"Hello cloud!" pangalawang beses yata ako gumising sa bahay na ito na mag-isa lang at naka ngiti. Noong una ay yung bagong laya palang ako sa kulungan at ngayon ay dahil sa aso kong si cloud.
Medyo nahirapan ako mag-isip ng pangalang sakanya dahil itim naman ang kulay niya. Pero dahil maamo naman ang mukha niya tinawag ko nalang syang cloud. Kagaya ng ulap gusto gusto ko itong titigan kaya iyon ang naisip kong ipangalan sa kayan dahil gustong gusto ko siyang titigan.
Sa totoo lang, hindi naman daew ito binili ni Aron, binigay lang daw ito ng isa sa mga kaibigan niya. Askal kung tawagin itong si cloud. Pero wala naman yan sa lahi ng aso. Ang mahalaga ang cute nitong si cloud.
"Beepp.. beepp" medyo nagulat ako nang biglang niluwal ng pinto si Aron.
"Bakit naandito ka?" Nagtataka lang ako, hindi naman kasi siya bumabalik ka agad kapag pupunta ng malacañang.
"May naiwang ako." tumayo ako sa pagkakahiga at niyakap si cloud.
"Ano?" takang tanong ko muli. Kapag kasi may naiiwan sya inuutos nya nalang sa driver nya.
"Ang asawa ko! Sino pa ba?" umulo siya sa kamay at hinawakan ang pisnge ko at dinampian ako ng halik sa noo.
"naisip ko kasi, masyado na kitang na babaliwala, kaya mag outing naman tayo para mawala ang stress mo!"
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglawak ng ngiti ko. "Really?"
"Yes, kaya dalahin mo na ang mga dapat nating dalahin! And dont forget to bri- ahmm.. ano nga ang pangalan niyan?"
"Cloud!" tumayo ako at nag halungkay ng gamit.
"Saan nga tayu pupunta?"
"Beach resort."
Hindi na ako naghintay ng susunod niyang sasabihin. Dali dali akong nag asikasu ng mga dadalahin. Mag b-beach daw kami eh.
Habang na byahe ay may ala-alang bumalik sa isipan ko. Bawat daanan ay may isang tao akong naaalala. Si Ariel. Nagkaroon tuloy ako ng pangamba bigla dahil nasisigurado ko na si Ariel ang taong na meet ko kahapon. Napakarami ang nangyari nung nakikala ko siya kahit maikling panahon lamang iyon. Siya ang nagsagip sakin sa kapahakan. Siya rin ang nag turo sakin ng mga bagay na hindi ko maintindihan noon, at sa kabilang banda siya rin ang nag lagay sakin sa kapahamakan.
Dapat ay hindi ako magalit sakanya dahil sinabi nya lang naman kung ano ang nakita niya pero sana manlang ay pinakinggan niya ako. Ganon ba kasama ang tingin niya sakin para isiping kaya kong pumatay ng tao?
Nang huminto ang van doon lamang ako nabalik sa wisyo. Lalong nawala ang excitement ko nang makita ang dagat. Ang dagat ng San Fernando.
"Ok ka lang?" nagitla ako nang sumilikp bigla ang mukha ni Aron sa harapan ko habang nagtatanong.
"Haha Oo naman!pero, talaga bang pwede na akong lumabas?"
"Oo naman, sabi ng kaibigan ko. Baka stress ka sa mga nakikita mo sa bahay at kotse kaya hindi tayo maka buo ng baby.."
Bahagyang tumigil ang pag ngiti ko. Hindi ko sure kung mag kaka baby ako. Baka pulutin ako kung saan kapag hindi ko siya nabigyan ng anak.
"Ahmm.. sino bang kaibigan yan? At parang lagi mong na babanggit? Is it a girl or boy?" pag iiba ko ng usapan.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisnge. " A man my love. A business Man."
Nang makarating kami sa isang room ng hotel ay nag madali akong nag suot ng swim suit. Ang tagal narin ng huling nag suot ako nito.
Ang ganda ng resort na ito. Beach na may hotel. Ito yung balak ko dati dito eh na udlot lang dahil sa isang pangyayari.
Nang makalabas ako ng hotel dala -dala ang sun screen at si cloud ay halos agaw pansin ako sa mga tao, hindi ko tuloy alam kung nagagandahan ba sila sa akin O naseseksihan o natutuwa kay Cloud o nakikita nila si Cassandra Santiago. Wag naman sana.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
General Fiction"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...