Chapter 39

27 3 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko mapaniwalaan lahat ng sinabi nya pero king totoo man yun sa isang bagay lang ako talagang hindi mapakali. Patay na si Shantal?

Parang kailan lang yung araw na nagkita kami at mga araw na kinukulit nya ako habang sinusungitan ko naman siya.

Inikot ko ang buong kabahayan at hinahanap ang aso kong si Cloud na na tagpuan ko sa labas ng bahay.

"Cloud bakit nasa labas kapang aso ka?" umupo ako sa tabi nya para silipon ang ginagaa nya. Nakaramdam ako ng pag-aalala nang makita itong nag susuka at nanghihina. Napa isip tuloy ako kung ano ang napakain ko na bawal sakanya.

Ilang minuto lang ay mas lalong lumala ang pag-aalala ko nang lumayo siya sakin at nagtatae na ito. Hindi ako mapakali at tinignan ang mga gamit ni Cloud. Puro naman hair essential lang ang naandito.

Nang hindi na ako maka tiis kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero ni Aron. Nakakainis lang dahil dalawang araw na siyang walang paramdam. Sobrang busy niua sa trabaho. Ilang segundo kong tinitigan ang isang numbero doon.

"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

Ayoko sanang gawin, pero mas sya ang nakakakilala kay cloud. Galit parin naman ako sakanya pero siguro naman hindi niya gagawing kasangkapan ang aso para sirain ulit ang buhay ko. Bukod doon, wala naman ibang matawagan. Walang oras si Aron at yung mga delivery food rider naman ay iniiwan lang sa meal box ang pagkain. Bakit sa meal box?

"1, 2, 3." pinindot ko na at tinawagan ang numero ni Ariel. No choice, baka mamatay pa si Cloud mamaya.

And hindi nga ako nagkamali. Sinagot kaagad niya ang tawag.

"Yes, Mr Harold Martinez speaking." umirap ako at nag pamaywang bago siya sagutin.

"Hoy Ariel itong si Cloud mamamatay na yata." muli akong tumingin kay Cloud na talaga namang nakaka awa. Balik balik siyang naglalakad at hindi mapigilang magsuka.

"Bakit?"

"Nagtatae siya at nagsusuka. Kanina pa."

Hindi muna siya umimik pero may narinjg akong boses ng babae.

"Love, tayo muna." napa tingin tuloy ako sa cellphone at nilayo iyon sa tainga ko. Nakakairita yung boses akala mo kung sining feminine virgin!

"Ok. Just wait about an hour."

"Anong an hour? Bilisan mo mamatay na itong si Cloud!" pinatay ko ang tawag at sinubukan hawakan si Cloud. Pero napaka ilap nya. Pati yaya aso ay ayaw na makita siyang madumi o mahina.

Sa loob ng kalahating oras ay may nag door bell na kaya naman agad ko itong binuksan at bumungad nga ang inaasahan kong si Ariel. Hindi niya ako pinansin dumertso na agad siya sa loob at mabilis na natagpuan si Cloud.

Doon ko lang nakita si Cloud na mas lalong nakaka awang tignan. Kusa siyang lumapit kay Ariel at nag pahaplos dito. Sinubukan naman itong kargahin ni Ariel pero muli nanaman itong nagsuka.

"Oh baby I'm sorry i was too late." habang tinitigan ko kung paano noya amuhin ang aso ay nakikita ko siya na parang ama. The way he take care of Cloud. Hindi ko alam, pero na raramdaman kong mabuti naman siyang tao. Hindi ko lang talaga alam kung ano yung totoo.

Saglit siyang lumabas ng gate at may kinuhang mga gamot. Dinamitan pa noha si Cloud na para talagang bata. Niliguan niya ito pinakain at pinainum ng gamot. Napaka dali nya lang napa kalma itong si Cloud.

"Ok, iiwan ko na sayo itong mga gamot nya. Pati narin number ng doctor ng mga aso."

"Lets talk." hindi ko naintindi muna si Cloud. Ang gusto kong malaman ay ang katotohanan. Gusto kong makita ang pruweba niya. Lahat lahat.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon