Nagising ako sa ingay ng mga tandang na nasa bubong ng bahay nila. Kainis! Nakalimutan ko, nasa ibang bahay pala ako. Hindi ko nga alam kung bahay ba talaga ito oh kubo eh. Mas malaki pa ang kubo namin sa San Luis! Nakakairita! Ano bang lugar ito?
Inikot ko ang mata bago sinubukang tumayo, pero ang kamalasan nga naman oh.. ang sakit ng likuran ko! Bwisit! Bakit ba kasi walang kutson manlang dito?
Kahit masasakit ang katawan sinubukan ko parin na tumayo. Bwisit! Kapag talaga ako naka laya dito, pupunta agad ako ng ospital! Nakakairita!
"Hi po.." mapa kunot ako ng noo sa batang babae na bumungad ng umaga ko. Maganda sana, mukang hindi lang marunong mag sipilyo! Nakakairita!
"Ate.. kamusta tulog mo?" ang kulit ah? Hindi nya ba gets ang pag-ikot ng mata ko? Ano gusto nito? Plastikan?
Hindi ko siya pinapansin pero sumunod parin siya sa'kin. Hinanap ko ang labasan at nabigla ako sa ganda ng dagat. Bakit hindi ko ito nakita kahapon?
Lumingon ako sa batang babae. "Anong lugar ba ito?"
Ngumiti siya, abot langit ang ngiti niya na para bang natutuwa siyang nag salita ako. "Ahmm.. hihi.. San Fernando po ang lugar na ito. Ito po ay likod lamang ng San Luis."
Gara, may ganoon pala dito?
Lumakad ako papunta sa labas at hinahanap si Ariel. Nasaan na ba iyon? Kailangan ko na umuwi.
"Ate.. hinahanap mo ba si kuya Ariel?" ani nito habang nakangiti parin sa'kin. Tila ba'y nag-uusisa ng isang bagay.
Nag-ikot muli ako ng mata at tinalikuran siya. Nakakainis naman!
"Naandun po siya sa laot. Nangunguha ng mga isda kasama si lolo Ymon." tumungo ako at nagkibit balikat bago dinala ng mga paa ko papuntang dagat. At sumunod naman ang gaga!
"Ate.. kailan pa po kayo magkakilala?"
"Ate.. ano pala name mo?"
"Ate, ikaw ba yung kinuwento ni kuya Ariel?" napa lingon ako sakanya. Kinuwento? Ako?
"Anong kuwento?" ani ko habang nakataas ang kilay bago umupo sa isang mahabang kahoy at ganoon din siya.
"May kinuwento sya lagi kila lolo eh..ahm. ah!" nanlaki lalo ang ngisi niya at bahagyang tumawa na animoy kinikilig. Ay kerengkeng?
"Lagi niyang kinuwento na may girlfriend daw siya.. isang magandang babae at mabait!"
Oh? Mabait? Hahaha
"Tapos?"
"Nakilala nya daw Yun noong bata palang siya. Unang tingin daw, alam nya na na yun ang pakakasalan niya. Pe-"
"Shantal!" pareho kami napa lingon sa babaeng tumawag sakanya. Shantal pala ang pangalan niya. Maganda, bagay sakanya at hindi rin dugyot gaya ng kay Ariel. Yuck! Ano yun? Ariel? Pang tanggal ng mantsa? Eh muka ngang siya ang mantsa!
"Sige ate, diyan ka muna." tumango ako muling tumingin sa dagat. Ang sarap ng simoy. Payapa at tahimik. Inikot ko ang paningin ko sa dagat. Mukang mas maganda ito sa Archo beach. Puwede ko itong bilihin! Naku naku naku! Ang sarap ng pera ko kung nagkakataon!
Masaya sana akong nangangarap nang bigla kong naalala ang sinabi ni Shantal. May girlfriend si Ariel? At kababata nya? Kung sa bagay, guwapo naman siya! Mahirap nga lang!
Natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang makita ko ang isang papalapit na bangka. Tumayo akoat nagpagpag ng pang upo. Sila naba ito?
Unti-unti itong lumalapit sa'kin kaya lalo naman akong na curious kung sila naba ito.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
Ficção Geral"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...