Nang pagbaba ko sa kotse sa tapat ng kompanya, isasara ko na sana ang pinto nito nang naagaw ng aking pansin ang isang babaeng nasa hindi kalayuan. Naka malong siya at naka hawak sa magkabilang gilid nito sa bandang tenga niya. Nakaka tanga lang, bakit siya nakatitig sa'kin? Baka naman gusto ng limos? Well.. sorry sya, hindi ako kasing lambot ng inaakala niya.
Nang tuluyan ko ng isinarado ang pintuan ng kotse ko, bigla kong nakita siyang nagtanggal ng malong. Tinitigan ko siya, pamilyar siya parang kamukha ni.. Hindi maari.
Nang akma akong lalapitan papunta sakanya, agad siyang nag suot muli ng malong at animoy nag punas ng luha bago nagmadaling tumakbo sa isang iskinita. Nakaka inis ang babaeng iyon, pa mystery ang dating.
I rolled my eyes. Hindi naman mahalaga ang taong iyon, bakit ko ba iyon pinagtutuunan ng pansin? Pero pamilyar talaga eh..
Nang tuluyan na akong tumungo sa kompanya, lahat ay chineck ko. Maging ang mga trabahador sa paggawa ng bagong clinic sa first floor ay chineck ko. Lahat ng gala nila ay pinagmamasdan ko. Paalis na sana ako ng may narinig akong umubo. Tumingin ako dito. Isang matandang lalaki? Paano naka pasok dito ang ganito katanda?
Lumapit ako dito, at nang isang metro nalamang ang pagitan, kinausap ko ito.
" Pasensya na po, pasensya na Ma'am. " ani niya habang nagpapatuloy parin sa pagbuhat ng mga materyales. Helper yata siya?
Umismid ako bago si kinausap. "Ahm.. ilang taong na po ba kayo?"
Umubo muli siya at naluluha na humarap sa'kin. Matapang kong tinitignan ang mga mata niya na na luha. Anong paki ko?
"6-60 na po.."
"At bawal po dito ang edad na ganyan, sino po ba ang nag pasok sainyo?"
" Ma'am.. kailangan ko lang po talaga ng Trabaho. Yung apo ko po kasi, iniwan nalang sakin ng mga magulang. Kailangan ko po siyang suportahan ng gamot.. kasi... Baka tuluyan siyang.. mawalan ng paningin." ani niya na sinusubukang pigilan ang luha.
Tumaas ang kilay ko sakanya. "Hindi yun' ang tinatanong ko.ang tanong ko, sino ang nagpapasok sayo dito?"
Bahagya siyang yumuko at hindi ko akalain na luluhod pa ito. Hindi ako tumitingin sakanya at ibinaling ang tingin sa iba. Ano bang klaseng tao ito?
Umiiyak na siya at hinawakan ang paa ko. Inilayo ko iyon at lumakad palayo sakanya. Lumunok ako at inirapan siya. Pathetic!
" Sabihin mo sa'kin kung sino ang nag pasok sayo!" sigaw ko dito. Lahat ng taong naroon ay nakatingin sa matandang naka luhod. Wala akong paki!
"A-ako po.." ani ng isang worker dito. Mukang maawain siya. Pero maling awa ang ginamit niya. Nakakahiya.
Tumungo ako at tumalikod sa kanila. Ayoko. Ayoko talaga!
"Tanggal kana Mr. Senior!" ani ko.
Lahat sila ay ramdam ko ang awa. Nakakaawa naman talaga.
"Ako ang sasagot ng anumang gastusin ng apo mo Mr. Senior at ikaw. Hindi kana dapat mag trabaho."
Humarap ako sakanya at nilabanan ko ang titig niya. " Matanda kana, hindi ko hahayaan na ang kompanya ko pa ang mananagot kong sakaling may mangyayari sa'yo. Pero dahil mabait ka. Tutulungan ko ang apo mo." iyon lamang ang sinabi ko at nag martsa paalis. Nakaka bwisit! Bakit ko ginawa iyon?
Hindi ako naawa sa matanda. Naawa ako sa bata. Kailangan niya ng pagmamahal. At ang pagmamahal na iyon ay nabigay ng matanda. Hindi ko iyon ginawa dahil mabait ako. Ginawa ko iyon, kasi tatakbo ako bilang Congresswoman. Tama. Iyon lang at wala ng iba.
Tiyak na kapag lumabas ang balita. May ibang pupurihin ako. Tama. Iyon lang ang gusto ko. Ako si Cassandra Santiago.
Atleast, nakinabang sila sa paggamit ko sa kanila diba? Hindi na masama tumulong kung milyon milyon din naman ang kapalit diba?
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
General Fiction"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...