Mabagal kaming naglalakad at tinatahak ang palabas ng liblib na daan papuntang kalsada. Hindi ko parin maalis sa isip ko si daddy. Hindi naman talaga kami yung tipong masaya o masasabi mo na maraming memories. Hindi kami ganun, pero syempre masakit parin para sa'kin dahil alam kosa sarili ko na siya lang ang meron ako. Paano ang kompanya at ang iba't-ibang negosyo niya? Sa'kin ba niya ipinangalan? Actually, wala na akong paki doo. Ang sa'kin lang bakit kasi inuna nya pa ang pera kaysa sa buhay niya?
Ganoon nya ba ako kamahal? Hindi ko naman ramdam ang pagmamahal niya talaga eh. Pero iningatan ko parin soya kasi sya lang ang pamilya ko. Kaming dalawa lang at wala ng iba. Tapos iiwan nya na ako?
"Cass.." napalingon ako kay Ariel na nasa unahan ko. Doon ko lang din napansin ang kalsada. Hindi ko napigilang mapaiyak sa liwanag na nakita ko. Sobrang sarap ng hangin na aking tinatamasa ngunit si daddy ay wala na, anong silbi ng pera niya? Kung buhay niya ang kapalit?
Hindi ako umimik hanggang sa makakita kami ng jeep na sasakyan. Pinauna niya ako sa pagpasok. Hindi ko gusto ang amoy na naroon dahil sa katabi kong may hawak na timba na halatang ang laman ay mga isda. Malansa! Bakit ba naman kasi nag jeep kami?
Hindi ko magawang tignan si Ariel pero patuloy akong nagtitiis ng amoy ng katabi ko. Amoy paa pa ang nasa kabilang upuan sa may harapan ko na katabi naman ni Ariel. Naalala ko tuloy ang driver ko. Lintik! Ito na ba ang simula ng parusa sa'kin?
"Cassandra? Cassandra Santiago?" napatakip ako ng muka sa isang matandang babae na nasa pinaka dulo na malapit sa driver. Anong problema nanaman ba ito?
"Si Cassandra nga!" sigaw niya kaya lahat ng tao sa jeep ay napatingin sa'kin. Ako nama'y lalong nagtago ng mukha gamit ang dalawang palad. Ano ba kasing problema nila?
"Ayan pala su Cassandra eh! Ang bumangga ng pwesto ko sa palengke kaya nasira ang ibang paninda ko!"
" Itulak ang babaeng iyan!"
"Siya ang nagtapon ng basura sa harapan ng bahay ko! Dahil muka daw basurahan ang bahay namin!"
"Dati kong amo iyan! Tinapunan ako niyan ng pagkain dahil ayaw niya ang lasa ng luto ko!"
"Waahh!" Napasigaw ako nang akmang hahawakan ako ng isang ginang pero agad iyong tinapik ni Ariel. Niyakap ako ni Ariel bilang panangga ko sa mga ibinabato nila. Ang isang ale naman na may dalang isda ay ibinuhos ang laman ng timba sa aming pareho ni Ariel.
Napa ubo ako nang sumabog ang amoy noon. Nakakairita ang amoy! Tinulak kk si Ariel at hinablot ang buhok ng ale na nag buhos noon. Walang hiya kang hampaslupa ka!
"Bwisit ka! Ang pangit mo, ang baho mo pa!" ani ko. Pero umikot ang jeep kaya natumba ako sa sahig at doon na sila naka ganti sa'kin. Pumatong sakin ang isang babae at akmang sasampalin ako ng buhatin iyon ni Ariel at pina upo sa isang tabi bago sumigaw si Ariel.
"Tama na!" ani niya na naging dahilan upang ihinto iyon ng driver. Lahat kami ay napatingin sa driver na sumasayaw ang balikat bago tumingin samin nat tinanggal ang head set sa tainga niya. Kaya naman pala!
"oh bakit nagka ganyan kayo? May baba ba na ba?" ani ng driver na parang walang alam sa nangyayari habang kunot ang noo na tinitingnan ang kalat ng jeep niya sa loob.
Napa singhap si Ariel at nag abot ng isang libo. " Aalis na po kami." ani niya bago hinila ako pababa.
"Tama yan! Layas!" Sigaw ng isang ale na kasama sa humawak sa kamay ko nung nasa lapag na ako at handa na nilang bugbugin.
"Nyenye! Ang pangit mo!" sigaw kk habang nakalabas ang dila na parang bata.
"Tumigil ka nga Cassandra!"
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
قصص عامة"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...