"Remove that flirty hands around Zy" rinig naming sabi ni Louise kay Ayiva.
"Wala kang pakialam kung gusto kong kapitan si Zy. He didn't stop then" sabi ni Ayiva.
"Alam mo, kaya kitang paalisin sa party ko kung gusto ko. Gusto mo bang umuwi sa inyo ng di oras?" tanong ni Louise.
"I don't care" sabi ni Ayiva.
Biglang hinila ni Louise si Zy mula kay Ayiva.
"Hey, stop" inawat na sila nila Chris. Kasi mukha na silang magsasapakan.
"Don't stop that immatured spoiled brat" sabi ni Ayiva.
"Stop this okay? Ayiva, please respect Louise. It's her day." sabi ni Zyrus.
Biglang kinuha ni Ayiva yung wine sa mesa. Naalerto ako bigla at nung saktong itapon niya yun. Naharangan ko na si Zy. Pero...
"Are you okay?" Napatingin nalang ako sa likod ko kung nasaan si Zy at Louise. Para akong dinudurog habang nag aalala si Zy kay Louise.
"It's better to create a mess without too much people, Ayiva. Please calm down" sabi ko kay Ayiva. Tinignan ko si Zy. Bigla siyang nagulat nung makita niyang nasa mukha ko yung wine. Tumango nalang ako sa kaniya. Habang pinoprotektahan ko siya, pinoprotektahan niya pala si Louise. Pumunta ako sa labas at sumakay sa van. At dun lang ako naiyak. Eto na ata yung unang iyak ko, maliban nung mawala si Mama. Pinupunasan ko yung wine sa mukha ko. Habang patuloy pa din sa pag iyak.
"Are you okay?" sila Renren. Tinutulungan nila akong punasan yung damit ko. At naalala ko naman kung paano mag aalala si Zy kay Louise kanina.
"Huwag muna kayong pumasok. Pagbibihisin ko muna si Via" rinig kong sabi ni Lana. Nakita kong sila Zy yung kausap niya. Inabutan niya ko tshirt at short na maikli.
"Bat may dala kang ganyan?" tanong ni Jolina kay Lana.
"Nag prepare lang ako. Baka kung anong pinaplano ni Louise e" sabi ni Lana.
Pinupunasan pa din nila Renren at Lisa yung katawan ko, kasi di ko alam ang lagkit ko na.
"Don't think about it. Zy is just doing what he usually do. He protected Louise before. Kaya di kami magtataka sa reaction niya kanina. But I feel that you seeing that, is not right. Ikaw na yung girlfriend niya. Kaya hindi kita masisisi kung magagalit ka kay Zyrus" Sabi ni Renren nung mapansin niyang umiiyak ako..
"Stop crying" sabi ni Lisa.
"I'm not crying."pagsisinungaling ko
" Huwag mo nga kaming lokohin. 5 minutes palang namamaga na mata mo" sabi ni Lana.
"Tara, dun ka sa likod. Magbihis ka. Haharangan nalang namin" sabi ni Jolina. Bigla niya kong binitawan. Tas bigla niyang hinawakan yung leeg. "SIRA KA. ANG INIT MO" sabi niya. Bigla namang hinawakan nila Renren yung noo ko
"Now, lie" sabi ni Renren. Renren knows me. Pag di ko kinakaya yung sakit umiiyak ako, tas lalagnatin na after. Ganun ako nung mawala si Mama.
"After kong magpalit, dito nalang ako sa van. Ang sakit kasi ng ulo ko" sabi ko.
"You're right. Kami ng bahala magbantay kay Zy sa loob mamaya" sabi ni Lana

BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...