31

6 0 0
                                    

Viana's POV










Medyo naguguluhan na ko sa ikinikilos ni Zyrus ngayon.











Pinababa niya ko. Lasing na si Renren, Lisa at Lana. Si Jolina naman nakatingin lang sa akin. Nakayakap naman si Lana kay Pern na natutulog na din. Si Zach naman umiinom pa din at seryoso lang, si Chris at Divon tulog na din sa sofa.











Nakatingin ngayon si Zyrus sa akin na parang judge sa isang beauty pageant.












"Tawagin mo si Lucas, Savana at Vione. Tulungan niyo kong dalhin sa guess room tong mga to" tumango naman ako. Umakyat ako para tawagin sila. Pagbaba namin. Inaakyat na ni Zach at Zyrus si Divon at Chris. Binuhat naman ni Pern si Lana. Papunta sa kwarto. Inalalayan ko na si Renren. Si Savana naman ang may hawak kay Lisa, si Vione kay Jolina tas si Lucas yung naglinis ng pinag gamitan nila. Sa isang room lang silang lahat, may isang kwarto na may 5 beds sa loob yung pinagdalhan namin sa kanila.












Lumabas si Zach at Zyrus pagkatapos dalhin sila Chris sa guess room.











Umupo sila sa sala kung saan nagliligpit na si Lucas.











"Savana, dalhin mo nga dito yung beer sa ref" sabi ni Zyrus.











"Boss tama na kaya" sabi ni Lucas.












"Bakit? Nagrereklamo ka? Pagod ka na bang maglinis?" tanong ni Zyrus.












"Zy" inawat ni Zach si Zyrus. Ibang klaseng malasing tong isang to. Dinala ni Savana yung alak sa mesa.











"Zach, tawagin niyo nalang kami pag okay na kayo ah. May performance pa kayo bukas ng 7. Huwag na kayong uminom ng madami" sabi ko. Tumango si Zach pero...











"Hayaan mo na yan" sabi ni Zy. Napailing naman ako.











"Via. Umakyat ka na. Ikaw din Lucas. May pasok pa kayo bukas. Ako ng bahala dito" sabi ni Hiro. Tumango naman ako.











"VIA" tumingin naman ako kay Zyrus, dahil sa pagsigaw niya sa pangalan ko. "Huwag kang matutulog. Mag uusap tayo" sabi niya. Tumango nalang ako sabay akyat.












Tinuloy ko na yung pag gawa ng assignment ko. Medyo inaantok na ko pero medyo madami dami pa kong gagawin.











Ilang minuto lang nakaramdam ako ng uhaw, kaya naisipan kong bumaba. Nasa hagdan ako ng marinig kong nag uusap sila Zy, Zach at Hiro.












"Paano mo naman nasabi na ayaw niya sayo?" tanong ni Zach












"Nilayuan niya ko kanina" sabi ni Zyrus.












"Masyado mong minamadali lahat, Zy. Kumalma ka. Binibigla mo si Via e" sabi ni Hiro.











"I love her since the day she touches my face. I get confuse earlier when Pern told me to clarify my feelings. Pero kanina, alam ko na. Alam ko na mahal ko siya. Hindi nagbago yung feelings na yun kasi mahal ko talaga siya. Pero nung iniwasan niya ko. Feeling ko ayaw niya sa akin" sabi ni Zyrus. Napaakyat ako nung mga oras na yun.











I didn't know that Zyrus love me. Akala ko ba pantay lang ang trato niya sa akin sa pagtrato niya kila Lucas?











I didn't expect to hear that, but why I am happy?












Do I like him too?














"Via"

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon