Pagod na pagod ngayong araw. Ito na ba yung sinasabi nilang blood, sweat, and tears? Grabe ang hirap para sa kaunting barya lamang.
"Ate, saan ka ba pupunta?" napatingin ako sa taas ng hagdanan habang bumababa si Adriana na sinundan naman ni Ariel. Ang ganda ng kaniyang kasuotan purong itim na ito maging ang kaniyang labi na naging mas makinang ang kaniyang bilog na gold earings. Napaka ganda! Pero, saan siya pupunta? Hindi kaya, dadalawin niya si Tricia? Kung ganoon, kailangan ko siyang sundan.
"Ah, hi ma'am?" kung pustiso lang siguro ang ngipin ko, malamang malalaglag iyon sa sobrang lawak ng ngiti ko habang hawak ang isang basahan at alcohol na pang punas sa hagdan.
Lumingon siya sa'kin at mas lalong nag madali sa pagbaba. "Ariel, may meeting lang ako." wari niya bago inayus ang bag sa balikat. "No. 8, pakikuha nga ako ng tubig." mabagal ko iyong sinunod para marinig ang usapan nila. Alam kaya iyon ni Ariel? Ang sekreto ng kaniyang kapatid?
"Ate! Huwag ka na umalis dito.." kahit sino, mararamdaman ang pagpipigil ng galit niyang boses. Bakit siya takot, anong mayroon sa bahay na ito?
Dahil sa laki ng kabahayan na ito. Patakbo akong bumalik para sana ibigay ang tubig. Ngunit wala na sila sa sala. Tanging ang mga katulong lamang na busy sa kani-kanilang trabaho ang aking naabutan.
Mabilis ko ulit na tinahak ang labasan at ang naabutan ay si Adriana na mag-isa lamang na sumakay sa kotse niya.
Tinahak ko ang gate, kaya hinarangan nanaman ako ni Lhor.
"Lhor! Dali na! Inuutusan ako ni Aling Lucy na tingnan ang labasan!"
Umiiling siya habang nakangiti. Nakakairita ang kaniyang pagmumukha! Dapat kong maabutan si Adriana.
"Lhor, ano yan?" narinig ko ang boses ni Josiah na paparating. Isa pa ito, mga hadlang sa plano. Kung pwede lang na mag 1,2,3 ay ginawa ko na.
"Ah..ano kasi, lalabas daw siya." muling tumaas ang tingin ko kay Lhor dahil sa tangkad nito at laki ng katawan. Bakit siya nanginginig?
"Palabasin mo siya, inutusan siya ni Aling Lucy. " nagtataka akong tumingin kay Josiah na nakangiti sakin. Anong mayroon? Bakit ginagatungan niya ako?
Napakamot si Lhor at pinindot ang remote control ng gate, tsaka ito bumukas, kaya lahat kami ay napaurong.
Tumingin muna ako kay Josiah na tinungo ang gate bilang go signal.
"Ah, Lhor, tulungan mo naman ako mag buhat ng mga labada." ani niya bago kinuha ang braso ni Lhor at ginaya ito.
Mabilis naman akong tumakbo at natataranta sa pag para ng isang taxi. Maabutan din kita Adriana. Alam ko kung saan ang puntahan ng mga namatayan!
Isa pa talaga sa pinagtatakahan ko, ang laki ng bahay nila. Pero hindi ko sila kakilala? At walang De Jesus na mayaman! Hindi rin pwedeng nanalo sa lotto.
"Manong, sa sementeryo po."
Hindi ko alam ang lugar na ito. Mukang probinsya ito. Bawat daanan ay may mga puno, at kadalasan ay ang puno ng akasya na matatayog. Ang kalsada ay halatang luma na, pero malilinis ang paligid. Hindi ito syudad. May mga bahay na madalas ay gawa lamang sa bamboo. Ang mga tindahan ay simple lamang. Mukhang sila lamang ang mayaman sa lugar na iton. Kung minsan ay may nadadaan kami na malalaking bahay, pero hindi kasing laki, at kasing ganda ng home of Atlanta. Sino ba sila? Anong trabaho nila? Paano sila kumikita ng pera?
Nagmadali akong nilabas ang bayad. Sinasabi ko na nga ba! Naandito siya. Naandito ang kotse niya. Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago tinahak ang loob ng sementeryo. Kakaiba ang sementeryo na ito. May mga bahay ang bawat tao na nakalipas. Puro patyon ang lahat ng nakalibing. Inisa-isa kong basahin ang lahat ng lapida.
![](https://img.wattpad.com/cover/285753541-288-k726358.jpg)
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
Ficción General"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...