"Tara Cass, may bibisita daw ngayon na mga pari kasama si congressman." hinatak niya ako papunta sa gilid ng aming kulungan na may maliit na kama kung saan ay may nakataling kurtina. Kamot siya ng kamot ng ulo habang inaayos ang mga damit at nagsusukat ng mga ito.
"Ano naman gagawin natin dun?"
Hinagis niya sa'kin ang kulay pula na t-shirt at isang pantalon. "Suotin mo yan, baka may pogi!" tumili pa siya habang niyayakap ang damit bago sumilip sa labas ng kurtina.
"Oh, bilisan mo na, wala dito si nguso mag bihis kana." agad niyang hinubad ang mga damit at nag suot din ng kulay green na t-shirt. Napa iling nalamang ako at sinunod ang gusto niya.
"Grabe! Hindi nanaman tayo naka ligo!" natatawa siyang inaayus ang sinturon ng pantalon at humarap sa maliit na salamin.
"Ako kasi ang magluluto, kaya sinama na kita para ikaw nalang mag reserve ng mga pagkain."
"Ano?" natigilan ako sa pag-aayos ng pantalon ng sabihin niya iyon. Ako? Mag hahain ng pagkain? Eh kung may kakilala ako dun?
"Tumigil ka nga diyan! Kailangan mo yun, para may income ka. Tsaka hindi kita pwede iwan dito, baka galawin ka nanaman ni nguso at sawa."
Wala na ako nagawa, sumunod nalamang ako sa utos niya. Nagbabakasakali din kasi ako na may masarap na pagkain sa labas. Nakakasawa narin ang tira, ang malas pa kapag panis na.
Inayus ko ang buhok ko na humaba na dito sa kulungan. Sana nga ang buhay ng tao ay parang buhok nalamang, pwede mo baguhin kahit kailan. Pwede mong putulin kapag nanawa kana. Pero hindi eh, hindi ganoon ang buhay natin. Kailangan natin paghirapan ng husto ang mga bagay na gusto natin na hindi gaya ng buhok natin na nasa atin ang desisyon.
"Oh, yung isang tagaluto diyan, bilisan na."
Lumabas si Ali sa kurtina at hinarap ang isang pulis. "Mamang pulis, kailangan ko ng kasama dun. Taga reserve ng pagkain."
"O siya, ayoko makipag talo. Sige, bilisan ninyo."
Napairap nalang ako ng malaman ang venue ay sa tapat lamang mismo ng buong kulungan. Labas naman siya, pero may gate parin na naka harang. Tanaw ang kalsada at ilang sasakyan at mga taong naglalakad. Sa harapan ay may watawat ng Pilipinas at ang monumento ni Jose Rizal.
"Besh! Galaw naman diyan." lumunok ako ng laway at kinuha ang mga malalaking kaldero na paglulutuan niya. Hiniwa niya ang mga karne at hinugasan iyon, pagkatapos ay inabot niya sa'kin ang sibuyas.
"Ikaw ang mag hiwa ng mga gulay, unahin mo ito." ilang segundo ko iyong tinitigan bago ko iyon sinusunod.
Ngayon lang yata nangyari sa buhay ko ang umiiyak habang tumatawa. Kung tutuusin ay dapat naiinis na ako sa mga luha ko pero ngayon ay tinatawanan ko nalamang. Tama si Ali, ang kahapon ay hindi na maibabalik pa, pero ang kasalukuyan ay pwedeng mabago. Kung tatanda man ako dito sa selda, mabuti siguro kong bumuo nalamang akong masasayang araw, at isipin ang mayroon ako kaysa maghanap ng mga wala.
Ilang oras din ang hinintay pa namin bago ko nakita sa maliit na bintana ang isang van kulay itim. Natapos ang pagluluto ni Ali kaya sayang saya siya ng may nakitang parating.
"Iyan na yata si Congressman!" para siyang kinikilig na inayus ang hibla ng buhok. Humarap siya sa'kin at inayus din ang buhok ko. " Gamitin mo ang ganda mo ngayon Cassandra!"
Nataws akong kinuha ang mga tray ng pagkain at huminga ng malalim bago tuluyang lumabas.
Hindi ako lumingon sa kahit sino. Nahihiya din ako kasi baka may makakita sa'kin na negosyante o isang pulitiko. Inayus ko ng maigi ang pag lalapag ng pagkain sa mesa. Inayus nama ng iba ang kartulina na ginagawa ng ibang preso para sa pagsalubong pari at congressman. Naka arrange na ang mga upuan.
BINABASA MO ANG
Badass Señorita
General Fiction"How they will realize a many things in life if they don't even know the real taste of karma?" Cassandra Santiago is a hardworking woman in any kind of things that can help her to reach the top of spotlight, to become rich and popular, even doing ba...