"Ahh! Sakit!"
Kinabahan ako sa asal niya. Daing siya ng daing habang naka buka ang bibig at nakapikit ang mga mata at nakahawak sa ibaba ng puson niya.
Nataranta ako at napa padyak ng paa. "S-sorry.. Ariel." hindi ko alam kung saan ako hahawak sakan'ya at anong gagawin ko para matigil ang pagdaing niya.
"Ineng anong nangyari?" lumingon ako sa tendera na naka silip sa maliit na butas ng kaniyang tindahan.
"Ano po.. ano.. kasi po, na.. napa tama yung ari niya sa kanto pag tayo niya." ewan ko kung anong kanto ang isasagot kung sakaling mag tanong man ang tindera.
"Naku, mag talon talon kamo siya at baka mabaog ang nobyo mo."
Napa awang ang bibig ko. "H-Hind-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya habang naka hawak parin kunwari sakanyang pang ibabang parte.
Tumaas ang kilay ko nang nag tama ang aming mga mata. Pero ang baliw na ito'y mas lalong lumakas ang tawa. Tinanggal niya ang kamay sa ibabang parte na iyon at tumayo ng tuwid bago tumalon ng tumalon habang naka ngiti.
"Takot kaba na mabaog ako Cassandra?" ani niya habang nang-aasar na nakatingin sa'kin. Tumingin muna ako sa tendera na nakatitig sa mukha ni Ariel. Mukang patok na patok sakan'ya ang itsura ng lalaking ito. Kung sabagay, pareho naman silang amoy mahirap.
"Siraulo ka talaga!" sigaw ko at muling tumapak ng kalsada.
"hoy! Saan ka diyan? Sa kaliwang kalsada!" pumikit ako at bumalik para maging kaliwang direksyon ang nilalakaran ko habang sya naman ay naka abang sa'kin hanggang sa mag sabay kami ng lakad. Pero hindi ako kumikibo.
"Alam mo, may alam akong paraan para maka sigurado ka na hindi ako baog." napahinto ako sa paglalakad at ganun din naman siya. Inis ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. Ayus nama talaga ang katawan at muka niya. Kulang lang sa porma. Pero bagay naman kahit anong suotin niya. Kahit nga ngayong may uling siya sa kaliwang pisngi ay gwapo parin siya.
Inirapan ko lamang siya at nag simula muling maglakad.
"Ano? Gusto mo malaman kung na baog ako o hindi?" nakaka bwisit ang ngiti niya habang naglalakad pabalik para makaharap ako at inisin.
"Pwede ba Ariel! Hindi tayo talo!"
Dinilaan niya ang sariling labi bago ngumuso na parang nagpipigil nanaman ng tawa. "Ano ba iniisip mo?"
"Na mag.."
Tumawa na siya at huminto kaya huminto rin ako. "Sex ba ang nasa isip mo?"
Umiwas ako ng tingin at iniisip kung ano ba dapat ang isipin ko para malaman kung baog siya o hindi. Wala naman, yun lang?
"Doctor. Doctor Cassandra.. doktor." ani niya bago muling tumawa. Pinagmamasdan ko ang uri niya ng pag tawa. Ito ang tawang halatang nang-aasar. Labas ang kaniyang ma puputing ngipin at na singkit ang kaniyang mga mata. Nakakapikon. Nakakapikon ang istilo ng pagmumukha niya kapag natawa siya!
Nang mapansin niyang hindi ako umiimik o gumaganti sa pang-aasar niya, tumikhim siya at tumigil sa pag tawa.
Nilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko at bumulong. " Yung laway mo.. tumutulo."
Sa galit at inis ko'y tinadyakan ko ang kaniyang paa at mas lalo ko pang diniinan ang paa ko.
Aray siya ng aray habang naglalakad ako at siya namta ay paunti unti ang lakad. Bwisit! Dapat pala, tinuluyan ko ng ma baog!
Yun ang senaryong mangyari hanggang sa isang tricycle naman ang huminto. Buti nalang, at walang tao. Walang kaaway na mga pangit at sensitibo sa lipunan!
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
Ficción General"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...