"Ahh!" kahit sino ay magtataka. Bakit dumadaing sa sakit ang taong gustong manakit. Kinapa ko ang aking leeg. Wala, wala ang kaniyang mga kamay na kanina lamang naka palupot at handa na isaksak ang matulis na bagay.. Umikot ako at hinanap siya. Nabigla ako sa aking nakita. Naka higa siya sa sahig habang naka baon ang matulis na bagay sa kaniyang tiyan. Ang bagay na dapat niyang isasaksak sa'kin, ay sakan'ya niya sinaksak.
"Ahh! Cassandra huwag!" nataranta ako at sinundan siya. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang mata. Tinuturo niya ang matulis na bagay sa kaniyang tiyan. Ano ang gusto niya?
"Hugutin mo.." nahihirapan niyang ani.
"Hindi. Hindi pwede, aagos ang iyong dugo!" natataranta akong lumuhod at sinubukan na buhatin siya. Pero nilalayo niya ako. Ang tanging gusto lamang niya ay hugutin ang matulis na bagay na ito.
"Please.." hindi ko maintindihan ang sarili, pero naawa ako sakanya. Ramdam ko ang hirap niya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang gustong tanggalin ang matulis na bagay sa tiyan niya. Tumutulo ang luha habang umiiyak.
Dalawa lang ang nakikita ko. Gusto niyang mabuhay, at gusto niyang tulungan ko siya.
Kinagat ko ang labi at hinawakan ang basag na vase. Pumikit ako ng mariin, upang humugot ng lakas. Ngunit wala pa akong nagagawa ay dumaing na siya ng pagkalakas-lakas.
"Ahh!"
"Ca-Cassandra?" natigilan ako at tatlong segundo ang lumipas bago ko na realize na boses iyon ng lalaki. Boses niya. Boses n Ariel.
Unti-unti akong nag angat ng tingin at nakita ang lalaking nakatiklop ang bibig at nanlilisik ang mga mata, mabilis ang paghinga habang papalit palit ang kaniyang tingin sa'kin at sa babaeng naka handusay sa sahig. Si Adriana.
"No. Na-Nagkakamali ka.." Tumayo ako at umatras at muling tumingin sa sahig. Si Adriana. Nakapikit ang mga mata. Parang, parang wala na siyang buhay. Hindi, hindi ako. Hindi ko siya pinatay.
"Ariel. Hindi. Mali ang inii-" hindi ko natapos ang sasabihin ng humakbang siya papalapit sa'kin at naka kuyom ang isang kanang kamay.
"Ariel.." hindi ko na nakayanan ang kaniyang reaksyon. Bumagsak ang aking mga luha habang patuloy sa pag atras.
"Mah-Mag paliwanag a-ako." nauutal at nangangatog na ang aking mga tuhod sa takot at pangamba. Mali ang iniisip niya.
Muling bumagsak ang aking mga luha na tila ba'y parang mga ulan na walang tigil sa pagpatak nang isang malakas na sampal ang aking natanggap sakan'ya. Sampal ng isang galit. Sampal ng taong nawalan ng mahal sa buhay.
Humahagulgol ako sa pag-iyak matapos noon. Ang dugo sa kamay ay malamang ay naipunas ko na sa aking mukha.
"Ikaw!" pumikit siya ng mariin sa sobrang galit niya. Hinampas niya ang sariling pinsngi bago umiyak nang husto. Iyak iyon sa pagkainis, at pagkabigo.
"Let me explain." naiiyak parin na wari ko habang sinusubukan siyang hawakan sa braso, pero lumayo siya at nagwala kasabay ng mga luha niya pinuntahan ang babaeng walang malay sa sahig.
"Walang hiya ka Cassandra! Magbabayad ka!" animo'y para siyang leon na sumisigaw at nag-aanunsiyo. Kitang-kita ang kaniyang mga puting ngipin dahil sa galit nito. Tinaas niya ang ulo ni Adriana at humalik ito sa noo bago tumingin sa gawi ko. Nagbabaga ang kaniyang mga tingin, parang dragon na gustong bumuga ng apoy at sunugin ako ng buhay.
Tumayo siya at namumula na ang mga mata na akmang pupuntahan ako nang biglang tumunog ang sirena ng mga pulis. May pulis, sino ang tumatawag ng pulisya? Bakit napapunta dito si Ariel? anong gagawin ko? Saan ako pupunta?
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
Genel Kurgu"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...