Chapter 6

41 7 0
                                    

Habang naliligo unti-unti kong hinuhubad ang kasuotan ko habang nakatingin sa malaking salamin na kung saan kitang-kita ang buong katawan ko. Bahagya akong tumalikod at doon ko na nakita ang isang malungkot na ala-ala tungkol sa kanya. Ikinahihiya ko siya, wala siyang kwenta! Palibhasa'y dukha walang magawa sa buhay kung hindi ang mang hingi sa mga taong gumagawa ng paraan para kumita ng pera. Isa siyang dumi, kinasusuklaman ko siya!

Masaya akong nag tatampisaw sa ilog kasama ang mga ka-ida-ran ko. Sila'y nakita kong naliligo at naglalaro habang ako nama'y naglalaba. Tumingin sa'kin ang isa at bumulong ito sa mga kasama niya matapos noo'y sila'y nagtawanan at tumingin sa akin.

"Kawawa ka naman, kami naliligo at nagsasaya. Samantalang ikaw, naglalaba!"

"Ahmm.. kapag natapos ito, maliligo din ako kasama nyo."

"Ayaw ko nga! Putok ka daw sa buho!"

"Oo nga! Sabi pati ng papa ko, putok ka daw sa buho!"

" Ano bang sinasabi nyo?"

"Ganito yun, ang mama mo pokpok, pera lang ang katapat kaya nabuo ka!"

"Hahaha.. Sa sobrang dami daw ng customer ng mama mo! Hindi niya alam kong sino ang tatay mo! Malandi! Malandi ang nanay mo!"

Lumapit ako sakanila at baka sakaling bawiin nila ang mga sinabi nila.

" Paki bawi nga ang sinabi mo, hindi pokpok ang nanay ko at hindi rin siya malandi!" ani ko pa.

" bakit ko babawiin? Totoo naman!"

Doon na'ko nagsimulang hablutin ang buhok niya, sabunot sampal ang nagawa ko ka agad dahil sa mas malaki ako sakanya. Pero tumulong ang dalawang kasamahan niya. Hinawakan aki sa magkabilang kamay at sinipa naman ako ng isa, kinaladkad ako bago inilapag sa bato ng pahiga habang BN patuloy parin na naka hawa a g dalawa. Ang isa naman ay pumatong sa'kin at pinagsimulan akong sampalin. Mga walang awa! Sila na nga ang nauna, sila pa ang mas matapang!

Ilang minuto lang ang lumipas, may dumating na isang batang lalaki na hindi ko naman ka kilala. Sinaway niya ang tatlong babae na nang bugbug sa'kin.

" Hello? Ayus ka lang ba?" ani nito habang sinisilip ang aking mukha.

Umupo ako at sinusubukan na itago ang mukha ko, nakakahiya halatang gusto akong bugbugin ng husto ng tatlong iyon.

"A-ayus lang ako.." ani ko habang na iwas parin ng tingin.

" Mukang napuruhan ka nila ah, ano ba pangalan mo?"

"Cassandra." ani ko at tumayo sa pagkakaupo bago nagpagpag ng damit. Ang ilang buhangin sa bato ay dumikit sa short ko dahil nga sa basa ako galing ilog.

"Cassandra! " nataranta ako nang marinig ko ang boses ni mama. Papunta siya sa'kin at halatang galit nanaman ito at lasing pa.

"Po, mama?"

"Hindi ba sabi ko sayo, dalian mo diyan sa paglalaba mo at naka bali na'ko diyan!"

"O-opo." nauutal na sagot ko habang nakayuko.

"Oh? Eh bakit hindi parin tapos?"

"Kasi..po.."

"Anak ka nga namang ng bwisit oh! Ano nanaman ang inuna mo? Nabalitaan ko, nakipag sabunutan ka daw?"

"Sabi po kasi nila po-"

Lumapit siya sa'kin at kinuha ang buhok ko at sabunot ang buhok ko habang ipipinalalakad papuntang taas na kung saan ang labasan sa ilog.

"A-aray ma, masakit!"

"Talagang masakit! Dahil hindi na'ko maka bali at maka bili ng alak dahil sayo! Wala kang kwenta! Kung ano-anong inaatupag mo" sigaw niya sa'kin habang patuloy parin sa paglalakad ng buhok ko.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon