Chapter 22

21 4 0
                                    

"Kailan kaya ang balik ni Sir?"

"Ito naman! Ang aga-aga, si sir ang hanap."

Nag mulat ako ng mata at muli nanamang naalala ang dahilan kung bakit masakit ang ulo ko ngayong umaga. Ayoko makialam, pero masa maganda parin na may alam ako.

"Ah Bea, kailan ba ang dating ni A- ni Sir Ariel?" Nag taas ang dalawang balikat niya at naka nguso na tinapik si No. 2 na si Engkay.

"Ano ba! Bakit nyo ba hinahanap?" muli siyang kumuha ng damit at nag tupi. "Kumilos na kaya kayo? At ikaw Cassandra, mag hugas ka ng plato." ibinaba niya ang bag pack niya sa ilalim ng kaniyang kama bago pumunta palabas ng pintuan na sinundan naman ni Bea.

Napa iling ako at nag madali na nag ayus ng sarili para makapag trabaho.

"Hey! Sino, sino ang kumuha ng pera ko?" umaalingawngaw ang boses na iyon na kay Adriana habang papalapit sa gawi namin sa kusina.

"Madam, ano pong pera?" ang salubong ni aling Lucy bago isara ang rice cooker.

"Manang, may pera ako sa damit ko na ipina-laba ko sainyo eh!" Umupo siya at parang bata na nag kamot ng ulo bago tumingin sa ni Sarah.

"Ikaw! No. 4? Nakita kita na naglalaba kahapon ah?" Tumayo siya at lumapit kay Sarah. " Ikaw ba ang kumuha?"

"Naku Madam, matagal na po ako dito. Hindi ko po magagawa yun sainyo." nag-ikot ang mata niya na tila ba'y may hinahanap bago niya ako tinuro. "Si Cassandra po! Siya po ang nag-utos sa'kin na labahan ang mga damit naiyon." mabilis na lumingon sakin si Adriana at tumingin kay Manang Lucy.

"Opo. Inutusan ko po si Cassandra."

Muli ko tuloy na alala ang isang libo na kinuha ko sa bulsa ng damit niya na sya ring ibinigay ko kay Sarah.

"Let me ex-"

Ni hindi niya pinatapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinapon ang mga prutas sa lamesa. " Lagi nalang akong naiisahan!" Lumapit siya sa'kin. Hinawi niya ang buhok niyang kumawala sa mukha niya. " Ikaw? Lagi nalang ikaw?"

Muli ko na nanaman na nakita ang maitim niyang mga tingin sa'kin. Parang may gusto siya na iparating. Hindi niya masabi ang nais niyang sabihin.

Umayos ako ng tayo at susubukan siyang inisin." Oo, ako nga. Pero isang libo lang yun Adriana."

"Wala akong pakielam! Ang mahalaga, kinuha mo ang dapat na sa'kin. Magnanakaw ka!"

Lahat ng katulong sa loob ng kusina ay nakatingin lamang samin. Sino kaba Adriana? Anong mayroon sa pagkatao mo? Sino si Tricia na pinatay mo?

"Adriana! Ano nanaman ito?" mabilis na tumulo ang luha niya bago humarap sa kapatid na si Ariel. "Ano? Kakampihan mo ang babaeng ito? Ha?"

Pumikit si Ariel na tila ba humuhugot ng pasensya. "No. Hindi ate, ako na ang bahala sa babaeng iyan!"

"Sige! Pero ipakita mo sa'kin kung paano mo siya pangaralan Ariel."

Huminto si Ariel ng pag lapit kay Adriana at tumingin kay manang.

Umalis si manang bago tumingin sa'kin si Ariel. "Lahat ng katulong, alis!" ani niya kahit ang ang mga mata ay nakatingin sakin.

Tinitigan ko ang reaksyon ni Adriana na nakangiti habang nakatingin sa kapatid. Ibang tingin iyon. Tingin na parang nang-aangkin. Magkapatid ba talaga sila? Bakit hindi ko manlang sila makitaan ng hawig? Sino si Tricia na pinatay ni Adriana?

Ayoko man isipin. Pero, pakiramdam ko talaga na may love triangle na nabuo.

"Ok lang yun, ayoko rin naman kay Tricia."

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon