Chapter 36

18 3 0
                                    

Ilang buwan narin na maganda ang trato sakin si Aron. Hindi narin ako umiiyak gaya ng dati. Dalawang buwan narin. Kung may papasalamatan ako yun ay si Harold. Kung hindi dahil sa mga advice nya kay Aron ay wala ako ngayon dito sa gilid ng dagat kasama si cloud. Yun nga lang, nung na halal na si Aron naging busy siya. Umuuwi siya pero tulog naman na ako. Pag gising ko naman sa umaga wala na sya. Si cloud lang ang kasama ko sa buong mag damag. Pero ganun pa man, hindi nya naman ako pinapabayaan sa mga pagkain. Meron syang inuutusan na mag deliver nalang ng mga pagkain ko.

Huminga ako ng malalim at dinama ang hangin bago tumayo. "Lets go Cloud. Kailangan na natin mag dilig ng mga halaman sa hardin."

Habang naglalakad ako papunta sa labasan ng San Fernando, nakikita ko ang pagka taranta ng driver ko.

"Naku ma'am.. nagka problema po tayo sa Gasolina. Nakalimutan ko po kasi mag recharge kahapon."

Napanguso ako at tumingin sa kalangitan. "O sya paano yan? Mukang uulan pa naman."

Nagkamot ang driver at umaktong nagiisip. "Kung papayag po sana kayo, aalis po muna ako at maghahanap ng malapit na gasoline station. May kaunting natitira pa naman po sa loob nitong kotse, kaya baka po maka kita pa ako ng malapit na gasoline station."

"Arf! Arf!" napa upo ako at tinitigan si Cloud. "Ayus ba yun sayo Cloud?"

"Arf! Arf!" tumayo ako at hinarap ang driver.

"O sya sige, basta bilisan mo lang ha baka maabutan pa kami ni Cloud ng ulan."

Tumungo naman siya at agarang sumakay sa kotse. Sana lang makakita talaga sya.

"Sige po ma'am, may kubo naman po diyan. Dyan po muna kayo at babalik ako kaagad. " Tinitigan ki naman ang kubo na tinuro niya, maliit lang siya pero mukang masarap tambayan.

Niyaya ko na si Cloud maglakad nang makaalis na ang driver.

"Ano kayang oras na?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kalangitan. Kahit naman malaya ako, hindi naman ako pwede gumamit ng cellphone. Wala naman akong orasan na dala.

Umupo ako sa isang parihabang upuan na gawa sa buho ng kawayan at naghantay doon. Si Cloud naman au tinali ko muna sa paahan ng upuan.

Dahil yata sa tagal ng paghihintay ay medyo nagpapanic narin ako dahil kita ko ang langit na dumidilim na ng husto kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan.

"Nasaan ka naba Angelito!" hanap ko sa driver habang palakad lakad sa loob ng kubo. Ang asong malandi naman ay tulog na tulog. Nakakainis lamang dahil ni payong ay wala. Kung alam ko lang na ganito edi sana sumama nalang kami ni Cloud da kotse. Kung bakit ba kasi ako nagpaiwan!

"Shit! Shit!" naiirita akong nagkakamot ng katawan dahil sa kati. Lintik naman kasi naghahalo na yung inis ko sa driver pati na sa sarili ko. Idamay narin itong aso ko na mahimbing ang tulog!

Apat na oras na yata pero walang dumating na driver kaya naman gumabi narin at mukang dito pa yata ako magpapalipas ng tulog.

Ilang minuto pa ay nakakita ako ng isang kotse na umiikot sa kapaligiran ng San Fernando beach resort. Sinundan ko ito ng tingin at humupa ang kunting inis nang makita itong papalapit sa kubo. Sakto tumigil ito sa mismong harapan.

Maya-maya ay bumukas ang bintana nito at inunahan ko na. "Hello! May tao rito!" hindi ko na naisip ang pagiging desperada ko.

Bumungad naman ang muka ng isang driver at tumingin sa likuran niya at tumungo na parang may kausap. Pero dibale na, ang mahalaga maka uwi ako ng bahay.

Maya-maya pa ay may lumabas dito na paa at halatang mayaman dahil sa uri ng sapatos nito at tela ng pangibabang suot.

Ngunit para akong natameme nang makita kung sino ang naroon. Si Harold Javier. Sya nanaman?

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon