6

6 0 0
                                    

"Ano bang nangyayari dito?" sigaw ni Zyrus. Bigla namang tumakbo si Louise sa tabi ni Zyrus.











"Look. Binasag niya yung binigay ko sayo nung birthday mo" sabi ni Louise sabay turo sa foundation na nasa lapag.











"So?" tanong ko sa kaniya. Biglang nanakit yung kamay ko. Pilit kong inaangat pero sumasakit. "Ren, masakit" sabi ko ng hawakan ni Renren yung kamay ko.










"Look what you've done" sigaw ni Renren kay Louise. "Are you okay, Via?" tanong niya. Tumango naman ako










"Yeah, you have the rights na magalit. Pero wala kang karapatang saktan yung mga empleyado dito, hindi ka na part ng kompanyang to. At first day palang ni Via dito." sabi ni Zach











"Did you really break that?" tanong ni Zyrus sa akin. Diretso lang yung tingin niya sa akin












"Yeah, I did it." sabi ko.











"You don't have any rights na pakialam yung gamit ko" sabi niya. "At ikaw? Ano pang ginagawa mo dito? May make up artist na ko. Hindi na kita kailangan dito" sabi ni Zyrus.











"Louise?" biglang dumating si Manager Yeng












"I thought wala pa pong mag ma make up kay Zyrus?" tanong ni Louise.











"Kanina pa ko tumawag sayo, antagal mong dumating, may nakuha na kami" sabi ni Manager Yeng.











"Oh I see. Aalis na po ako kung ganun" sabi ni Louise. "Zyrus, pagsabihan mo yang bago mong make up artist ah" sabi niya bago tuluyang lumabas.












"Anuman ang hawakan mo sa mga to, ingatan mo. Ayoko ng maulit to" sabi ni Zyrus.














"Okay ka lang?" tanong nila Lana sa akin.














"Ang sakit talaga ng kamay ko e. Nadiin ko kasi kanina yung itulak ako ni Louise" sabi ko













"Medic" sigaw ni Lisa. Lumapit naman yung nurse sa amin.














"Ipahinga mo muna yan, Ma'am. And pag bukas masakit pa, pumunta ka na sa hospital" sabi nung nurse pagkatapos ayusin yung kamay ko. Natahimik naman kami nung mga sandaling nag sho shoot na ulit sila Zyrus














____

Uwian na namin. Inabutan ako ng 10k ni Zyrus para bumili ng make up para sa kaniya. Naglalakad na ko pauwi ng tignan ko yung kamay ko.














"Unang araw mo palang, Viana. Nasaktan ka na. Hindi pwede to. Bawal kang magkasakit. Kawawa mama mo" bulong ko sa sarili ko.














Pagkadating ko sa bahay nandun na si Mama, kumakain na. Hinandaan siya nung pinsan ko.













"Salamat ah" sabi ko sa pinsan ko.













"Okay lang te" sabi niya













"Ma, alis tayo bukas ah. Pero di na tayo babalik dito" sabi ko.













Hindi ako sinagot ni Mama. Pero paano nga ba ako sasagutin ng isang taong baka hindi na ko maalala. Mama has dementia. Nakakalimot siya tas ilang sandali lang maaalala niya si Papa. Sabi ng doctor sa akin, matanda na ang Mama ko. Mas maigi daw na ihanda ko yung sarili ko sa ilang possibilidad. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Pero ayokong isipin. Nasasaktan ako













Pagkatapos kumain ni Mama. Pumunta ako sa isang convenient store para dun kumain. Wala akong ibang kakainin aside sa mga pagkain dito. Dito ako makakamura e

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon