Halos hindi ako magkadaugaga nang malaman kong nawawalan ng mahigpit twenty thousand sa mall ni daddy na sa akin pinag katiwala. Nag madali akong naligo at nagsuot lamang ng pantalon at t-shirt na puti, wala akong panahon para mag make-up. Humanda lang talaga sa'kin yang magnanakaw nayan! Makikita niya kung ang hinahanap niya!Nagmadali akong nagpa maneho ng sasakyan habang pinipindot ang cellphone para sa isang katiwala ko mall.
"humarela na kayong lahat! Humanda kayo sakin!"
Nang makababa na, nagmamadali akong pumapasok sa mall ng may sumalubong sa akin na matandang babae. Naka malong siya ng itim at naka tsenelas lamang na magkaiba ang dahon nito. Kawawang matanda, ano kaya ang ginawa nito noong araw at ni hindi manlang nak angat sa buhay? Siguro, inuna niya ang kalandian.
" Pa limus po.." ani niya. Tumingin ako sakanya at nag taas ng kilay.
"Ang kapal mo din ano? Hirap ako sa trabaho tapos hihingi kalang? Wala! Letse tabi!" ani ko bago iniwasan siya at tinawag ang guard.
Lumapit ang guard na nakasimangot sa'kin bago tumingin. " Ikaw naman, bakit ka nagpapapasok ng ganiyan ka dumi dito? Mall ko ito! Ayokong may na tapak dito na madudumi na tao! Kaya paalisin mo yan dito, kung hindi ikaw ang ta-tanggalan ko ng trabaho!"
Nagkakamot na pumunta ang security guard sa matandang pulubi bago mahina itong kinausap, at bago tuluyang umalis iyon ay binigyan niya muna ng pagkain.
"Bakit mo binigyan?" tanong ko dito habang naka krus na magka patong ang dalawang kamay sa dibdib.
"Kawawa naman po eh.." ani niya habang nagkakamot parin ng ulo.
"Sa susunod, wag kang bigay ng bigay. Kaya ka nga diba nag trabaho para may ipakain ka sa pamilya mo? Tapos ipamimigay mo lang ang pinaghirapan mo sa taong hindi gumagawa ng paraan para kumita? Nako, huwag kang ganiyan, sasamantalahin ka lang nila." pangaral ko naman na ikina kunot ng noo niya.
"Ma'am, hindi naman po nakaka butas bulsa ang ibinigay ko." pangangatwiran niya pa.
" Alam ko, pero isipin mo kung araw-araw siyang hihingi at araw-araw kang mag bibigay. Tiyak na aabot din iyon ng libo sa isang buwan."
"Bakit kayo po, natulong din naman kayo sa simbahan ah?" ani niya na ikina tuwid ko lalo ng tayo.
"Basta, diyan kana at may gagawin ako" ani kk bago tuluyang pumasok sa mall.
Siya ang pinaka matagal na security guard dito, ayon kay daddy kaya naman hindi ko siya mapa talsik dahil ayaw ni daddy. Siya siguro ang masasabi kong, nakakausap ko ng mahinhin, yung hindi ako na sigaw. Siya lang naman kasi nakakausap ko noong teenager ako eh.
Nang tuluyan ko ng narating ang space para sa mga trabahador, agad akong nagpakita ng katapangan bago humarap sa mga ito.
"Sino, sino ang nag nakaw sainyo?" ani ko habang nag lalakad sa naka harila na trabahador. Tinignan ko ang isang nanginginig sa takot at ang isa naman na kumukurap kurap ang mata.
Lahat sila'y nakitaan ko ng takot maliban sa isang babae na nasilayan ko pa na nakangiti. Maayos ang kurba ng kilay at halatang may dating ang tindig niya at ang taas niya.
Pinuntahan ko ang gawi nito at inusisa ang kasuotan. May kwintas ito, pero hindi naman iyon mamahalin na aabot sa twenty thousand o sa mababa pa doon hanggang ten thousand. Pero susubukan ko parin na tanungin, malay ko ba, kung iba ang pinag gamitan niya?
" Ikaw? Bakit ka naka ngiti diya?" tanong ko bago tinitigan siya ng husto.
" May naiisip lang ako ma'am.."
Di bali, may Cctv naman na magpapatunay noon. Hindi ko kasi gusto ang pag-uusisa ng gamit, at mayroon naman CCT footage sa bawat parte nitong mall, maliban sa comfort room ng mga ito. Nang dumating na ang kopya ng cctv video, bago ito i-abot sa'kin napatawa pa ang nag abot nito bago pumila sa naka harila.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
قصص عامة"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...