Matapos kong kumain hinanap ko ang basurahan. Nakaka tuwa lang. Dati, hindi naman talaga ako kumakain ng basta-basta. Pero ngayon, heto at, halos kainin ko pati ang pinaglagyan nito. Dala siguro ng gutom ko. Hindi nga pala ako kumakain dahil sa mga kasamahan kong puro naman pangit.
Hawak hawak ko ang tiyan habang patuloy na tinatahak ang tapat ng home of Atlanta. Madalas talaga akong mag taka kung bakit home of Atlanta ang pangalan. Tsaka, ano bang trabaho ng Adriana at ganito kalaki ang bahay nila? Siguro, pamana ng mga magulang. Pero sino ang mga magulang nila?
Tsaka sabi ni Ariel sa kapatid nya daw kami pupunta. Si Adriana lang ba an kapatid niya? Bakit naman, wala siyang bahay? Marami naman akong nabasa na magazine about business ang politics pero wala akong nabasa na Adriana De Jesus.
Tiningala ko ulit ang kalakihan ng bahay. Dalawa kami ni daddy
"Ma'am Cassandra! Ikaw nga!" Nagitla ako sa pamilyar na boses na nasa likuran ko. Sinundan nya talaga ako? Para saan? Para ipahiya at ipa mukha sa'kin na katulong lang ako dito? Na kapantay nya narin ako?
Dahan-dahan akong umikot paharap sakan'ya. Biglang nanakit ang ulo ko nang makita ang lawak ng kaniyang ngiti. Halatang masaya na naghihirap ako.
"Hi po!" may galak ang pagbati niya. Nakaka tuwa siya. Sarap niyang tanggalan ng ngipin dahil sa kinang ng puti niyang ngipin dahil sa sobrang kasiyahan na makita ang uniporme ko na katulad ng kaniya.
"Ma'am, pareho pala tayo ng trabaho dito! Ibig sabihin pareho tayo ng kwarto!" letse, akala mo naman sobrang close kami.
"Pwede ba! Huwag mong ipa mukha sa'kin na katulong lang ako." mahinang sabi ko. Nakakapanghina. Nakakapanghina ang araw na ito. Idadagdag mo pa ang hapdi ng mga kalyo ko sa kamay dahil sa damit na hindi nama akin.
"Hala Ma'am! Hindi ko po intensyon iyan! Natutuwa lang po ako kasi may kakilala na agad ako dito." Lumipat siya ng pwesto sa gilid ko na mas malapit sakin. "Tsaka ma'am, wag nyo po i 'lang' ang pagiging katulong natin. Legal naman po ang trabaho natin hindi gaya ng sa iba. "
Inis akong tumingin sakanya. Talaga lang? Natin? Nang-aasar ba talaga siya? "Candy, pagod ako." wari ko pa sakanya bago umalis.
Pero tama naman sya. Basta legal ang trabaho mo wag mong ikahiya. Ang saklap lang sa side ko, dahil hindi ako sanay sa ganito. Iniwan ko na ang buhay ko na ganito sa piling niya. Pero ganun siguro talaga. Dadating talaga sa buhay mo ang mga pagsubok na hindi mo pinaghandaan. Bubulaga nalang sayo. Hi pwede na mag hindi. Talagang dapat Oo ang sagot kapag kamalasan na ang nasa harapan.
Malaya akong naglalakad sa garden nila sa likuran. Ang ganda ng mga ayus ng mga halaman. Halatang healthy ang mga ito na isinabit sa isang niyog na walang laman at doon lumago ang mga halaman na parang fountain ang pagbagsak ng mahahabang sanga ng halaman. Umupo ako malapit sa mga tumpok ng bulaklak na chrysanthemum. Bigla nalamang sumagi sa isip ko ang bahay namin sa San Luis. Kamusta na kaya yung bahay? Naandoon naman ang mayordoma namin. Pero bakit nandito si Candy? Tsaka, paano yung mayordoma namin doon? Anong kinakain nun?
Nabuburyong ang isip ko kakaisip sa bahay namin. Kailangan ko pala kausapin si Candy. Kahit pala papaano, may silbi siya.
"No. 8! Tapos naba yung mga labahan mo?"
Napataas ang tingin ko. Tapos na kaya si Sarah? "Ah! Opo!" tugon ko at balak na sana umalis.
"Siguraduhin mong malinis yun Cassandra, baka ma kick tayo pare-pareho." kinagat ko ang labi at tumungo. Hindi ko din talaga sure kung ayus ang laba ni Sarah. Pero, siguro naman. Sana nga.
Sumapit ang hapon nang pag hugas lang ang ginawa ko. Syempre, nag tagal nanaman ako.
Nang ma tyempo ko na si Candy lang ang tao sa loob ng kwarto namin. Sinamantala ko ang pagkakataon at lumapit na sakanya.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
General Fiction"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...