced.

Ang sabi niya kasi. Ang sariwang hangin daw ang magbibigay sa'tin ng preskong pag-iisip. Nakakapag pa kalma at nakaka buhay ng iba't-ibang imahinasyon.

"No. 8!" nanlaki ang ilong ko at sinasadyang hanapin ang boses na iyon ng naka pikit. "Yes?"

Maya-maya'y naramdaman ako ng tubig na nagpa mulat saking mga mata. Walang hiyang Ariel!

"T-tang*na!" ang akala ko'y ititigil na niya ang pag tutok sa'kin ng host. Pero hindi. Mukang mas lalo niyang pinalakas ang pag daloy ng tubig doon.

"Tama na! Ariel!" inis akong napa padyak ng paa. Naramdaman ko ang pag tigil noon.

"Ga- " muli nanaman niyang itinutok sa'kin ang host na iyon at ang pag lakas ng tawa ng mga hardinero.

Dahil sa inis hindi na ako umimik pa. Tinakpan ko nalamang ang mga tainga ko at baka magkaroon pa ako ng luga.

Isang alala lang ang naalala ko. Kasabay nang pag daloy ng tubig sa katawan ko ang pag tulo ng mga luha ko. Alam ko naman! Alam kong gawain ko din naman ito.

"Ma! Mama! Ayoko na po." naiiyak na wari ko kay mama habang pilit akong itinataboy paalis ng bahay habang umuulan.

"Walang hiya ka! Lumayas ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagka ganito ang buhay ko!" itinapon niya ang aking mga damit sa labas dahilan upang mabasa din ito ng malalaking patak ng ulan.

"Mama!" kumatok ako ng ilang beses sa pintuan namin na gawa sa kawayan.

Lahat ng tao ay sa'kin nakatingin. Nag bubulungan at umiiling naman ang iba tila ba'y nanghihinayang at naiinis din sa sitwasyon ko.

Umupo ako sa labas ng pintuan at pantay ang tuhod ko habang naka patong ang mga kamay at braso dito. Sinalubong ko ang ulan na iyon. Nilabanan ko ang takot sa kulog at kidlat habang tinatanong ang sarili.

Bakit ako? Bakit ako ang dahilan? Bakit hindi niya ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ng isang magulang sakanyang mga anak?

"Ca-Cass?" bumalik ako sa ulirat ng marinig ang pangalan ko. Maging ang host ay naka hinto na.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon