Renren's POV
Tahimik lang si Zyrus ngayon at pumayag na siya na si Louise muna ang mag make up sa kaniya. Tahimik lang lahat at si Zyrus na kanina pa busy sa cellphone niya.
"Ka chat ni Zyrus si Via" sabi ni Jolina.
"Nagchat din si Via, okay na daw siya. Nagliligpit lang siya ng gamit ng mama niya" sabi ko.
"Mamaya ka na. May nabasa ako sa chat nila e" sabi ni Jolina
"Ano?" usisa ni Lisa.
"Pinipilit ni Zyrus na pumunta mamaya kila Via. Tas sabi ni Via mag focus nalang muna si Zyrus sa practice at kaya pa daw niya. Pero nag insist si Zyrus" sabi ni Jolina
"Isn't normal? Normal lang na mag alala si Zyrus kasi empleyado niya si Via. And sa 1 month na lagi silang magkasama, siguro naging close na sila" sabi ko.
"Hey, I'm not finish" pagpapatahimik ni Jolina sa akin
"Ano pa?" tanong ni Lana.
"Nabasa ni Louise yung chat nila, and lumabas sila after that. Nag aaway na kaya sila" sabi niya.
" Oh kaya pala." sabi ni Lisa.
"Bakit?" tanong ko
"I heard Manager Yeng and Louise talking earlier. About being replacement of Via as Zyrus' make up artist. Hindi pumayag si Manager Yeng" sabi niya
"Retouch, 2 minutes" napatakbo naman kami papunta sa stage. Nakita pa namin si Louise galing sa likod. Pinunasan niya si Zyrus, at inabot yung tubig
"I miss doing this" sabi niya pa. Napangisi naman si Zyrus.
"Hey, focus" sabi ni Zach sa akin. Tumango nalang ako at inayos yung lips niya.
"Sana hindi na bumalik si Via" lahat kami napatingin sa nagsalitang si Louise. Pati si Zyrus na iniiwasan siyang tignan kanina. Diretsong diretso yung tingin
"Anong sabi mo?" galit kong tanong.
"Calm down. Zyrus can handle it" sabi ni Zach sa akin
"Kung hindi man babalik si Via as my make up artist, magkakahanap ako ng iba. Hindi kita kailangan dito, si Manager Yeng lang nakiusap sa akin. Gusto ko lang intindihin yung situation ni Via ngayon kaya pumayag ako. Don't act like may karapatan ka dito" sabi ni Zyrus. Natahimik naman kami. Sakto namang pinaalis na kami. Halatang halata kay Zyrus na nagtitimpi na lang siya
"Hindi niya nilagyan ng cream yung mukha ni Zyrus, mag iinit na naman ulo ni Via niyan" pagpaparinig ni Lana.
"Oo nga, napaka walang kwenta talaga" sabi ni Lisa
"Buti pa si Via, inaalagaan yung mukha ni Zyrus kahit hindi naman niya trabaho." sabi ni Jolina
"May sasabihin ka din?" biglang humarap si Louise sa akin. Ngumiti naman ako.
"No wonder kung bakit gusto ni Zyrus si Via." biglang napanganga si Louise.
Biglang lumapit si Manager Yeng sa amin.
"As make up artist" pahabol ko. Nakatingin pa din ako kay Louise.
"Malapit ng matapos yung practice. Puntahan na natin si Via. Kanina pa ko kinukulit ni Zyrus e." tumingin naman ako kay Louise na halatang naiinis na. "O, Louise, gusto mo sumama?" tanong ni Manager Yeng
"Can I?" nagulat ako ng tanungin niya yun. Pati si Lana di makapaniwala sa kakapalan ng apog sa mukha ng babaeng to.

BINABASA MO ANG
My Magic Creator
AléatoireZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...