Dalawang taon na ang nakakalipas, pero bakit umaasa parin ako? Umaasa na may bibisita manlang kahit isa dito? Nasaan na si Jolly? Bakit hindi na siya bumalik?
"Uy Cassandra, tumayo kana riyan at suotin mo ito." hinagis ng isa kong kasamahan sa selda ang isang damit na kulay dilaw.
Tumingin ako sa pader na puno na ng sulat ng uling. Tinitigan ko kung ilang taon nalang ang bibilangin. Nag tara nanaman ako ng panibagong araw. Panibagong araw nanaman, panibagong pagsubok.
"Oo, kukuha ako ng abogado, kaya lang kailangan ng pirma mo."
Sariwang- sariwa parin sa'kin ang araw na iyon. Iyon ang huling araw na dinalaw niya ako, nagmamadali din akong lumabas kaya pinirmahan ko at hindi na nag atubiling basahin ang mga papeles naiyon. Malaki din kasi ang binigay kong tiwala, at eto nanaman ako nang dahil sa tiwala napahamak ako. Pinunasan ko ang pawis tumutulo sa aking ulo, sobrang init sa loob ng bilangguan, ito na yata ang kalahati ng impyerno. Dalawang taon, dalawang ang aking paghihintay sakaniya, nasaan na kaya siya? Bakit hindi na niya ako binalikan?
Tuwing araw ng dalaw ay umaasa akong dadating siya, na mayroong isa na magliligtas sa'kin dito. Per wala na, kagaya lang din ako ng mga matatanda dito sa selda na wala ng pamilya, walang nakakaalala. Matapos ang araw na pinirmahan ko ang lahat ng papeles ay tuluyan na siyang nawala, nakakalungkot lamang, ni hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag salita at ipaglaban ang totoong nangyari. Tinatanong naman nila ako pero ni isa ay walang naniwala, tinawanan nila ang sinalaysay ko.
Naalala ko pa noon ang huling pagkikita namin ni Ariel, galit ang kaniyang mga mata ngunit nakangiti ang kaniyang mga labi na nakatingin sa'kin matapos niyang patunayan na dapat akong ikulong.
"Cassandra, bilisan mo na diyan, malay mo ikaw ang manalo sa palaro mamaya!"
Umiling ako at kinagat ang labi bago nagyupyop. "Ayoko, dito lang ako."
"Cass, tanggapin mo na ang totoo. Niloko kalang ng sekretarya mo. Inangkin niya ang lahat ng sayo!" muli nanaman na tumulo ang aking luha. Walang tigil sa bawat pagpatak mga kamay ay nanginginig. Hindi lang dahil sa sinabi niya, kundi sa uri ng pagtawag niya ng pangalan ko. Ang taong iyon, ang nag diin sa'kin sa kulungang ito!
Siguro'y masaya na siya sa buhay niya. Paniguradong nakahiga na siya sa kaniyang salapi, kuminang ang mga alahas, nakakatulog ng ayus, tumatawa ng malakas. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko parin magawang kalimutan kung paano ako napunta dito, kung anong hirap ang naranasan ko, at nagsimula iyon nang makilala ko siya. May ganun pala talaga? Na ang taong tagapagligtas mo ay siya ring mag dadala sayo sa mas madilim na mundo.
"Sige mauna na ako.." pinunasan ko ang luha at tinaas ang ulo, inikot ko ang paningin sa loob ng kulungan na ito. Ganu'n parin naman, may liwanag ng ilaw, madumi ang mga pader at sahig, may halo-halo na amoy. Sinubukan kong tumayo at pumunta sa pwesto ng isang pulis na nasa labas ng kulungan mismo.
"Pwede ba mag Cr?" tumungo siya at binuksan ang selda. Hanggang makapunta ako ng banyo ay sinusundan niya ako, talo pa ang body guard kung tutuusin. Bawat kilos mo ay limitado.
"Limang minuto lamang." ani niya bago tinuro ang dereksiyon ng banyo.
"Bilisan mo."
Pumasok ako ng banyo habang dala-dala ang dilaw na damit. Naghanap ako ng tubig pero tanging nakita ko lamang ay isang tabo ng tubig. Ito nanaman, ganito nalang lagi. Mabilis kong kinuha ang isang tabo ng tubig at nag simula ng mag hugas ng muka. Hindi ko na tinanggal ang pang ibaba ko, wala narin akong damit. Tanging apat na pares na damit lamang ang mayroon ako na ibinigay ng kasamahan kong si Ali.
"Ano tapos kana?" napa pikit ako at ginawang tubig ang hinugas sa mukha bilang pang mumug.
Pinalitan ko ang damit bago lumabas. Ganu'n pa rin, habang nag lalakad ay sinusundan niya ako. Nang makarating na kami sa isang lugar na may stage lahat ng kapwa ko preso ay nag aawitan, may mga gitara at may nag sasalita sa gitna. Ang isang upuan ay mga naka kulay pula ang suot, ang iba asul at kami naman ay dilaw. May mga upuan na para sa mga kandidato. ulit-ulit nalang, hindi naba sla nanawa?
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
Fiksi Umum"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...