Tahimik akong sumama sakanya pero nananatiling nasa bintana ng kotse ang buong atensyon ko. Naiinisan ako sa sitwasyon pero wala naman akong magawa. Hinihiling ko parin na balang araw ay making malaya ako, yung totoong malaya. Hindi itong ganito, nasisikatan lamang so ng araw kapag nag didilig ng halaman sa hardin. Nakakalungkot pero kailanga kong magtiis, per hanggang kailan? Habang buhay?
"Wife..bababa lang ako ng kotse, at ipamimigay ang mga relief goods sa mga tao. Huwag kang mag-alala sa susunong mamasyal tayong dalawa." ngumiti lamang ako. Ni Hindi ko napansin na kanina pa pala naka hinto ang kotse niya. Gusto ko man mag sungit pero siya lang naman Ang meron ako.
"Ang ating Congressman Aron Gomez!" sunod-sunod na palakpakan ang naririnig ko. Mabait Naman talaga at deserving si Aron kung siya man Ang mananalo. Halos wala siyanv oras sakin dahil say mga inaasikasu niyang proyekto para sa lalawigan ng San Isidro. Marami narin siyang nagawa.
Siya ang may proyekto ng libreng maintenance para sa mga edad 60 pataas, siya rin ang nagbibigay ng libreng binhi ng palay para sa magsasaka, siya ang nagpaayus ng mga sirang kalsada pati na ang mga tulay. Marami talaga siyang nagawa kaya naman mainit talaga Ang pag tanggap sakanya ng mga tao. Gayo'n pa man, hindi rin siya matinong politiko. Lahat ng nagagastos niya sa mga proyekto niya ay may pangungupit din na nangyayari.
Sa ngayon nga ay busy siya sa proyekto na ipapagawa niyang tulay patungon San Diego at San Luis upang mapadali Ang pag b-byahe dito at hndi na kailangan mamangka ng mga tao o dumaan sa bundok gaya ng nangyari samin noon ni Ariel.
Napagod ako kaka tingala say Kung anong nangyayari sa lugar ni Aron kaya nilibang ko Ang aking sarili. Hinahanap ko ang aking bag nang bigla akong nakatingin sa bintana ng sasakyan. Taking gulat ko ng may Batangas nakatingin sakin. Naka ngiti siya habang inaayus ang buhok. Nakikita ba niya ako? Nakikilala?
maya maya ay may dumating pa na isang Bata at ngumiti rn sakin. Kapit ko Ang aking dibdib nang bigla Kong naalala na tinted nga pala ang sasakyan na ito.
Naalala ko nanaman ang nakaraan ko. Mahilig akong manalamin sa mga sasakyan at biglang magugulat kapag binuksan Ito ng may ari.
Lalo pa akong nagulat nang biglang bumukas ang pinto.
"Hey hon.." nagmamadali siyang pumasok at agad na pinaandar Ang sasakyan.
"bakit para namumutla ka?" Doon lang ako natauhan. Napaparanoid na talaga ako.
"W-wala, ikaw Kasi bigla bigla Kang nasulpot. Kamusta Ang kampanya?"
"wel.. may laban ang kalaban." inangat niya ang isang kamay at doon ko nakita Ang isang maliit na garus.
"Anong nangyari diyan?" umiling siga at huminga ng malalim bago ibinaba Ang kamay.
"Normal na ito. Kanina Yung matandang babe ginigiit niyang mas magaling Ang kakompetensya. Ayun hinawakan Nya ako kaya sumabit Ang mahaba niya kuko.
"Saan tayo pupunta ngayon?"
"Sa airport, kikitain natin ang business partner ko."
Hindi na ako umimimik magdamag hinayaan ko nalamang siyang mag drive. Nakakapag loka. Kahit Naman saan kami mag punta sa kotse lang naman ako mananatili.
"Sya nga pala, may kampanya ako mamayang gabi, special yun kaya sa bahay kana muna at mag pahinga."
Ilang oras pa ay tumigil Ang sasakyan. Ang lakas ng hanging say lugar na ito kaya mas pinili Kong ipikit Ang mga Mata. Kailan kaya ako makakaranas uling lumabas dito. Ilang taon narin. Talagang Ito nayata ang bitterness ko.
Kaya pala ramdam ko Ang lakas ng hangin eh, bukas ang pintuan at isang bintana. Nangisasara ko na ito at mayisang kamay na lumapat dito. Isang pamilyar na kamay. Nagmadali akong sinilip kung sino iyon at nabigla sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
General Fiction"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...