Chapter 3

71 8 0
                                    

Ngiti. Lungkot. Iyak. Hinga. Wala akong ibang ginawa sa salamin kung hindi ang pagmasdan ang aking pagmumukha kung dapat ba akong paniwalaan sa mga ikikilos ko.

Huminga ako ng malalim bago nakisama ang mga luha ko. Tumayo ako at ngumiti. " Bilang isang kababayan nyo, masakit sa'kin na nilalait ang mga kapwa ko dito bilang mga mang mang, walang pinag aralan."

Inilapat ko ang panyong hawak sa aking mukha habang nakatingin parin sa salamin. " Kaya sana po ako'y suportahan ninyo ng buong puso nang sa ganoon, mabibigyan ko ng libreng edukasyon ang inyong mga anak, lalawak ang aking koneksyon sa ibang tao at dahil doon madali ko nalamang kayo ipasok sa mga trabaho kahit na po ano ang inyong natapos."

Ngumiti muli ako at nang makuntento'y pumalakpak at napa talon sa tuwa. "Yes! Ang galing mo talaga Cassandra! Pwede kana mag artista!" parang sira ulo akong tumatawa habang napalakpak mag-isa sa kwarto ko. Ngunit naudlot din ang kasiyahan nang may Kumamot sa aking pintuan.

"Ma'am, ready na po ang almusal.." napa hawak ako sa magkabilang bewang at hindi maiwasang mag paikot ng mata sa kawalan.

"Oo! Alam ko!" sigaw ko dito habang nakatingin sa pintuan na parang nakikita ang kausap.

Nang ihinto ko ang sasakyan sa tapat ng simbahan, huminga ako ng malalim at ngumiti bago tuluyang lumabas. Simpleng blouse at blazer lamang ang aking pang itaas samantalang ang pang-ibaba ay simpleng palda lamang na hapit above the knee atsandals na two inches ang taas ng takong, parang pang opisina lang, ano bang ginagawa sa opisina? Edi trabaho. Para saan ba ang lakad ko? Syempre parte din ng trabaho.

Habang naglalakad papasok, lahat sila'y nagtitinginan habang ang ibang lalaki naman ay nag offer ng mga upuan na nginitian ko lamang, ano ako baliw? Didikit sa mga kagaya nila?

Nang nakarating na'ko sa pinaka unahan ng mga upuan, may bukod tanging bata lamang doon na nakaupo. Tumingin muna ako sa mga tao sa loob ng simbahan bago tumingin muli sa upuan. "Go Cassandra, ilang minuto lamang ang titiisin mo sa mabahong amoy ng batang ito." pagkausap ko sa sarili bago ngumiti at umupo sa tabi ng batang lalaki. Talaga nga naman oh, ang dami din palang ka plastikan na ginagawa ng mga kaibigan ni daddy bago nanalo.

Inabot yata ng isang oras ang misa bago tuluyang matapos na hindi ko naman maiwasang makatulong. Nang makita ko naman ang tagapagsalita nila sa unahan agad akong umayos ng upo at nag-iisip ng mga malungkot na bagay.

"Imagine Cassandra kapag naghirap ka, kakain ka ng tuyo at mag tatalok ka, ibig sabihin hahawak ka sa putikan! Ayoko!" sabi ng aking isipan na dahilan upang mapa punas ako ng kamay sa mukha nang lumabas sa imagination ko na tumalsik ang putik sa aking makinis at magandang mukha.

"Ayoko!" wala sa sariling sambit ko at natauhan lamang ng makita ang batang katabi na ngumiti sa'kin. Inirapan kk Naman ito ng mata bago tumingin sa nagsasalita at nakikinig doon.

"50 thousand pesos! Donated by miss Cassandra Santiago!" nag umpisa na akong tumayo at tumingin sa mga tao. Ang iba'y napalakpak at ang iba naman ay walang kibo lamang, ano yun? Walang mga kamay? Mga letse!

Pumunta na ako sa unahan at nagdalawang isip na hawakan ang mikropono, at nang sa unang pagkakataon n nahawakan ko'y na group pa ako nun at umingay ito ng todo, dahilan upang mag pikitan ang ibang mga tao.

"Relax Cassandra, kaya mo yan.." kausap ko sa sarili hanggang sa matapos na na ayusin ang mikropono at ibinigay sa'kin ng mayroon ng damit na puti, kadiri man pero tinanggap ko iyon.

"Magandang umaga po.." bati ko pa, pero ni isa'y walang umimik maliban sa dalawang lalaki na mukhang mangingisda ang porma, yuck! Kadiri!

"Ang 50 thousand po na galing mismo sa sarili kong bulsa ay ihinahandog ko sa ating simbahan upang kahit papaano'y mapaganda pa sa mas maganda ang ating simbahan." lahat sila'y nakatingin at ang ilan pa'y nag bubulungan. Napatingin tuloy ako sa labas ng simbahan at naiinip sa pag dating ng tatlo kong tauhan. Ngumiti ako at inilapag ang bag sa isang mahabang upuan lahat sila'y sinundan ang aking galaw.

" Hesus sa krus, ika'y namatay nabuhay muli, para mundo'y iligtas.." kapwa silang nagtinginan at ang ibang mga bata ay nakisabay. Dumukot ako ng candy sa aking bulsa at ipina sabog ko sa loob ng simbahan habang tinutukoy ang pagkanta. Maya-maya pa'y dumating ang tatlong tauhan ko at may mga dalang mga iba't-ibang klase ng mga tinapay at candy kasama narin doon ang mga barya.

Hala! Sige, pulot mga hampaslupa. Lahat sila'y nagkakagulo at sinusundan ako hanggang labas pati na ang mga tauhan ko.

Maya-maya'y dumating ang matandang binayaran ko at nagsalita.

" Iyan si Cassandra Santiago! May pakialam sa mga mahihirap! Sa mga batang nag-aaral. " ani niya bago pumunta sa gawi ko, ako nama'y kunwaring inilapat ang kamay niya sa noo upang mag mano. Kadiri!

"Natatandaan ko noon ang aking panganay na anak na nagkaroon ng sakit sa bato. Sino ba ang tumulong? Si Cassandra Santiago! Opo, sa dami kong nilapitan na tao, tanging siya lamang ang nakatulong sa'kin. Kaya nararapat lamang na s'ya sy ihalal natin bilang alkalde ng ating bayan!"
Lahat sila'y nagtinginan at nag bulongan ang iba ay nagtungo at ang iba nama'y hindi.

"Wala ho iyon, mahalaga sa'kin ang buhay ng sino man. Kaya huwag ninyong isipin ang naitulong ko, dahil iyon po ay bukal naman sa aking puso." ani ko bago niyakap ang matandang umiiyak. Kunwaring hinaplos ko ang likod nito at tinapik ang balikat bago tuluyang kumalas sa pagkakayakap.

Nagsalita muli ako at ngumiti. " Ang baryo na ito, ay ang kinamulatan ko. Simula psg bata'y ang kasama kong mag laro ay isa sa mga anak ninyo. Kaya pinangarap kong i angat ang baryo natin, ang bayan natin. Nang sa ganon, hindi na tayo maapi pa, ang mga walang natapos na kahit na anong kurso ay bibigyan ko ng trabaho, ang mga batang natigil sa pag-aaral ay susuportahan ko po. Kaya narito ako sa inyong harapan! Humihingi ng suporta para sa mas pinalawak na koneksyon sa mga kinauukulan upang madali nating ma aksyon ang ating mga daig." matapos ang mga sinabi ko, nag-umpisa na akong mag-isip ng mga malungkot na bagay.

Nang maramdaman ko nang malapit na tumulo ang luha ko'y lumapit ako sa isang batang musmos. Binuhat ko ito at doon na tumulo ang mga luha ko.

"Ang batang ito, ang batang walang mga magulang ay gusto kong magkaroon ng tahanan kasama ang mga kapwa niyang napag-iwanan. " tumingin ako sa bata na nakangiti sakin. Nagulat ako ng mabilis ako nahalikan ng bata sa pisngi at may kaunting laway na naiwan doon! Walang hiya! Ang baho. Inilapag ko ito at kumuha ng tissue para punasan ang luha at sinadyang dinamay ko ang pisngi kung saang parte ako hinalikan ng batang musmos at lumayo ng kaunti habang nakangiti, para nadin makalayo sa amoy ng hininga ng bata. Walang hiya! Ang baho!

Nang tumingin ako sa puting pang-itaas ay madumi na ito ngunit pinanatili ko parin na nakangiti ako bago tumingin sa bata at sa ma tao. Lahat sila'y napa tungi na tila ba'y na ayon sakin, tama lang naman, mahirap kaya mag panggap!

Kaunting minuto lamang ang lumipas nang may narinig akong tumawang lalaki. Hinanap ko ito at nang makita ko, isa siyang pamilyar. Ang kaniyang kasuotan ay simpleng T-shirt at faded blue jeans lamang. Tinignan ko ang kanyang tindig, may dating iyon. Tinignan ko ang kaniyang katawan, pang modelo iyon. Tinignan ko ang buhok niyang naka ayus, sakto lang. Ngunit ang mukha niya'y naka suot ng face mask at ang mata naman niya'y nakatingin sa ilalim. Pero bakit niya ako pinagtatawanan? May alam ba siya?

"Kalokohan! Benta nayan tuwing eleksyon!" ani niya bago umiiling na pumunta sa isang motorsiklo habang ako nama'y sinusundan siya ng tingin. Nang matapos na siyang mag helmet, humarap muli siya sa'kin at halatang nakangiti ito. Nakita ko ang mga mata niyang pang karaniwang mata lamang ng Pinoy, pero ang kaniyang taas at kulay ay parang mayaman? O may lahi lang?

"Miss Cassandra, kung ako sayo, Presidente ang itakbo mo. At kayo naman po mga Tito at Tita, huwag kayong mag padala sa mga salitang wala namang kilos na ipinapakita. " iyon lamang at umalis na siya. Ang lintik lang, sino yun? Panira sa plano ko!

Humarap muli ako sa mga tao at ngumiti. " Palibhasa binayaran siya ng isang kalaban, naninira na siya. Ang mga inggit nga naman, kahit anong gawin mo, gagawa ng paraan para hilahin ka pababa." ani ko at sumang-ayon naman ang ilan, samantalang ang iba'y umiiling at natatawa na kanina lamang ay panay hakot sa itinatapon kong barya! Mga manggagamit

"Ahm. Sige, ituloy ang pa nanabog ng pera." wari ko pa bago pumunta sa kotse at bago tuluyang umalis nag sabog ako ng halagang limmang libong piso para sa matandang nagsalita na kanya namang pinulot habang naka ngiti. Mukang pera!

Humanda ka sa'kin, mahahanap din kita at gagantihan! Panira! Isa kang dugyot!

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon