Gustuhin ko man na lumabas ay hindi na pwede. Hindi ako pinayagan ni Aron. Mabuti na nga din yun, baka mag cross nanaman ang landas namin ni Harold. Mabuti nalamang at hindi ako nakita ni Aron na hinahalikan si Harold. Kung siya nga si Harold.
Muli ko nanaman naalala ang araw na hinalikan ko siya. Hindi ako maaring magkamali. Alam kong hindi naman talaga literal na hinalikan ako ni Ariel noon, pero ang naramdaman ko kay Ariel noon au kapareho nang halikan ko si Harold. Hinahalikan ko rin si Aron pero iba siya. Iba si Harold. Kapareho siya nang kay Ariel.
Tumingin ako sa asong si Cloud na tumatahol. Hindi kaya alam din ito ni. Aron? Magkkasabwat ba sila? Kung sya si Ariel, bakit niya sakin ito ginagawa? Kulang paba ang hirap nanaransan ko noon?
Tumayo ako sa kama at binuksan ang bintana. Inayus ko ang buhok ko at nag pasyang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay pinaliguan ko naman si Cloud at lumabas ng bahay. Diniligan ko ang mga halaman at kinakausap ang mga ito.
"Nanawa nako sainyo, lagi nalang kayo kasama ko. Hindi naman ksyo nagsasalita." umiling iling ako at pinatay ang host.
Nang mag alas 10 na ay nagtataka akong bumukas ang gate hudyat na naandyan si Aron. Bakit siya umuwi?
Tinawag ko si Cloud at sinalubong si Aron. Nagmamadali siyang naglakad papuntang bahay habang sumasagot sa mga katangan ko.
"Bakit ka umuwi? Anong problema?"
"Nag karoon lang ng problema. Shit! Baka ma late ako." nang maka apak na siya ng bahay ay sinundan ko parin siya.
"Saan ka pupunta? Bakit nag mamadali ka?"
May kinuha lang siya sa kwarto at sinuot ang isang jacket bago humarap sakin. "Hon, I'm sorry. Two weeks akong mawawala. Ito nalang muna ang pang libang mo. " inabog noya sakin ang cellphone bago humalik sa pisnge ko at nagmadaling lumabas ng gate.
Napatitig lang ako sa gate na nilabasan niya at napa tingin sa isang cellphone na hawak. Binuksan ko naman iyon at isang number lang ang naka save.
Nakakainis lang, ni hindi manlang nya sinabi kung saan sya pupuntt sa loob ng dalawang linggo. Para lang akong taga bantay ng bahay niya. Paano ako kakain?
Tinignan ko naman ang cellphone at nakita doon ang mga online food delivery. Nagkagat labi lang ako at pumasok nalang ng bahay.
Ilang oras kong kinalikot ang cellphone ngunit hindi naman ako makuntento. Ilang beses kong tinawagan ang nagiisang number na naka register dito pero hindi naman sumasagot.
Maya-maya lang ay may pumipindot ng door bell kaya naman nagmamadali akong lumabas at baka isang food delivery iyon. Ngunit pagbukas ko ng gate ay umapaw ka agad ang galit ko nang makitang si Harold iyon.
Akma kong isasarado ang pinto ng bigla noya hinarang ang kamay niya.
"Why are you here?" naiirita kong tanong nang hindi ako manalo sa pagtulak ng gate.
"Hello miss Sheena? Nasaan ang business partner ko?" tumingin muna ako sa labas ng gate bago sinagot siya.
"Talaga business ang pinunta mo dito?" naka pamewang ko pang tanong dito.
"What?"
"Huwag kana mag maang maangan Ariel!"
Nanlaki ang mga mata niya at pumasok ng gate kaya naman tumakbo ako papasok ng bahay at nang isasarado ko ang pinto ay hinarang nanaman noya ang kamay niya at yun na nga. Naipit.
"Ouch!" daing niya sa labas ngunit kinakabahan parin ako kaya hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.
"Ano ba talagang plano mo Ariel? Bakit mo ako ginaganito? Anong ginawa ko sayo noon? Oo, inaamin ko masama ako noon. Pero pinipilit ko naman mag bago eh, may asawa na ako. Gusto ko magkaroon ng pamilya." umiiyak na sambit ko habang naka upo sa sahig malapit sa pinto.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
Ficção Geral"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...