Chapter 26

20 4 0
                                    

"Oh may bago nanaman!"

"Ano naman ang kaso mo?"

Naka kapit ako ng mahigpit sa bakal a riles dahil sa mga mukha nilang nakakatakot tignan. Ang isa ay malaki ang tiyan at gulo gulo ang kaniyang buhok. Samantalang ang isa nama'y mapayat na matangkad na maraming tagyawat sa mukha.

"Hoy! Tinatanong eh!" Lumunok ako at sinubukan na ngumiti. "Ahm, napag bintangan lamang ako."

Nagkatinginan ang dalawang babae at kapwa tumawa. "Lumang linya na iyan ineng! " ani ng payatot na babae.

"Ah, bahala kayo kung ayaw nyo maniwala." tumalikod ako upang maiwasan ang nakakailang nilang pagmumukha. Nakakairita! Pars silang hindi nag kuskos ng libag!

"Pag kinakausap ka namin, huwag kang tumalikod!" napa irap ang mata ko dahil sa sinabi nilang iyon. Hindi ako humarap. Tinitigan ko ang mga kaharap na kulungan. Ang iba ay nakahiga sa sahig na may mga kariton, ang isang lalaki ay tumutugtog ng gitara, habang ang iba naman ay kumanta.

Maganda ang tugtog ng gitara naiyon, ang mga lalaking kumakanta ay may boses din. May talento silang maipagmamalaki. Isama pa rito ang isang medyo bata na lalaking nag be-beat box. Ang saya nila tignan, bakit kaya sila nakulong?

Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko. Ang matabang babae pala ito. "Aray! Ano ba?" pa sigaw ko iyon na nasabi dahil sa gulat. Inagaw ko ang sariling braso at inamoy iyon. "Kadiri naman!" hindi ko sinasadyang na bigkas iyon.

"Aba! Maarte ka ha!" tumingin siya sa mga kasamahan sa loob ng selda na mukang na kuha naman ang gusto niyang mangyari. Lumapit ang dalawang babae sakin at magkabilang kinuha ang kamay ko. Naalala ko tuloy ang scenario sa home of atlanta, ganito iyon.

"Aray! Bitawan n'yo ko!" iyon ang sinabi ko, pero hindi sila sumunod. Ang anim na babaeng natitira ay parang walang naririnig at nakikita. Pilit nilang iniwasan tumingin sa'kin habang ang matabang nasa harapan ko, ay naka ngiti pa.

Pilit akong nag pupumiglas sa kapit nila sa'kin. Dahil doon, sumasakit na ang aking mga kamay. "Sabing bitawan n'yo ko eh!"

Hinawakan ng mataba ang pisngi ko at pinisil iyon. Hindi ako maka gawa ng anumang salita ng dahil doon. "Ako ang boss dito! Kaya anumang iutos ko, kailangan mong sumunod! Dahil ako ang maghahatid sa'yo sa impyerno!" hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa. Napa suka ako nang maamoy tsng dinura niyang laway sa mukha ko bago niya ako bitawan. "Iyan! Kaanib kana!" ani niya.

Habang naamoy at nararamdaman ko ang laway niya, hindi ko mapigilang hindi mag suka. "Kapag ako nakaalis dito, humanda ka sa'kin!", wari ko bago sumuka ulit.

"Kung makakalaya ka pa." tumawa silang tatlo habang sinasabunutan ako ng isa pang babae na may nunal sa ilong. "Hindi kana makakalaya. Sumunod ka lang, para hindi ka namin saktan." pinilit kong i ikot ang ulo ko sa pwesto niya bago ngumiti. Dapat patas lang. Dinura ko din ang naipon na laway na sa kaniyang mukha. Dahil doon, napa pikit siya at nabitawan ang kamay ko para mapunasan ang mukha niya.

Naka kuha ako ng tyempo, sinipa ko ang isang naka hawak bago ko ito binatukan. Kinuha ko ang isang mapayat na matangkad at hinila ang buhok nito. "Ano? Subukan nyo lumapit, inuuntog ko ang ulo nito!"

Naramdaman ko ang kabilang kulungan na umingay. Aninag ko ang mga taong naka tingin sa'kin. Hindi naman kasi madaling hawakan itong si payat, dahil halatang mas doble ang lakas ko sakanya.

"Go Miss beautiful!" sumipol ang isang lalaki na kaharap namin.

"At ano naman pakialam ko diyan?" kinuha ng mataba ang isang kahoy sa gilid ng isang babaeng todo iwas ang tingin samin. " Mahina yan si payat, kaya kahit mamatay yan ngayon, wala akong pakielam!" wari niya bago sinubukan na lumapit sakin. Tinulak ko naman si payat sakan'ya nang ihampas niya ang kahoy na hawak. At hindi ako ang na sapul, kundi si payat.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon