Chapter 15

18 4 0
                                    

Pagod na pagod akong iminulat ang aking mga mata. Medyo malabo din ang paningin ko. Sa sobrang pagod yata. Na aninag ko ang white with red and gray na kulay ng nasa itaas ko. Nasa bahay naba ako? Nag palit ba ako ng kulay ng kwarto ko? Bakit parang pangmayaman ito at hindi simpleng yero lamang?

Nap kuskos ako ng mga mata at dali-daling umupo sa higaan. Maganda ang kwartong ito! Parang isang malaking panaginip ang nangyari sa'kin. Mag mula sa bintana na gawa sa salamin at may style na mga bakal hanggang sa floor na kulay pink. Kulay pink ang tiles?

Ngumiti ako at nilibot ang tingin. Lord, panaginip ba ito? Kung panaginip ito, ayaw ko na magising!

Tumalon ako at itinaas ang kamay nang mabuksan ko ang bintana. Sariwang hangin ang bumungad sakin. Niyakap ko ang sarili at hinawakan ang mga halaman sa bintana. Napaka gandang mga halaman!

"Ayoko na magising! Dito na lang ako!"

Tumalon ako at umupo sa pwesto ng bintana habang may balak na silipin ang ibaba nito nang may biglang pumasok.

Tignan mo nga naman oh! Bakit pati sa panaginip nandito si Ariel? Talagang isa siyang malas!

Tumalon muli ako para maka baa at nag taas ng kilay sakan'ya. "Pwede ba? Umalis ka dito at nag eenjoy ako?"

Umangat ang gilid ng labi niya at wirdong tumingin ng husto sa'kin. "Bakit ako aalis?"

"Dahil akin ito! Humanap ka ng panaginip mo!"

Mas lalo siyang hindi naka imik at inikot ang tingin sa kalooban ng kwarto. Bago tumingin sa'kin at tumawa.

" Baliw kana yata!" ani niya at isinara ang pinto.

"ok, paano kung ayaw ko? Na kahit sa panaginip mo ay gusto kong makasama mo ako? Ha? Paano yun?"

Lumapit siya sa kama at humiga roon. "Gago ka ba? Alis!"

Lalo nanaman siyang natawa. "Malala kana. " ani niya habang umiiling.

Lumapit ako sakanya at kinuha ang kamay niya para umalis sa kama ko. Natural kama ko ito, aking panaginip ito eh!

"Alis! Al-"

Napa tili ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin sa kama. Naka ilang kurap ako ng mata bago ako na tauhan na mainam na pala niyang tinititigan ang labi ko.

"Waahh! Manyak!"

Agaran akong kumawala sa yakap niya at tumayo sa pagkakahiga. Ngunit isang lalaki ang pumasok.

Isa siyang guard. Number fifty seven din?

Walang expression ang muka ng guard na naka tingin lang kay Ariel. " Sir, kailangan daw kayo makausap ni madam."

Tumingin naman ako kay Ariel na naka pikit parin sa kama na halata ang pagod. Anong Sir? Anong madam? Panaginip ba talaga ito?

Inikot ko ulit ang mata sa kabuuan ng kwarto bago tumingin kay Ariel.

Hinampas ko siya sa hita. "Ariel! Panaginip mo ba ito o panaginip ko."

Nag mulat siya ng mata at umupo sa kama. " Simula ngayon, hindi na Ariel ang itatawag mo sa'kin kundi Sir Ariel. Got it?"

Tumayo siya at ipinakita ang hawak na envelope na puti. "Ito ang one month na sweldo mo. Bumili ka ng mga kailangan mo." ani niya bago inilapag sa isang mesa at lumabas sa pintuan.

Napatitig lang ako sa pintuan na nilabasan niya. Walang hiya! Hindi pala panaginip ito!

Kinuha kk ang envelope na puti at binuksan yun. " Pitong libo? Isang buwan? Saan? Sex slave? Secretary,? Ang baba naman!"

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon