"Anong hindi worth it?" tanong ko. "Alam mo ba na kapag sumasayaw kayo, ikaw yung halatang laging may make up. Kasi kahit pawis sila Zach, lalo na si Pern. Hindi halata kasi hindi agad kumakalat yung make up nila. May mga setting spray din sila."sabi ko
" Fine. I'll give you money. Bumili ka ng make up na sa tingin mo makakatulong sa akin. Since sabi mo, pareho tayo ng akin type" sabi niya
"Fine" sabi ko.
"Pero as for now, pag tiisan mo muna yan" sabi niya. Masungit pa din siya makipag usap sa akin.
"Are you ready? " biglang sigaw nung director
"Hi" sabi ng isang babae. Nakita ko pa kung paano siya titigan ng lahat ng tao dito.
"Anong ginagawa mo dito!?" tanong ni Chris dun sa babae.
"Di ba nag resign ka na?" mukhang galit si Zach nung tanungin niya yun
"Oo nga. Sinong nagpabalik sayo?" tanong ni Divon.
"Ah, tinawagan ako ni Manager Yeng kanina. May photo shoot daw kayo ngayon and wala pa daw make up artist si Zyrus. Kaya sinuggest niya na kahit ngayong araw nalang" sabi nung babae.
"Don't worry, Louise. May kapalit ka na. Pwede ka ng umalis" sabi ni Pern. So siya si Louise.
Nakita kong humarap lang si Zyrus sa salamin pagkatapos tignan sandali si Louise.
"Tatapusin mo ba o tutungangaan mo ko?" biglang tanong ni Zyrus sa akin. Agad ko namang tinapos yung make up niya. Tumayo naman siya, sumunod sila Zach sa kaniya at nilagpasan lang nila si Louise
" Ano namang meron sayo at pumayag si Zyrus na magpa make up sa katulad mo? " bigla akong nilapitan nung Louise, ngumisi pa siya sa harap ko.
"Not sure. But I think, Via is better than you" sabi ni Renren. Nakita ko naman sila Lana na pinipigilan si Renren na susugurin na si Louise.
"So, your name is Via!?" tanong niya.
"Mukhang nang aasar pa tong babaeng to e" sabi ni Renren.
"Renren, pwede ba, hindi ako pumunta dito para makipag bangayan sa inyo ng mga alipores mo" sabi ni Louise, biglang binitawan nila Lana si Renren nung tawagan silang alipores.
"Sige Ren, sugurin mo" sabi ni Jolina.
"Sampalin mo na" sabi ni Lana.
"Bangasan mo. Yung sabog mukha" sabi ni Lisa.
Lalapitan na sana ni Renren si Louise para sabunutan ng awatin ko siya.
"Walang trabaho si Louise dito, pag gumawa ka ng eskandalo, ikaw lang ang kawawa pag natanggal ka" sabi ko. Tumigil naman siya. Sabay ayos ng damit niya.
"Magpasalamat ka at matalino si Via. Iniligtas ka niya sa kamatayan mo" sabi ni Renren
"Louise? Right!?" tanong ko sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kaniya. Tinignan ko siya sa mukha "Tinipid mo naman ata yung artist ko" sabi ko. Kinuha ko yung isang foundation na nasa istante. Tas binagsak sa sahig. "Ay nabitawan" pang iinis ko. Biglang nainis yung mukha niya. Tas bigla niya kong sinabunutan. Pinigilan ko naman sila Renren kasi tutulong na sila. Hinayaan ko siya ng kawawain ako. Hanggang sa awatin na siya nung mga ibang staff na nandun. Hinila naman ako nila Renren para makatayo.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...