Chapter 29

25 5 3
                                    

Balik nanaman sa dati. Kailangan mabilis ang pagkilos sa anumang bagay. Pwedeng panis na kanin, pwedeng isang tabo naman tubig nanaman ang ipang papaligo . Tagaktak ang pawis habang nakahiga sa kama. Alerto sa kaunting ingay kasi baka ikaw ang susunod na gawing pain para makalaya ang iba.

Tinitigan ko ang pader at nag tara nanaman ng isa. Minsan iniisip ko kung bakit ko pa ito ginagawa eh dekada pa naman bago ako makalaya. Dalawang dekada. Sabi nga nila, lugi daw kasi buhay ang nawala. Mabuti nga dalawang dekada lamang.

Kinabukasan ay nag tara nanaman ako sa pader gamit ang uling. Dali-daling naligo at inayus ang sarili. Tumingin aki sa salamin at naiiyak na ganu'n kalaki Ng ipinagbago ko. Dala siguro ng late na'ko matulog, lubog ang aking mga mata dahil doon. Paano ba naman kasi, hindi ko kayang hindi magisip ng mga bagay bagay noon at ngayon sa buhay ko.

"Ilagay yan sa bartulina!" hinawakan ko ang rehas na bakal at sinilip kung anong nangyayari sa kabilang selda. Grabe, may nahuli nanaman siguro na tumakas o pumuslit ng mga pinagbabawal na gamot.

Umiling nalang ako as t hinanap si Ali. Ang tagal naman niya, nagugutom na'ko. Buti pa yung nanay nya halatang mahal na mahal sya kahit anong kasalanan niya.

Umupo ako sa munting kama at humiga roon. Panibagong araw nanaman, talagang araw-araw ganito nalang. Miss ko na mag shopping! Nakakainis! Buti pa noon, akin lahat!

"Oh Santiago may dalaw ka." nabuhayan ang dugo ko sa narinig. Totoo ba iyon? Baka naman mali lamang ako ng narinig?

"Hoy Santiago! Ano ba?" agad akong tumayo at pumunta sa palabas ng gate.

"Ano? Ayaw mo?" sungit naman nitong pulis na'to!

"Ako ba talaga? May dalaw?"

Tumawa siya at binuksan ang kulungan. "Ako nga din nag tataka eh, akalain mo? May naghahanap parin pala sa kagaya mo?" jusmiyo, nang bwisit pa!

Kung sa baga, sa loob ng dalawang taon, ngayon nalang ulit ito nangyari. Pero baka naman nagkakamali ang isang ito?

"Baka naman hindi ako?" Binuksan niya ng maluwag ang selda bago muling tumawa.

"Ilang ulit kong tinanong ang matanda, pero ikaw talaga ang hanap eh." sinenyasan niya ako na lumabas kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sakanya.

"Matanda?" Nag kamot siya ng ulo.

"Tignan mo nalang dun!" masungit di ang isang ito.

Sumunod ako sa dereksiyon na tinuturo niya at dahan-dahan na lumapit sa mesa na may nakaupo. Matanda? Hindi pa naman siguro matanda si Jolly ah? Sa dami ng pera na nakuha nun sakin, napaka labong magmumukha iyong matanda. Kahit pa yata hindi yun magtrabaho, gaganda yun sa pera namin ni daddy!

Kung siya nga ito! Baka sabunutan ko lamang siya o kaya'y sipain! Kung pwede nga patayin eh.

Umupo ako at sinisilip ang nasa harapan na naka talikod pa ng upo. Sino ba ito?

"Hello?" dahan-dahan itong umayos ng upo. Naka malong siya kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha at kitang maputi ang mga kamay nito. Pamilyar sakin ang malong niya. Parang nakita ko na siya. Inikot ko ang mga mata at kinalampag ang lamesa.

"Sino ka ba? Bakit naka tago ang mukha mo? " Naku kung ikaw talaga si Jolly! Baka sipain kita!

Tumikhim siya at hinawakan ang isang box. Hindi parin niya tinatanggal ang malong niya. "Kamusta ka na?"

Inikot ko nanaman ang mga mata ko at tumingin sa isang gwardiya. Naku, hindi ako natutuwa sa ganitong kausap.

"Ikaw kaya ikulong ko dito? Para malaman mo ang hirap dito?" sinisilip ko parin ang mukha niya na iniiwas naman niya. "Pwede ba? Kung may kasalanan ako sayo, maging masaya kana kasi labis labis na ang paghihirap ko sa kulungan!"

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon