Nasa van lang ako pagkatapos ko magbihis ng pumasok si Zyrus. Hindi ko siya tinignan pero naamoy ko siya.
"Babe" tawag nya sa akin. "Uwi na tayo gusto mo?" tanong niya. "Nilalagnat ka na oh" sabi niya pa.
Hindi ko siya pinansin at nag tulog tulugan
"I'm sorry. I just did that because I didn't know how to stop myself worrying about Louise."sabi niya.
Is he saying na pinoprotektahan niya ko dati kay Louise, is because din kay Louise, he wants to protect Louise and use me as a tool to do that?
Lumabas siya ng sasakyan at dun lang ako napadilat at muling umiyak. Ayoko namang isipin na may mali. Kaya nag fb nalang ako.
I saw a post from my previous classmate. Classmate namin ni Renren. Tatlo kami dating magkakaibigan. Isang lalaki.
Travin Josh Guimaz.
Si TJ. Close namin sya nung highschool. And naging crush ni Renren
TJ Guimaz updated his status
"I miss this 2. I'll be back soon. See you, Viana Cruz and Claren"
Tas may picture naming tatlo nung highschool. Minessage ko siya kung kailan siya babalik. Pero offline siya. Pagka scroll down ko. Nakita kong naka live si Lisa.
Napatigil ako ng makitang nasa stage si Louise. Kasama si Zyrus
"I'm happy right now. And I want all of you to know that me and Zyrus are official... Again" sabi ni Louise lahat ng tao nagulat. Lumabas ako ng van para icheck kung totoong nangyayari. And yes, totoo nga. Tumakbo ako pero bigla akong nahilo. Medyo malayo na yung natakbo ko nung mga oras na yun. Kaso dahil sa lagnat ko di ko na naituloy yung paglayo ko. Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada ng may mag chat sa akin. Tuloy tuloy yung chat nila Lana sa akin pero di ko sila pinapansin. Tumatawag naman sila Renren pero di ko din sinasagot. Biglang nag reply si Travin sa chat ko. Kaya tinawagan ko siya.
"Tulungan mo ko" bungad ko sa kaniya. Medyo nahihilo na ko ng mga oras na yun at sobrang sakit na talaga ng ulo ko.
(Nasaan ka!?) tanong niya.
Sinend ko yung location ko sa kaniya. Bago ako tuluyang mawalan ng malay.
____
Renren's POV
Lahat kami nagulat ng sabihin ni Louise yun. Hindi man lang nag react or tinanggi ni Zy yun.
"Gagi" rinig naming sigaw ni Lisa. Naka live pala ang gaga.
Pero.... Viana Cruz is watching
Napatakbo agad kaming apat sa labas pero wala na siya sa van.
Tinawagan namin siya, pero pinapatayan niya lang ako.
Ilang oras na kaming naghahanap nila Lisa. Pero hindi namin siya mahanap. Natapos na yung party ni Louise ng lumabas sila Zach. Sinabi namin sa kanila na nawawala si Via. Agad namang nataranta si Zyrus at kinuha yung phone niya.
Ilang saglit lang. Tumawag si Via sa akin..
Sinagot ko naman pero...
"Ren, its me. Anong ginawa niyo? Bat niyo naman pinabayaan si Via sa labas, napaka init pa." boses palang niya kilala ko na.
"Travin?" tanong ko
"Ako nga"
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...
