Niyakap ako ni Zyrus, at hinagod yung likod ko para mahimasmasan ako.
"Kaya mo yan, I know na kaya mo" sabi niya.
"Wala na kong kakampi. Wala ng magsasabi sa akin na proud siya sa akin. Wala na yung mama ko. Wala na" sabi ko.
"Andito kami. Huwag ka ng mag isip ng kung ano ano" sabi ko.
"Zyrus, hangga't may pagkakataon ka. Sulitin mong kasama yung mama mo. Kahit ang hirap mawalan ng isa. Ang hirap, para akong sinasaksak paulit ulit" sabi ko sa kaniya.
"Alam mong magkaiba tayo ng sitwasyon di ba?" tanong niya. Napatango naman ako.
"Magkaiba tayo ng sitwasyon. Pero magkaparehong role ng buhay yung pinag uusapan natin." sabi ko. "Alam mo bang may kapatid pala ako? Pero hindi ko siya nakasama. Kasi binawi din siya sa amin agad e. Kaya kung may kapatid ka, maswerte ka kasi nakakasama mo sila ngayon. You have it. Don't regret in the future that you didn't get a chance to see it" sabi ko.
"I'm not lucky as you think. Nasa pananaw mo pa din yan. Pero iba pa din yung pananaw ko." sabi niya. "I'll take you advice" sabi niya
Tinignan ko yung orasan, 3pm
"Pwede mo ba kong samahan sa sementeryo?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.
"Pero saan tayo pupunta? Bibili ka na ng lupa?" tanong niya
"Siguro? Ako lang naman mag aasikaso nun e" sabi ko.
Nagpaalam kami kay Manager Yeng. Nagpumilit sumama si Louise pero pinigilan siya nila Jolina.
Nakarating kami sa sementeryo at sinundan ko yung map na binigay ni Mama. Nasundan ko yun at nakita ang isang puntod.
DANIEL JIANO CRUZ
"Hi" sabi ko nung makita yung name niya. "Ate mo ko."sabi ko. Tinignan ako ni Zyrus.
" This is Zyrus, boss ko yan. Zyrus, kapatid ko"sabi ko. "Sorry ah. Ngayon lang kita nabisita. Ngayon ko nga lang nalaman yung totoo e" sabi ko.Bumili si Zyrus ng bulaklak at kandila at iniwan niya muna ako dito. Siya din nag asikaso nung sa lupa.
"Magkasama na ba kayo ni Mama?" biglang tumulo yung luha ko. "Iniwan mo si Mama dati, at nabuhay ako. Ngayon naman, buhay ako. Kaya sinamahan ka na ni Mama. Ayan ah, quits na tayo" sabi ko. "Alagaan mo si Mama ah? Hindi ganun ka strong yan. Alam kong big boy ka na. Kayang kaya mo na alagaan Mama natin. Mahal na mahal ko kayo. Gabayan niyo ko lagi ah. Ilang araw nalang makakatabi mo na si Mama dito." sabi ko.
Dumating si Zyrus, dala ang isang bulaklak at kandila.
" Tara na. Magpaalam ka na sa kapatid mo. Padilim na oh" sabi niya. Tumango naman ako sa sumunod na sa kaniya pagkatapos kong magdasal.
Nasa sasakyan na kami ng abutan niya ko ng papel
"Ihahanda na daw nila within this day yung paglilibingan ng mama mo, yung space sa tabi ng kapatid mo yung binili ko" sabi niya. Napatango naman ako.
"After ng libing ni Mama, babayaran kita. Kailangan ko lang asikasuhin yung utang ko sa parents ni Renren para sa hospital bills" sabi ko.

BINABASA MO ANG
My Magic Creator
AcakZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...