Chapter 20

22 4 0
                                    

"Uy, may bago daw katulong!"

"Sino?"

"Hindi ko din alam eh!"

Lumabas ako ng banyo matapos marinig ang kuwentuhan sa labas nito at sinubukan na lamang na hanapin si Manang Lucy.

"No. 8, mayroon tayong bagong ka partidong!" ani ni number 12 na may bangs.

"Kapartido?" tanong ko sakanya.

Tumawa siya at hinampas ako ng bahagya sa braso. "Ay! Hindi mo pa pala alam. Ok, tayo ang Katulong partylist. Si Manang Lucy ang team leader. Tayo nila Alice, Engkang, Sydney, Amber, Annie, Josiah, Mean, Indang, May-may, ako (Bea) ikaw at yung bagong kasambahay ang team. " natatawang paliwanag niya n halatang gumagawa ng sariling mundo.

"Talaga ba?"

"Oo. Tapos sila kuya Gilbert, Mark, Domingo, at kuya Dan ang F4. Team hardinero."

"Tapos sila kuya Lhor, Geo, Silaw, Mack, Theo, Jhun, Ralph, at Sanjo as ang BTS. Mga Guard.

"Sino ang Driver?"

"Si Mang Julio asawa ni Manang Lucy. Siya lang ang driver."

Tumungo naman ako at nahilo sa dami nga pangalan na binanggit niya. Grabe, sa- ulo nya?

"Ahm.. Bea, bakit number yung nickname natin?"

"Syempre! Para madaling tandaan!" ani niya.

"Eh, bakit bungi yung mga numero?" seryosong tanong ko bago humanap ng maupuan. Umupo naman ako sa haliging bato ng garden bago tumingala sakanya.

"Hindi ko alam."

"Hoy! Bilisan nyo diyan at mag la laba pa tayo ng mga bedsheet." ani ni manang Lucy na ikina tayo ko bago sumunod lay manang.

"Oh, No. 12, ikaw na bahala mag turo diyan kay No. 8. Ayusin nyo ang ha? At baka matanggal tayo pare-pareho." ani ni Manang Lucy na sinagot lamang ni Bea na no. 12 ng isang tungo.

"Ganito ang pag wash ng damit." medyo mahaba ang instruction niya na kunwari ko namang pinakikinggan. Ayoko nga mag laba!

"Ok na ba? " tanong niya. Simpleng tungo lamang ang tugon ko doon tsaka nag pwesto sa maliit na upuan upang tanggalan ng bula ang damit na nagkuskos na niya.

" Wala ba kayo ditong kahit washing machine manlang?"

"Meron. May automatic din." ani niya bago tumayo at nag punas ng kamay.

"Oh? Eh bakit kailangan pa natin mag ganito?"

"Kasi. Ito ang pa welcome nila sa mga bagong katulong. Kaya, tulungan mo ako dito. Buti nga tinutulungan kita eh!" ani niya bago nag buhos ng powder na pang laba.

"Sabi ni Manang, turuan daw kita tapos panoorin kung kaya mo na ba."

Napa kamot ako ng buhok at humarap sakanya. "Grabe naman yan! Akala ko ba tutulungan mo ako?"

"Oo nga, Tutulungan kita para turuan. Kaya nga binigyan kita ng example kanina." paliwanag niya bago tinuro ang malaking planggana at upuan. "Pwede kana mag simula!" natatawang wari niya bago dumukot sa bulsa niya at nag labas ng mga candy.

"Seryoso kaba?" naninigurado na tanong ko pa.

"Yes!"

Kuskos. Kuskos. Kuskos. "Nakaka inis naman! Bakit ayaw matanggal ng mantsang ito!" Turo ko pa sa isang kumot na nilalabahan.

Tumayo naman si Bea at tinignan ang kumot na hawak ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Kasi. Regla yan." pagka sabi niya noon agad kong binitawan ang hawak na kumot at nag hugas ng mga kamay.

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon