Chapter 8

37 7 0
                                    

"Taksil? Sino nag taksil sa'kin? Mga hampas lupa!"

"Tumigil ka na nga riyan, kailangan natin hanapin ang daanan pabalik manlang ng kalsada." ani naman ng kasama ko. Teka, ano nga palang pangalan nito?

Binilisan ko ang paglakad papuntang kotse at hinintay siyang maka pasok sa front seat. Nag simula na akong paandarin ang kotse, pero. Ang problema naman, nawalan ng gasolina!

"Bwisit! Umandar ka!" sigaw ko habang hinahampas ang manibela.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Ano to? Give up agad?

"Bumaba kana diyan at maglakad nalang tayo." ani nito habang naka tingin sa kung saan.

Hindi ako bumaba at tinaasan siya ng kilay nang mag tama ang paningin namin. Ang gwapo sana!

"Bakit naman ako sasama sayo? Baka nga hindi ka kidnapper, rapist naman.." ani ko at isinara ang pinto bago ni lock iyon. Mahirap na!

Nakita ko siyang humalakhak bago ko siya pinagbuksan ng bintana ng kotse. "Anonh problema mo?"

Umiiling siya at tumingin sa dibdib ko. Aba! Manyakis!

"Hoy! Manyak!"

Lalong lumakas ang tawa niya at sinubukan na pigilan iyon. Ang bwisit na ito!

"Sa gwapo kong to, hindi ako marunong mag tiyaga sa buto-buto" ani niya sabay tawa.

Hindi ko na kaya. Tumingin muli ako sa dibdib ko at mga ibang bahagi ng katawan. Shit! Hindi ba nya alam, na ang hirap mg diet?

Lumabas ako sa sasakyan at nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang balakang. "Hoy! Ganitong katawan ang uso ngayon!"

Muli siyang tumingin sa'kin at tumawa nanaman. "Hahaha.. Kung highschool Oo, pero sa edad mong iyan? Haha ewan ko nalang!" ani niya at nagsimulang maglakad habang natawa parin. Aba ang bastos!

Sinundan ko siya at hindi parin tumitigil ng pagkumbinsi na ganito ang magandang katawan ngayon. " Hoy, ito kaya uso ngayon!"

"hoy! Hintayin mo'ko!"

Nang mahabol ko siya at hinawakan sa balikat huminto siya at humarap. "Ano?"

"Paano yung sasakyan ko?" ani ko habang hinihingal na.

"Sasakyan o buhay?"

Nag irap ako ng mata at hinampas siya. Naalala ko. Ano nga palang pangalan n'ya?

"Ano bang pangalan mo?" ani ko habang nakahawak sa dibdib.

"Ariel." iyon lang ang sinabi niya at nag umpisa nang maglakad.

Sumunod naman uli ako. "Ariel lang? Walang apelyido?"

Hindi siya umimik at nagmasid muna bago nagsimula muling maglakad.

"Sabi mo, kumukuha kalang ng kahoy, edi ibig sabihin, alam mo ang daan?"

Hindi nanaman siya umimik kaya hinayaan ko nalamang.

"May cellphone kaba d'yan?"

Nanlaki ang mga mata ki ng nakalimutan ko nga pala ang cellphone at..at ang bag ko. Peste! Naiwan ko sa sasakyan! Naandoon pa naman ang ilang alahas ko!

"Na-naiwan ko.."

"ok."

"Pwede bang bumalik ulit tayo?"

Umiling siya at itinuro ang ilang mga bahay sa hindi kalayuan. " Ang layo na ng nilakad natin. Kailangan muna natin ng pahinga."

"P-pero.."

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon