Chapter 42

26 3 0
                                    

GALIT NA GALIT  si Aron nang humakbang ang isang paa namin sa mismong loob ng kabahayan.

“Bakit kasama mo yun? Bakit alam nya ang adress ng bahay natin?” Tinulak niya ako dahilan upang mapahawak ako sa isang lamesa na may nakalagay na vase na floral kaya ito din ang naging dahilan ng pagka hulog nito sa sahig.

“Shit! yung vase na regalo ni auntie!” nanlaki ang mga mata niya sa gulat bago dinaluhan ang nabasag na vase. Hinawi nya ang mga ito at sinubukang buoin. Samantalang ako ay takot na takot habang naka takip ang isang palad ko sa akin bibig.

“Sorry mahal..” pagkasabi ko noon ay bigla siyang nagtapon ng tingin sa akin at tila ba'y parang mas dumagdag pa ang kaniyang galit. Parang kapareho lang ng mga mata niya yung panahon na nagalit siya sa akin dahil kumausap ako ng ibang tao sa hospital. Nanlalaki ang mga mata at halos kulay pula. 

“Lintik ka talaga! pagod ako galing trabaho tapos ikaw! Inuuna mo yang paglalandi mo sa lalaking yun? Niluluwagan na nga kita ng pa unti-unti tapos lumandi ka agad? Paano nalang kung lahat ng katrabaho ko ipakilala ko sayo?” unti-unti siyang lumalapit sa'kin habang ako nama'y umuurong papunta ng hagdanan habang lumalakas ang pagiyak.

“Aron..natatakot ako. Bakit kaba ganyan?” sambit ko habang humihikbi paatras sakanya.

“Ano sa tingin mo ang dahilan?Ha?”

“Hindi naman totoo kung ano man yang nasa isip mo eh. Hindi ko alam kung bakit sya nandito Aron.”

humawak siya sa ulo niya bago tumawa ng mahina.

“Hindi mo alam? kaya pala naka bihis ka at naka sumbrero pa? Anong gagawin nyo? May date kayo? Sasama ka sakanya?”

lalong lumakas ang pag daing ko ng iyak nang binilasan niya ang paglakad   kaya naman napa takbo ako papunta ng hagdan.

“Aron ano ba!?” nang maabutan noya ako ay parang adik siyang inaamoy ang leeg ko. Ibang iba siya ngayon, hindi ko makita sa pagkatao niya ang karangalan na mayroon siya ngayon.

“Chinicheck ko lang kung naangkin kana niya.”

Humarap ako sakanya bago sinampal siya.

“Tangina mo! Hindi ako ganoon!” Pagkatapos ng salita kong iyon ay binuhat niya ako bago idinala sa isang kwarto.

“Yan ang gusto ko saiyo eh! yung ganda ng mukha mo at yung ugali mo magkasalungat. Tigre!” tumawa siga bago hinagis ako sa kama.

“Walang hiya ka Aron! Parang hindi mo'ko asawa kung tratuhin!”

tumawa siya bago isinarado ang pinto. “ay, yun ba ang dahilan kung bakit sasama ka sakanya? Dont worry, ngayong araw ipaparamdam ko sayo ang pagiging asawa ko. ” nag tanggal siya ng sinturon kaya naman binato ko siya ng unan.

“Putangina adik kaba?”

Hindi niya ako pinakikinggan at nag patuloy lang sa pag tanggal ng mga damit niya.

naiiyak akong lumalayo sakanya. Hindi siya ganito noon. Napaka mahinhin niya at mararamdaman mong ligtas ka sa piling niya kahit may pagka istrikto siya. Hindi siya ang asawa ko.

“I'm ready babe!” pinuntahan niya ako sa kama at hindi mapigalang sipain siya.

“Bakit kaba nagka ganyan?” hindi siya umiimik para siyang tigang habang pinipilit na hubaran ako.

GUMISING ako na masakit ang mga katawan ko. Nang sinubukan kong tumayo napa daing ako at umiyak. Hindi ako makapaniwala sa inakto niya kagabi. Hindi ko makita si Aron, ang asawa ko. Pinilit niyang humarin ang mca kasuotan ko hangganc sa masira iyon. Pinipilit kong pagdikitin ang dalawang hita ko pero wala akong nagawa dahil sa lakas ng pwersa niya. Umiyak lamang ang nagawa ko habang hinahalay niya ako. Dahil sa pagpipilit na tumanggi napasaan niya ang mga katawan ko. Sinuntok niya rin ako sa sikmura kaya wala akong nagawa kung hayaan nalamang siya.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon